Chapter 11

281 5 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

NAGKAMALAY na si Butch sa ospital. Kaagad niyang hinanap si Leelan.
"Huwag ka munang magkikilos," ani Osang na lumapit sa kanya. "Magpahinga ka na muna."
"N-nasaan si Leelan?" aniya na may luhang sumungaw sa mga mata. "May masama bang nangyari sa kanya? Nasaan siya? Pupuntahan ko siya," sunud-sunod na tanong niya na nagpipilit tumayo kahit nanghihina ang buong katawan at nananakit ang balat na may mga paso ng sigarilyo.
"Nurse!" tawag ni Osang nang hindi siya mapigil.
Kaagad siyang sinaksakan ng pampakalma ng nurse hanggang sa tila nanghihinang napahiga siya muli at ipinikit ang mga mata.

"NAGKAMALAY nasiya kanina. Hinahana niya si Leelan," ani Osang nang dumating si Capt. Ramos sa
ospital.
"Nagpapagaling din si Leelan," anito.
«Paano kung magising muli siya at magpumilit na puntahan si Leelan?" Nasa tono ni Osang ang pag-aalala.
"Hindi muna ako aalis. Hihintayin ko na magising siya."
SI ALVIN ang namulatan ni Butch. Nakangiti ito sa kanya. Nagtatanong ang kanyang mga mata at sinagot naman nito ang pipi niyang katanungan.
"Huwag kang mag-alala, Butch," ani Alvin.
"Maayos na si Leelan."
Napanatag ang kanyang kalooban at ilang araw pa ay nakabawi na siya ng lakas. Maraming tao ang nag-aabang sa kanya upang makunan siyang pahayag ngunit lahat ay tinanggihan niya.
"Salamat sa lahat, Oblak," aniya nang dalavin siya nito sa ospital. Muntik na rin itong hindi makapasok kaya lang ay nagpasabi sa kanya.
"Sabi ko naman saiyo ay wala iyon" anito. "Gusto mo ba akong ma-interview?" tanong niya rito.
"Nandito ako para dalawin ka," ani Oblak. "Sa iyo ang kuwento na iyan. Para sa inyo ni Emman."
Napaluha siya sa sinabi nito.
"Magpagaling ka kaagad para maisulat mo ang
lahat," ani Oblak sa kanya.
"P-para sa pangarap namin ni Emman," aniyana
ngumiti.
"Galingan mo, ha?" nakangiti rin nitong sabi. "Para maging katulad ka na ni Jessica Soho."
"Salamat."
NASA pangangalaga pa rin siyang NBI sa ilalim ng witness protection program habang isinasampa ang kaso kina Mrs. Azuncion Lagdameo at Dante Villafuerte
na kasalukuyan na ring nagpapagaling.
Ilang araw na ang nakaraan ngunit wala siyang nabalitaan kay Leelan. Tanging si Alvin ang nagsasabing ayos naman ang lalaki.
"Mabuti naman at natapos na ang lahat," anang mama ni Leelan nang dalawin siya nito kasama si Lean.
"Magbabayad na rin sina Azon at Dante sa ginawa nilang kasalanan."
"Salamat ho sa lahat." May lungkot sa mga matang ngumiti siya. "K-kumusta na ho si Leelan?" tanong niya.
"Magaling na siya at nagpapahinga na lang,"
pagbabalita ng matanda.
Hinaplos niya ang buhok ni Lean na nakatabi sa kanya. "How are you?" aniya sa bata.
"Fine," nakangiting sagotng bata. Tita Butch, kailan ka pupunta sa bahay para maglaro tayo?" Kita sa inosenteng mukha nito ang pag-asam.
"Kapag natapos na ang inaasikaso ko," aniyana hinalikan sa pingi ang bata.
"Talaga?" excited na turan nito. "Yehey! Lola, maglalaro daw kami ni Tita Butch," masayang sabi nito.
"Tikumusta n'yo na lang ho ako kay Leelan," aniya sa matanda. "Gusto ko sana siyang dalawin kaya lang...
"Huwag kang mag-alala at naiintindian ka ni
Leelan," anito sa kanya.
"Aalagaan mo si Daddy lagi, ha?" aniya kay Lean. "Yes, Tita Butch," sagot kaagad ni Lean na niyakap siya habang nakatunghay lang si Mrs. Fregillana.
"THOPE you still remember me," ani Dorcas nang puntahan siya nito.
"Oo," sagot niya rito.
"At alam mo rin siguro na may relasyon kami ni Leelan," anito. "Kaya ako nagpunta rito ay para sabihin sa iyo dahil naaawa siya sa iyo, lalo na sa mga nangyari sa iyo."
"Diretsohin mo na ako kung ano talaga ang pakay mo rito," aniya sa babae.
"Kung anuman ang namagitan sa inyo ni Leelan, kalimutan mo na," deretsong sabi nito. "Ipinagtapat na niya lahat sa akin at humihingi siya ng tawad.
Nagmamahalan kami at nag-propose na siya sa akin ng kasal lalo na nang — malaman niya na buntis ako." Nabigla siya sa sinabi ni Dorcas. Hindi siya
nakapagsalita kaagad.
"Hindi ka ba nakakahalata na hindi ka man lang niya dinadalaw samantalang magaling na siya? lyon ay dahil gusto ka na niyang iwasan," anito pa.
"Wala naman siyang dapat iwasan dahil hindi ako naghahabol," nang makabawi. "Kung magpapakasa! kayo, eh, di magpakasal kayo. Walang pumipigil sa inyo."
"Nililiwanag ko lang ang lahat," diin ni Dorcas.
"Buntis ako at ayokong mawalan ng ama ang dinadala ko."
"Huwag kang mag-alala," aniya na napatiim-bagang.
"Salamat naman kung ganoon," nakataas ang kilay na sabi nito.
"Gusto ko nang magpahinga. Wala ka na bang ibang sasabihin?" may katarayan niyang tanong.
"Wala na at sa wakas ay mapapanatag na rin si Leelan, ganoong okay naman na pala sa iyo ang lahat," anito na ngumiti bago umalis.
Nanghihinang napaupo siya at napaiyak. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya si Dorcas. Pero hindi ba at tama ito nang sabihin nito na hindi nga siya dinalaw man lang ni Leelan samantalang magaling na ito at nagpapahinga na lamang?
Kung mahalaga siya kahit kaunti sa lalaki ay hindi tato matitiis na hindi siya makita kahit paano. Kahit tawag sa telepono ay hindi nito magawa.

Habang nasa pangangalaga siya ng NBI ay hindi nakalimot si Osang, si Oblak, at maging ang mama ni Leelan na kumustahin siya. Upang makalimot kahit paano sa sakit na nadarama ay sinimulan niya ang pagsusulat ng tungkol sa nangyari at kasamang iko-cover sa diyaryo ang litrato na nakunan niya.
Tuwang-tuwa si Sir Ric nang lumabas ang article niya. Bigla ang pagtaas ng benta ng diyaryo nito.
Marami ang gustong makabasa lalo na at ang nagsulat ay ang tunay na nakaranas ng lahat. Pumayag na rin siyang ma-interview ng press. Laman siyang lahat ng balita sa diyaryo, radyo at telebisyon. Lahat ay nakatutok sa kanya.
Dapat ay matuwa siya dahil dumating na ang pagkakataon na hinihintay niya. Nakilala na siya at may dalawang istasyon na ang kumakausap sa kanya para kunin siyang news reporter dahil maraming bumilib sa katapangan niyang taglay.
Ngunit bakit hindi niya madama ang tunay na kaligayahan? Hungkag pa rin ang damdamin niya. Nasa kamay na niya ang lahat ng pangarap ngunit bakit wala siyang kasiyahang madama? Ang tanging naroroon ay kalungkutan at pananabik sa isang tao. Isang tao na siyang dahilan kung bakit patuloy siyang nabubuhay. Ang taong nagmamahal ng iba ngunit patuloy niyang inibig. Ang taong itinaya ang buhay para sa kaligtasan niya.
"Leelan... " bulong niya sabay tulo ng luha.
Matutupad na ang lahat ngunit mas nanaisin pa niyang wala na ang kahit ano kapalit ng lalaking minamahal.
Ngunit hindi naman niya puwedeng ipagsiksikan ang sarili dito.
Mahal niya si Leelan at pababayaan niya itong lumigaya kahit na halos pinatay na nito ang kanyang
puso.
"SABI ko sa iyo, sisikat ka," ani Oblak sa kanya.
"Hindi ka ba masaya? Aba' y dalawang malalaking istasyon ang nag-aagawan sa iyo ngayon. Baka madaig mo pa si Jessica Soho," anito nang makita ang lungkot sa kanyang mukha.
"Masaya," sagot niya. "Alam mo naman na ito ang pangarap ng bawat reporter, 'di ba? Nakalulungkot nga lang at wala na ang nanay ko at si Emman," aniya.
"Sana' y kasalo ko sila ngayon."
"Talagang ganyan ang buhay. Hindi lahat ng kaligayahan at hinahangad natin ay nabibigyan ng katuparan," ani Oblak sa kanya. "Anyway, pinatatawag kani Sir Ric, bibigyan ka yata ng bonus," pagbabalita nito.
Nangiti siya. Tama ito, hindi lahat ay mabibigyan ng katuparan.
"SAAN ba talaga tayo pupunta, Alvin?" tanong niya rito na naging kaibigan na rin niya.
"Relax ka lang," ani Alvin sa kanya. "Wala ka bang tiwala sa akin?"
"Hindi naman." Ngumiti siya rito.
"Ganyan ba talaga ang sikat?" ani Alvin. "Hindi naman kita kikidnapin."
"Sira!" natatawa niyang sabi. "Ang arte mo, ha?
Nagtanong lang ako, kung anu-ano na ang kasagutan mo. Kapitan ka panaman," biro niya. "Dapat sa iyo, mag-asawa na at nang may sumakit ang ulo sa kaartehan mo."
"Nagsalita ang may-asawa," ganti nito na iniliko ang sasakyan sa may gas station. "Sandali lang at may bibilhin lang ako," paalam nito sa kanya na bumaba na ng sasakyan. Nakapikit na isinandal na lang ni Butch ang ulo, gusto niyang magpahinga. Naramdaman niya ang pagpasok muli sa sasakyan ni Alvin. Mayamayapaay naramdaman niyang umandar na ang kotse pero hindi pa rin siya dumidilat.
Narinig niya nang buksan nito ang radyo. Isang lumang tugtugin ang pumailanlang. Maganda ang awitin pero nababaduyan siya.
"Alvin, ang baduy mo talaga!" aniya na napadilat ngunit mas nagulat siya sa nakita. Hindi si Alvin ang nagmamaneho sa kotse.

Secrets (Pag-ibig Sa Gitna Ng Panganib) - Jennie RoxasWhere stories live. Discover now