Chapter 6

274 5 1
                                    

CHAPTER SIX

"LEELAN..." daing niya nang pakawalan nito ang mga labi niya upang bumaba ang mga halik nito patungo kanyang leeg, pababa hanggang sa kanyang matayog na dibdib na walang sinumang nakapangahas na umangkin.
Natatakpan lamang ng manipis na T-shirt ang kanyang dibdib at nang itaas ni Leelan ang kanyang suot at tuluyan siyang nahubaran ay narinig niya ang mabilis nitong paghingal.
Naramdaman niya ang mga kamay nito na sumakop sa dibdib niya. Napadaing siyang muli at napapikit.
Wari y libu-libong kilabot ang kumalat sa buo niyang katawan sa pagdantay ng mga kamay nito sa kanyang balat.
"Butch..." anas ni Leelan bago bumaba ang mga labi nito patungo sa kanyang dibdib upang palitan ng mga labi nito ang mga kamay na kanina' y nagpapala sa kanyang dibdib.
Bahagya siyang napadilat upang mapapikit muli at damhin ang sensasyong bumabalot sa kanyang katawan. Napaliyad siya nang tila sanggol na uhaw ito sa pagsuyo sa kanyang dibdib. Tila wala itong kasawaan. Ang mga kamay nito ay naglalakbay sa ibang parte ng kanyang katawan at bawat haplos, bawat dantay ay nag-iiwan ng tila kuryente sa kanyang balat na lalong nakapagpapainit sa kanyang nararamdaman nang mga sandaling iyon.Mahal niya si Leelan at buong puso niyang ibibigay dito ang buong pagkatao niya.Napahigpit ang yakap niya at nakagat ang mga labi upang pigilan ang pag-alpas ng sigaw dahil sa sakit na nadama nang tuluyan siyang pasukin ni Leelan.
Naramdaman niya na tila ito natigilan ngunit nang makabawi sa pagkabigla ay marahan na itong kumilos
sa kanyang ibabaw hanggang sa pabilis nang pabilis at nagtila sila magkapareha na nagsasayaw sa isang ritmo na walang tugtog.

MATAGAL nang tulog sa tabi niya si Leelan ngunit ninatili siyang gising. Wari y ayaw dalawin ng antok ang kanyang kamalayan. Gusto niyang titigan nang titigan ang guwapong mukhang lalaking minamahal.
Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit kay bilis nagkapuwang sa kanyang puso ang lalaki. Kung bakit kay bilis niyang minahal ito.Kumilos ang kanyang isang palad patungo sa natutulog na si Leelan. Marahan niyang hinaplos ang mukha nito. Buong ingat, buong pagmamahal.Nagulat siya nang kumilos ang kamay nito at humawak sa kamay niyang nasa pingi nito. May ngiti sa labing nagdilat ito at tumitig sa kanya."H-hindi ako nakadaramang takot ngayong nandito ka, nasa tabi ko. K-kapiling ko," aniya na hindi inaalis ang mga mata nito.
*Lagi akong nandito. Walang sinuman ang mazaring manakit sa iyo hangga't buhay ako," anito nunkinaligaya niya nang labis.
Muli siyang hinalikan nito at muli nilang pinauschthan ing pag-ibig. Pag ibig nga ba? tanong ng isip ni Butch.
Sana ga ay pag-ibig lalo at higit sa parte ni Loelan, lihim niyang naidasal.

Pag-ibig sa gita ng panganib.
WALA na yata siyang mahihiling sa mga pagkakataong magkasama sila ni Leelan at pinagsasaluhan ang kaligayahan na noon lamang niya nadama.
Para silang mga batang naghahabulan sa dalampasigan. Tila walang alalahanin o suliranin.
"Tatlong taon na ang nakararaan mula nang mamatay si Cynthia," ani Leelan na nasa tinig ang lungkot. Nasa balkonahe sila at magkayakap na pinanonood ang paglubog ng araw. "Hindi ko matanggap na namatay siya sa ganoong paraan at sinisi ko ang sarili ko dahil wala ako sa kanyang tabi nang mangyar iyon."
"Pero wala kang kasalanan," aniya na lumingon dito.
"Oo, pero sana'y nasa tabi niya ako para maipagtatanggol ko man lamang siya." Tumingin ito sa malayo.
Hindi kumibo si Butch. Pinabayaan niyang manahimik si Leelan. Alam niyang masakit para dito ang alalahanin ang nakaraan.
"Bakit 'Butch' ang naging pangalan mo?"mayamaya ay tanong nito.

