Chapter 4

277 4 2
                                    

CHAPTER FOUR

"LEELAN, anak," ang mama niya. "Saan ka ba pupunta?" tanong nito matapos ang libing ni Rolando.
Kaagad na nagpalit si Leelan ng damit.
"May kailangan lang akong hanapin, Ma," aniya na humalik sa ina. "Bahala na muna kayo kay Lean."
"Anak, huwag kang magpakasubo riyan sa kaso ng Tito Rolando mo. Baka pati ikaw ay malagay sa peligro," paalala nito sa anak.
"Huwag kayong mag-aalala," aniya at sumakay na sa kotse. Pupuntahan niya sa ospital si Emman.
Natitiyak niya na pupuntahan ito ni Butch.
UMURONG si Leelan nang makasalubong ang nurse. Nakayuko si Butch at hindi siya namukhaan ni Attorney Fregillana. Iang araw na siyang nagtatago at hindi lang niya matiis na hindi silipin ang kalagayan ng
Kaibigan.
Mahigpit ang mga bantay sa labas ng ICU. Kung hindi siya nakasuot ng pang-nurse ay baka hindi niya masilip si Emman. Maluha-luha siya sa nakikitang walang-malay na kaibigan. Kung may mangyayari kay Emman ay wala siyang dapat sishin kung hindi ang sarili.
Kung gaano kabilis ang pagpasok ni Leelan ay siya ring labas niya. Kaagad na hinanap ng mga mata ni Emman ang nurse na kalalabas lang at may kutob itong si Butch iyon. Kailangan nitong makausap ang babae.
Mabilis ang mga hakbang na lumabas ng ospital si Butch. Muntik na siyang mapasigaw nang may biglang humawak sa baywang niya.
Para siyang laruang binitbit lang nito hanggang sa maipasok sa loob ng kotse.
"Huwag kang matakot," ani Leelan sa kanya nang maibaba siya.
"Hayop ka!" sigaw niya nang makabawi sa Kabiglaan. "Gusto mo kaming ipapatay talaga!" ambat niya na pinagsusuntok ang lalaki. "Sabi ko na Dea ba at hindi kami dapat magtiwala sa ¡yo!"

"Hindi ko gusto ang nangyari!" malakas na sabi ni Leelan na hinawakan ang dalawang kamay niya.
"Pinagkatiwalaan ka namin," umiiyak niyang sabi
"Ano'ng nangyari? Kapag namatay si Emman, hindi ko mapapatawad ang sarili ko!" sigaw niya.
"Wala akong alam sa nangyari," paliwanag mi
Leelan. "Hindi ko alam na haharangin kayo."
"Wala na akong tiwala sa kahit kanino," aniyana bahagyang kumalma. "Lalung-lalo na sa ¡yo!"
"Hindi kita massisi," ani Leelan. "Pero kanino ka lalapit? Paano kung makita ka ng mga taong gustong pumatay sa iyo?"
Hindi siya nakakibo. Inabutan siya ng panyo ni Leelan na tinanggap naman niya para punasan ang luha sa mga mata.
"Nagtiwala sa akin si Emman dahil kilala niya ako
Handa akong tumulong para malutas na rin ang lahat,
anito sakanya. "Tutulungan kita Sana' y ibigay mo sin
ang tiwalang ibinigay sa akin ni Emman."
"Ewan ko." Napailing siya. "Hindi ko alam kung kanino magtitiwala pagkatapos ng lahat. Kasalanan ko. aniya na muli na namang napaiyak. "Magtiwala ka lang," ani Leelan sa kanya.
Napatingin siya sa lalaki sa kaseryosohan ng tinig ruto,
"DUMITO kamuna sa bahay," ani Leclan pagdating nila sa bahay nito sa Corinthian Garden, "Mas ligtas karito. Bukas ay ihahatid kita sa Batangas."
Napakunot-noo siya. "Ano'ng gagawin ko sa
Batangas?" tanong niya na nakatingin dito.
"May bahay-bakasyunan kami roon," tugon nito na pumasok sa loob na kasunod siya. "Maaari kang magtago doon habang inaayos ang lahat."
"Daddy!" Sumalubong sa kanila ang anak nito.
"Hello, son," anito na ginulo ang buhok ng anak.
"Sino siya, Daddy?" tanong ng bata na nakatingin kay Butch.
"Kaibigan siya ng daddy," ani Leelan sa anak at kinandong ito.
Nginitian ni Butch ang bata na kumaway sa kanya.
"Kumain na ba kayo, hijo?" tanong ng matandang babae na kasunod ng anak ni Leelan. Tumingin sa kanya ang matanda at ngumiti.
"Hindi panga, Ma," sagot ni Leelan. "Siya nga pala, si Butch. I mean, si Miss Antonio," pagpapakilala sa kanya ni Leelan. "Ang mama ko."
"Good evening po," magalang niyang bati.
"Good evening naman. O, halika na kayong kumain. at nagpahanda na ako," anito sa kanya at fumingin sa apo. "Lean, halika na."
Nasaan kaya ang misis niya? naisaloob ni Butch nang hindi makita ang asawa ni Leelan. Hindi kava magalit ito kapag nakita siya?
Bakit naman? biglang sabi niya sa sarili. Wala naman silang relasyon ni Leelan.
"MA, KAILANGAN ko siyang tulungan," ani Leelan sa ina nang puntahan ng huli ang anak sa silid Matutulog na sana siya.
"Alam ko, pero ninenerbiyos ako. Baka pati ikaw ay mapahamak," anang mama niya na naitutop ang kamay sa dibdib.
"Huwag kang mag-alala, Ma." Inakbayan mya angina. "Aalis kami bukas papuntang Batangas. Doen ko muna siya itatago habang mainit pa."
"Ikaw ang sasama sa kanya?" Nasa tinig nito ans pag-aalala. "Anak..."

