ETERNITY

17 3 0
                                    

*****


Ako si Angela, isang high school graduating student. Simpleng estudyante na may kakaibang pangarap. Okay lang kahit tawagin man nila akong baliw basta ang pangarap ko'y maging isang ekstra-ordinaryong maybahay. Palakihin ang mga magiging anak ko sa mundo ng mahika. Gusto ko silang magkaroon ng isang magandang vision para sa hinaharap at makagawa ng mga kakaibang bagay na tanging sila lang ang makakagawa. Tulad ng matinding kagustuhan kong makagawa ng isang machine na maaaring makapagbigay ng magical power sa sinumang ordinaryong tao. Di ba astig 'yon? Gusto kong lumipad papuntang Mars. At kung totoo mang maaaring mabuhay ang tao doon, doon kami magsisimula ng panibagong buhay. 'Yong hindi kami tatawaging baliw.

"Excuse me Ma'am. Pinapatawag po ni Mr. Catacutan si Miss Angela Reyes."

"Pero may activity kami." Sagot ni Ma'am.

Oo, ang activity namin ay gumuhit ng kakaibang mundo kung saan nais naming tumira. Oh 'di ba? Kaya favorite teacher ko si Ma'am eh.

"Paki-excuse na lang daw po. Importante lang daw po.""Oh sige. Angela, pinapatawag ka ni Mr. Catacutan. Bukas mo na lang 'yan ipasa, sige na."

"Sige po Ma'am. Thank you po."

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at nagmamadaling sumunod sa estudyanteng napag-utusan. Bakit kaya pinapatawag ako ni Sir?

Nang marating ko ang office niya, kumatok ako sa pinto.

"Come in!" Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

"Hi sir! Pinapatawag niyo raw po ako?" Ngumiti siya nang makita ako.

"Oo. Halika Angela pumasok ka at may good news si Sir sa'yo!" Nagagalak niyang sinabi.

Lumapit ako sa kanya at naupo.

"Ano po 'yon?"

"Guess what?"

"Sir, ano nga po? Dali na po Sir, excited much na ako!" Pinagdaop ko ang aking dalawang palad. Feeling ko nagniningning ang mga mata ko.

"'Yong project mo sa Art na parang magical world siya na nilagyan mo ng mga buhay na tutubi at paru-paro ay nagustuhan ni Principal kaya isinali niya sa isang contest sa kabilang bayan. At alam mo ba kung anong nangyari?"

"Ano po?"

"Nanalo tayo! Nanalo ang project mo kaya tuwang-tuwa sa'yo si Mrs. Guzman."

"Talaga po Sir? Nasaan na po si Principal?"

"Kababalik niya lang kasi kinuha niya 'yong premyo at ito ang parte mo."

May iinabot siyang puting sobre sa akin. Namilog ang mga mata ko nang makita ko kung magkano ang laman noon. At aminado akong kailangang-kailangan ito ni Nanay ngayon.

"Ten thousand Sir? Ang laki naman."

"Twenty thousand talaga ang total prize ng nanalo. 'Yong kalahati, gagamitin natin dito sa school. 'Yon ay kung okay lang sa'yo?"

"Okay na okay sir! Malaking tulong po ito sa amin ngayon kasi kailangan po ng pang-tuition ng kuya ko. I love you Sir! Salamat po!"

"'Wag ka sa akin magpasalamat, kay Madam Principal." Ngumiti siya.

"Busy po ba siya ngayon? Pwede ko po ba siyang puntahan sa office niya?"

"Oh sige. Alam kong matutuwa siyang makita ka."

A DREAMLAND JOURNEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon