Chapter 12

471 10 0
                                    

CHAPTER TWELVE

"LEELAN!" Nagulat siya nang makita ang lalaki.
"Anong.." May kasiyahang bumaha sa kanyang puso na dagli ring napalitan ng hinanakit.
"Thinto mo ang sasakyan!" utos niya sa lalaki.
"Baka gabihin tayo," ani Leelan na ngumiti sa kanya.
"Wala akong pakialam. Thinto mo sabi itong kotse, mataray niyang sabi na hinarap si Leelan. "Nasaan si Alvin?" tanong niya na hindi nito pinansin. "Saan mo ako dadalhin? Ibalik mo na ako!"
"Bakit ba si Alvin ang hinahanap mo? Nandito naman ako." Inilapit nito sa kanya ang mukha at inihinto ang sasakyan.
"Ibalik mo sabi!" sigaw niya.
"Sorry, pero hindi kita masusunod sa gusto mong mangyari," anito at siniil siyang halik.
Matagal at malalim ang halik na iyon, sapat upang malimot niya ang lahat.
"I love you, Babes," anito nang maghiwalay ang mga labi nila.
Sinampal niya si Leelan na ikinagulat nito.
"I love you ka riyan!" irap niya. "Doon ka na lang sa Dorcas mo. May dapat kang panagutan sa kanya."
"Ako, may dapat panagutan kay Dorcas?" turo pa nito sa sarili.
"Takaila mo pa!" singhal niya. "Takasal ka na sa kanya at magkakaanak na kayo, 'di ba!"
"Sandali, hindi kita maintindihan," ani Leelan.
"Kaya pala hindi mo man lang ako naisipang dalawin kahit magaling ka na. Ni tawag sa telepono!"
"Teka lang," ani Leelan. "Magpapaliwanag ako."
"Hindi ko kailangan ang anumang paliwanag mo.
Malinaw na sa akin ang lahat," irap niya. "Wala kang aalalahanin sa akin dahil hindi ko balak maghabo!!" Nagulat siya nang yakapin at muling halikan ni Leelan. Humihingal pa silang pareho nang magbitaw ang mga labi nila. "Puwede bang pakinggan mo muna ako?" anito.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo tungkol kay Dorcas dahil wala na kaming anumang relasyon. At tungkol naman sa hindi ko pagdalaw sa iyo ay dahil pinipigil ko ang sarili ko na huwag iyong gawin." Tumulo ang mga luha ni Butch.
"Babes, totoo ang lahat ng sinasabi ko," anito na masuo siyang niyakap. "Pigil na pigil ko ang sarili ko na huwag munang makipagkita sa yo dahil gusto kong maayos muna ang lahat at hindi ako nagkamali ng desisyon." Ngumiti si Leelan. "Isa ka nang kilala at respetadong reporter at natupad na ang pangarap mo." lyon ba ang dahilan kung bakit hindi nagpakita sa kanya ito? naisaloob niya habang patuloy na umiiyak.
"Katunayan ay lagi kong pinadadalaw sa iyo ang mama at si Lean. Na magiging anak mo na rin kapag nagpakasal na tayo."
"Leelan..." Yumakap siya rito nang mahigpit.
«Wala na si Dorcas dito sa Pilipinas kaya hindi na siya manggugulo pa," anito. "Kung alam ko lang ang ginawa niya, di sana' y matagal na kitang pinuntahan... how I've missed you." Muli siya nitong hinalikan. "I've missed you, too," sagot niya.
"Ngayon, puwede ko na ba uling sabihing 'I love you' nang hindi nasasampal?" biro nito na ikinangiti nya.
"I love you," aniya at inunahan na ito.
"I love you, too, Baby Ann."
"Yuk!"
"Okay, I love you, my baby bubot—" At muli siyang hinalikan.
Nang maglapat ang uhaw nilang mga labi ay alam ni Butch na umpisa na iyon ng kaligayahan niya sa piling ng lalaking minamahal.
Si Leelan ang hahawak ng kaso laban kina Dante at Azon. Magkatulong nilang ipaglalaban ang naging kamatayan ng mga taong malalapit sa buhay miya.
Wala na siyang ikatatakot pa hanggang nasa tabi niya si Leelan, ang kanyang mahal at tagapagtanggol.

WAKAS

Secrets (Pag-ibig Sa Gitna Ng Panganib) - Jennie RoxasWhere stories live. Discover now