Chapter 9

239 5 0
                                    

CHAPTER NINE

MASAKIT na ang mga kamay ni Butch sa mahigpit na pagkakatali sa kanya. Hindi niya alam kung bakit hindi pa siya pinapatay ng mga ito. Pumasok sa isip niya ang tungkol sa film. Natitiyak niyang kukunin muna ng mga ito ang ebidensiya at kasabay niya itong paglalahuin sa mundo.
"Leelan..." Naalala niya ang lalaki. Hindi maiwasang mapaiyak siya. Mula pagkabata ay nasanay siya na laging nag-iisa. Walang amang kumakalinga at inang nagpapala. Maagang namatay ang tatay niya, ang nanay naman niya ay halos napapabayaan siya.
Nagsikap siya upang makapagtapos ng pag-aaral.
May pangarap siyang gustong maabot at para sa kanya ay walang sinuman ang makakapigil.
Nang mangyari ang pagpatay kay Lagdameo, hindi niya akalaing magiging ganito ang lahat. Ang tanging pumasok sa kanyang isipan ay ang pagsikat kaya lakas-loob niyang sinubaybayan ang lahat sa halip na tumawag ng pulis.
Pangarap niyang sumikat at makilala ngunit ang kapalit ng lahat — buhay ng matalik niyang kaibigan at buhay ng kanyang nanay at ngayon ay buhay naman niya. Marami na ang napahamak, kung papatayin siya, mainam pa nga upang tumigil na ang kung sinumang ugat ng lahat.
"MA'AM, kayo pala," anang katulong na napasbuksan ng pinto si Mrs. Fregillana, ang mama ni Leelan.
"Nariyan ba ang ma'am mo?" tanong nito na ang tinutukoy ay ang biyuda ni Lagdameo. Tumango ang katulong. "Nandiyan rin ba si Dante?" tanong nito nang makita ang kotse ni Attorney Villafuerté.
"Opo, Ma'am," anang katulong na pinapasok na siya.
Dumaan lang si Mrs. Fregillana kay Azon upang itanong dito kung magpapadasal sa ika-forty days ni Rolando para masabihan niya ang mga kasamahan nila sa simbahan. Nagtuluy-tuloy na siya sa loob ng bahay. Wala sa sala si Azon. Marahil ay nasa lanai, naisip niya, at
nagtuluy-tuloy.na.
Napatigil sa paglalakad ang mama ni Leelan nang mapadaan sa library. Narinig niya ang boses ni Azon at ni Dante. Nag-uusap ito at tila galit ang babae.
"My God, Dante!" Galit na inihampas nito ang kamay sa mesa. Sa kabila ng may-edad na ito ay nanatili ang pagiging sopistikada nito. Kung titingnan nga ito sa magandang ayos ay walang magkakamaling magsabing kuwarenta na itong mahigit.
"Huwag ka nang mag-alala," ani Dante sa babae.
"Huwag mag-alala?" singhal nito. "Bakit ba
kailangan mo pang itago?"
Nanlaki ang mata ni Mrs. Fregillana nang masilip niya sa nakaawang na pinto ang pagyakap dito ni
Dante.
Si Dante at si Azon? Kaagad na pumasok sa
kanyang isipan.
"Patayin mo na ang babaing iyon," ani Azon kay Dante. "Hanggang buhay ang Butch na iyon, lagi na lang akong kakabahan. Kailangang mawala na
siya."

"Darating din tayo riyan." Ngumiti si Dante.
"Kailangan pa natin ang babaing iyon hanggang wala sa atin ang mga litrato at film."
"Bilis-bilisan mo ang pagkilos dahil nakaalarma na ang lahat sa pulis at ang anak ni Bien ay nakikialam." May pagkabahala sa tono ni Azon. Ang tinutukoy nitong
"Bien" ay ang namayapang ama ni Leelan.
Tumawa nang malakas si Dante. "Walang kaalam-alam si Leelan na tayo ang hinahanap nila," anito.
"Kung hindi sana siya nakialam, kaso' y mukhang tinamaan sa pakialamerang reporter."
"Kaya nga dapat maging mas maingat tayo," ani Azon. "Dahil kilala ko si Leelan. Hindi siya titigil hanggang hindi nakikita ang babaing iyon."
"Ngayon ka pa ba naman mag-aalala, eh, hawak na natin ang alas," ani Dante na niyakap si Azon.
"Kapag natapos ang lahat, wala na silang malalaman at puwede na tayong mangibang-bansa muna." Hinalikan nito ang babae.
"Sandali lang," ani Azon nang may naalala. "Paano kung nakilala ka ng babaing iyon at nasabi niya sa Captain Ramos na ¡yon ang totoo?" Nag-aalala ito.
"Delikado tayo dahil naikanta na pala tayo nang wala tayong kamalay-malay."
"Madali lang ang lahat," ani Dante. "papapatay ko rin ang Ramos na iyon katulad ng mga ugok niyang tauhan." At muli nitong hinalikan ang babae.
Hindi makapaniwala si Mrs. Fregillana sa nasaksihan at narinig. Kung ganoon ay ang mga ito ang may kagagawan ng lahat. Ito rin ang nagpapatay kay Rolando Lagdameo.
Litong umalis ang mama ni Leclan. Nagtatakang napatingin sa kanya ang nadaanang katulong.
"Hi, Tita!" bating anak ni Azon nang makasalubong niya. Kadarating lang nito.
Hindi pinansin ng matanda ang anak ng kaibigan.
Takot na takot siya at nagmamadaling umalis. Mabilis pa sa alas-kuwatro na umalis siya sa lugar na iyon.
Pinatay nina Dante at Azon si Roland! anang isip niya na naramdaman pa ang kilabot sa natuklasan.
Mahirap paniwalaan pero iyon ang totoo.

Secrets (Pag-ibig Sa Gitna Ng Panganib) - Jennie RoxasWhere stories live. Discover now