"Mama, may katungkulan na ako ngayong pangalagaan siya. Kaibigan ko si Emman at nagtiwala sa aking lumapit. Nasa ospital siya at critical ang kondisyon. Sa tingin n'yo ba, mapapabayaan ko na lang si Butch?" paliwanag niya sa ina.
Hindi kumibo ang matanda. Naintindiban nito ang sinasabing anak.
"Basta ipanatagn' yo ang kalooban ninyo," aniya sa ina. "Walang dapat makaalam na nasa akin si
Butch."
"Mag-lingat ka, Leelan," anang mama niya.
"Naaawa rin naman ako kay Butch."
"Iyan ang gusto ko sa iyo, Ma. Napaka-under-standing mo." Hinalikan niya sa pingi ang ina.
"ATTORNEY, kailangan ba na sa Batangas pa ako itago?" tanong ni Butch habang bumibiyahe sila.
"Mas safe ka roon." Sumulyap sa kanya si Leelan.
"And you can call me 'Leelan'. Masyado tayong pormal, wala naman ako sa loob ng court room." Nakita niya ang bahagyang pagngiti nito ngunit saglit lang ay pumormal na rin kaagad ang mukha.
"Nag-aalala kasi ako sa nanay ko," aniya na sumandal sa pagkakaupo. "Hindi niya alam kung ano'ng nangyayari sa akin. Ibinilin ko lang siya sa kaibigan ko."
"Huwag kang mag-alala at gagawa ako ng paraan para makibalita sa nanay mo at maibigay na rin ang kailangan niya," anito.
"S-salamat." Inabala niya ang sarili sa pagtanaw sa labas ng bintana. Hindi na niya namalayan na nakatulog siya sa haba ng biyahe. Nagising siya nang maramdamang huminto ang kotse.
"We're here," ani Leelan na bumaba nang kotse at sinalubong ang matandang lalaki na palapit sa kanila.
May kalakihan ang bahay-bakasyunan ng mga
Fregillana at malapit ito sa dagat. Pribado ang lugar at maganda ang tanawin.
Ipinakilala sa kanya ni Leelan si Mang Ador na katiwala sa lugar na iyon bago siya inaya paakyat sa bahay. Maganda at moderno ang pagkakaayos ng kabahayan at kompleto sa modernong kagamitan.
"Magtatagal ba ako rito?" tanong niya na nilingon si Leelan na kasunod lang niya.
"Hindi natin sigurado,"
sagot nito. "Walang nakakaalam na nandito ako. Tanging ang mama lang."
"Aalis ka na ba kaagad?" muli nyang tanong na may kabang nadama.
"Sasamahan muna kita rito pero babalik-balik din ako sa Maynila," sagot nito. "Mahirap na at baka may makahalata."
"M-maraming salamat sa lahat ng tulong," aniya na ngumiti sa lalaking abogado.
"Magpahinga ka na. Tatawagin na lang kita kapag nakahanda na ang pagkain natin," anito na itinuro na sa kanya ang silid na tutuluyan mya.
MALALIM na ang gabi ay gising pa rin si Butch.
Nararamdaman pa rin niya ang takot sa dibdib ngunit hindi niya maintindihan kung bakit nababawasan ang pangamba niyangayong kasama niya si Leelan. Wari' y panatag ang kanyang isip sa kaalamang nasa paligid ang lalaki. Ayaw sana niyang magtiwala sa kahit na sino ngunit hindi niya maiwasang magtiwala kay Leelan at ipaubaya rito ang lahat.
"Gabi na, bakit gising ka pa?" anang boses na nakapagpalingon sa kanya. Nasa balkonahe siya ng bahay.