Natawa siya. "Nakasanayan lang at saka ayoko
rin naman ng tunay kong pangalan," aniya. "Mabantot"
"Ano ba ang totoong pangalan mo?" curious na tanong muli ni Leelan.
"Huwag na," tanggi niya ngunit mapilit ang lalaki.
"Sasabihin ko sa iyo pero walang tawanan?"
"Sige, promise," anito na nakangiti na wari' y nakalimutan na ang nauna nilang pinag-uusapan.
"Baby Ann," aniya. "Ang corny, 'no?"
"Baby Ann," ulit nito. "Maganda naman, parang
"baby bubot'," biro nito.
"Tama ka. Kaya naging 'Butch' ang pangalan ko dahil tinutukso ako noong maliit pa ako na baby bubot," pagkukuwento niya rito.
"Seriously speaking,
" ani Leelan. "Mas gusto ko
ang 'Baby Ann' kesa 'Butch' or maybe I can call you
'Babes'," anito na kinabig siya palapit dito.
"Babes, puwede na, huwag lang 'Baby Ann'," aniya na nakiliti nang halikan sa tenga ni Leelan Kaagad siyang gumanting halik it. Nagkahiwalay lang ang kanilang mga labi nang tumunog ang cellphone na nasa tabi lang nila.
"Yes, Ma." bungad ni Leelan na nakaakbay sa kanya ang isang kamay. "Ha?!" Gulat ito na kaagad napatayo, "Okay, calm down and I'lI be thére," anito.
"A-ano'ng nangyari?" kinakabahan niyang tanong.
"Tumawag daw si Alvin sa bahay," ani Leelan na hinawakan siya sa balikat. "Kailangan muna nating bumalik sa Maynila ngayon," anito.
Mabilis ang mga kilos na iginayak nila ang mga gamit para sa pagluwas. May kabang bumangon sa kanyang dibdib pero kagyat niyang pinalis.
Sa buong biyahe nila mula Batangas hanggang
Maynila ay walang kibo si Leelan na tila napakalalim
ng iniisip nito.
Kaagad silang sinalubong ng mama ni Leelan. Nasa mukha nito ang pag-aalala. Naroroon si Capt. Ramos
at tila hinihintay sila.
"Alvin, ano na ang balita?" tanong kaagad ni Loelan
sa kaibigan.
Tumingin sa kanya ang pulis. Pagkuwa' y may
ibinulong sa lalaki Lumingon sa kanya si Leelan at nilapitan siya.
"Babes," anito na hinawakan siya sa kamay.
"Nawawala ang nanay mo. Ang sabi ni Osang ay may mga lalaking armado ang sumundo sa kanya."

