Chapter 3

303 7 0
                                    

CHAPTER THREE

"DADDY!" Masuyong sumalubong ang limang-taong gulang na bata sa ama.
Nakatawang kinarga ni Leelan ang anak.
Nakakawala ng pagod para sa kanya ang makita ang nag-lisang anak.
"Daddy, pasalubong ko?"
"Ha?" Nakalimutan niya na nagbilin ang anak bago siya umalis kaninang umaga. Sa dami ng trabaho at mga bagay na inaasikaso niya ay nagiging makakalimutin na yata siya. "Naku, hindi nakabili si Daddy," anito sa anak. "Pero magbihis ka na lang at maglilibot tayo ng lola."
"Yehey!" sigaw ng bata na masayang-masaya.
Bumaba na ito sa pagkakakandong niya at tumatakbong tinungo ang kuwarto.
"Baka ma-spoiled sa iyo ang anak mo," mama niya na masayang nakatingin sa mag-ama.
"Alam mo naman na marami akong pagkukulang kay Lean," aniya na humalik sa noong ina.
"Kung bakit kasi hindi ka pa mag-asawang mur para magkaroon naman ng titingin sa iyo at sa anak mo."
"Ma, nandiyan ka naman para sa amin ni Lean,
'di ba?"
"Hindi ko maibibigay ang pangangailangan n' yong mag-ama. At saka paano kapag namatay ako?" anito
"Ang mama talaga. Sige na, magbihis ka na at nang makaalis na tayo," aniya sa ina. "Sa labas na rin tayo mag-dinner."
"Naku, anak. Kayo na lang mag-ama at hindi ako puwede. Darating si Kumareng Aida mamayang gabi, at tutungo muna ako sa burol ng Tito Rolando mo."
"Ganoon ba? Pakisabi na lang kay Tita Azon na bukas na ako pupunta roon." Tumayo na siya para magpalit ng damit.NAIHAMPAS ni Butch ang kamay sa pader nang maibaba ang telepono. Tinawagan niya si Emman pero wala ito sa bahay. Kailangan niya ang tulong ng kaibigan.
Iniwan muna niya ang nanay niya sa kaibigang si Osang dahit hindi siya puwedeng manatili sa bahay kung ganoong nasundan na pala siyang mga taong gustong pumatay sa kanya.
Naglakad-lakad siya. Kinakabahan na siya kaagad basta may lalaking tumitingin sa kanya dahil baka iyon na ang mga naghahanap sa kanya. Nang may matanaw siyang lalaki na tila sinusundan siya kaya kaagad na pumasok siya sa isang department store. Nagmamadali ang mga hakbang niya at palingun-lingon kaya hindi niya nakita ang lalaking nakatayo sa daraanan niya.
"Ay!" Napasigaw siya nang mabangga sa nakatalikod na lalaki at nawalan siya ng balanse at napaupo sa sahig.
"Sorry," hinging-paumanhin ng lalaki at kaagad siyang inalalayan nito para makatayo.
"Ano ba?" matapang niyang sita nang makatayo.
"Ang laki-laki nitong daan..."
"Excuse me, Miss," anito. "kaw ang bumangga sa akin."
"Kung hindi ka ba nakaharang sa daanan, mababangga ba kita? mainit ang ulong sagot nya na pinagpagan ang puwitan ng pantalon.

"Miss, department store ito at hindi ako nakakala sa daan. Kung marunong ka lang tumingin Sa dinadaanan mo' y baka hindi ka pa nakapamerwisys ng tao," anito sa kanya na halatang inis na.
Napatingin si Butch sa lalaking nakabunggo.
Antipatiko! naisaloob niya. Guwapo sana ang lalaki at mukhang mayaman pero mayabang at akala mo kung sino.
"Daddy." Napalingon sila sa tumawag na bata
Cute ito at kahawig ng lalaki. Marahil ay anak ng antipatikong lalaki.
"Come on, son," anito sa anak at lumingon sa kanya. "Sa susunod, Miss, matuto kang tumingin sa dinaraanan mo." At tumalikod na ito kasama ang bata.
Namula si Butch. Napakayabang ng lalaki.
Susundan sana niya ito para makaganti sa sinabi nito pero naalala niyang hindi siya dapat magtagal sa lugar na yon at baka nasa paligid lang ang mga kalaban.
"MAY KAUSAP ka raw na babae na nakapantalon. sabing anak mo," nakangiting sabi ng mama niya nang maihatid nito si Lean sa kuwarto.

"Wala iyon. Nakabangga ko kanina," ani Leelan.
"Masyadong mataray, siya na nga ang nakabangga."
"Ikaw naman, anak, masyado kang nagiging masungit," ang mama niya na umupo sa harap niya at nagsalin ng kape sa tasa. "Sige ka, baka mawala ang appeal mo sa mga babae."
"Ma, wala akong panahon sa mga babaing akala mo kung sino. One Dorcas is enough," anito na inabot ang tasa ng kape at humigop.
"Bakit hindi na napapasyal dito si Dorcas?" tanong ng ina.
"Mabuti nga at hindi nagpupunta rito iyon. At least walang nagna-nag sa akin," natatawa niyang sagot.
"Leelan, may relasyon ba kayo ni Dorcas, ha?"
"Wala kaming seryosong usapan. Basta itinuring niya ang sarili niya na girlfriend ko," sagot ni Leelan.
"Anak, bata ka pa. You're only thirty-two. Puwede ka pang magkaanak ng marami."
"Ma, here we are again." Tumayo si Leelan at humalik sa noo ng ina. "Matutulog na ako at maaga ang bista ko bukas," paalam niya. Kabisado na niya ang ina. Mangungulit na naman ito sa pag-aasawa niyang muli.

Secrets (Pag-ibig Sa Gitna Ng Panganib) - Jennie RoxasWhere stories live. Discover now