"H-hindi ako makatulog" Marahan siyang ngumiti sa lalaki.
"Bakit?" anito na tumabi sa kanya.
"Namamahay siguro ako,'
" sagot niya na ibinalik
ang tingin sa dagat.
"Matagal ka na ba sa trabaho mo?" tanong ni
Leelan makaraan ang ilang sandali.
"Bago pa lang akong nagsusulat," aniya na lumingon at pagkuwa' y ibinalik muli sa dagat ang tingin. "Tulad ng ibang reporters, nangangarap din akong sumikat at magkapangalan. Gusto kong maki lala kaya nagsisikap ako. Akala ko, sa nangyari ay matutupad na ang pangarap ko. Na pagkakataon ko na para sumikat at gumanda ang buhay namin ng nanay ko pero heto ang kapalit." Nagkibit-balikat siya. "Ang makipaghabulan kay Kamatayan."
"Matutupad naman lahat ng pangarap mo kapag natapos ang kaso. Sisikat karin," ani Leelan na tumingin sa kanya.
Natawa siya. "Kung buhay pa ako. Aanhin ko naman ang makilala ako kung patay na ako? 'Di wala rin," aniya.
Hindi kumibo si Leelan.

"Hindi ka pala kaagad babalik sa Maynila," aniya mayamaya. "Hindi ba magagalit ang misis mo kung wala ka?"
"Patay na ang asawa ko," sagot nito at napatingin dito si Butch.
"I'm sorry," aniya.
"Okay lang," sagot nito. "Matulog ka na at papalamig na rito," anito na nagpaalam na sa kanya.
Napasunod na lang ng tingin si Butch sa lalaki nang pumasok ito ng bahay at sumunod na rin siya kaagad.
NAKAHANDA na ang almusal nang magising siya.
Nakangiting naghihintay sa kanya si Leelan.
"Good morning."
"Good moming," nakangiting sagot niya. "Hindi ko alam na early riser ka pala," aniya.
"Nasanay kasi ako na nagdya-jogging sa umaga," sagot nito. "Kung gusto mo pagkatapos nating kumain ay ililibot kita sa paligid."
"Sige," masayang sang-ayon niya. Habang kumakain sila ay lihim niyang sinusulyapan ang lalaki.
Cuwapo talaga ito at nagkamali siya nang sabihin niyang ' antipatiko" at 'mayabang' ito dahil kahit sandali pa lang niyang nakakasama ang lalaki ay nakikita na niya ang kabaitan nito. lyon nga lang ay may pagkaistrikto kung minsan at dominante, marahil dahil abogado ito.
Naging masaya ang paglilibot nila. Isinakay pa siya ni Leelan sa bangka at inilibot sa paligid bago nagbalik sa bahay.
Saglit niyang nakalimutan ang kinakaharap na problema. Wari' y napakatiwasay ng kanyang buhay at kung maaari lang ay manatili na lang na ganoon.

Secrets (Pag-ibig Sa Gitna Ng Panganib) - Jennie Roxasحيث تعيش القصص. اكتشف الآن