Hindi makapaniwala si Butch sa narinig. Daig pa hiya ang binagsakanng langit at lupa. Nanginging ang mga tuhod na naupo siya at umiyak.
Nilapitan siya ni Leelan at niyakap. "Gumagawa na ng paraan ang mga pulis," assurance nito.
"P-papatayin nila ang nanay ko," umiiyak na sabi miya. "Leelan, hindi puwedeng ipaubaya ko na lang sa pulis ang lahat."
Tumunog ang telepono. "Leelan, ang Tito Dante mo." anang mama nito at iniabot ang wireless phone.
"Nasa pangangalaga ko si Butch, Tito," anito sa matandang lalaki. "Delikado gang masyado."
*Bakit daw?" tanong ng mama ni Leelan.
"Nag-aalala lang si Tito Dante. Itinatanong niya kung may maitutulong daw ba siya," ani Leelan nang maibaba ang phone.
"Nasaan si Lean, Ma?" tanong niya sa anak.
"Natutulog na ang anak mo," sagot ng matanda.
"Lagi ka ngang itinatanong sa akin."
Himinga nang malalim si Leelan. "Kailangan mong magpahinga muna," anito kay Butch.
"Tama si Leelan, Miss Antonio," ani Alvin. "Magpapapunta ako rito ng mga tauhan para siyang magbantay sa inyo habang nandito kayo,"
"Tbabalita ko kaagad kung may development."
anito.
"Salamat, pare," ani Leelan na nakipagkamay sa kaibigan bago ito umalis.
NANG maihatid ni Leelan si Butch sa kuwarto ay tinungo niya ang silid ng anak upang bisitahin ito.
Marahan siyang naupo sa tabi nito at hinaplos ang buhok ng anak.
"Naaawa ako para kay Butch," anang mama niya na sumunod sa kanya. "Mahirap ang kalagayan niya."
May lungkot sa mga matang lumingon siya sa ina.
"Leelan, hindi ko na kailangang kumpirmahin pa dahil sa nakita ko kanina at sa nakikita ko ngayon sa iyo ay iisa lang ang kahulugan-"
"Ma, naguguluhan pa rin ako," aniya. "Nararan-daman ko na importante sa akin si Butch. Na natatakof ako sa maaaring mangyari sa kanya.*
Hinawakan siya sa balikat ng ina. "Sundin ma
Lang ang gusto ng puso mo."
Paano, Ma, kung kaya lang ganito ang nararamdaman ko ay dahil gusto ko lang siyang iligtas dahil hindi ko iyon nagawa noon kay Cynthia?" aniya na naguguluhan.
"Kalimutan mo na ang nakaraan. Pabayaan mong
¡turo ng puso mo ang tama," sagot nito.
TULOG na ang lahat ngunit gising pa ang mga bantay nila. Kailangan niyang makaalis. Hindi siya pupuwedeng naroroon lang at naghihintay ng balita.
Maingat na nakalabas si Butch sa malaking bahay ng mga Fregillana. Mabuti na lang at nakalusot siya sa mga pulis. Kaagad niyang pinara ang paparating na taxi at nagpahatid sa lugar nila.
"BUTCH!" Gulat si Osang nang mapagbuksan siya ng pintuan. "Ano ba ang nangyari? Ang nanay mo' y Kinuha rito ng mga lalaki," naiiyak na pagbabalita nito sa kanya.
"Osang, kailangan ko iyong bote ng alak na nakakahon pa," aniya. "Nasaan na?"
"Nandiyan sa loob," anito. "Ano ba talaga ang laman noon?" tanong nito.
"Saka ko na lang papalivanag sa yo ang lahat," aniya. "Kailangan ko ang kahon." "Sandali lang." Tumayo ito at kaagad na kinuha ang ipinatago niyang lalagyan.
"Salamat." At nagpaalam na siya kaagad. Hindi mya alam kung saan pupunta pero ayaw muna niyang bumalik sa bahay ni Leelan. Kailangan niyang hanapin ang nanay niya.
HINDI nakatulog si Leelan. Pinuntahan niya sa silid nito si Butch. Nakakatawa dahil hindi na yata siya sanay matulog nang hindi ito katabi. Tila hinahahanap ng kanyang puso.
"Babes..." mahinang tawag niya. "Butch."
Walang sumasagot kaya baka nakatulog na ito.
Pagpihit niyang seradura ay hindi naka-lock.
Dahan-dahan siyang pumasok para mabigla lamang. Wala si Butch sa kuwarto.
Saan ito nagpunta? May nakapasok ba sa bahay nila ng walang nakakamalay
Malakas ang kabog ng kanyang dibdib na lumabas muling silid.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag may nangyaring masama kay Butch.

Secrets (Pag-ibig Sa Gitna Ng Panganib) - Jennie RoxasWhere stories live. Discover now