MY LOVE FROM THE UNIVERSITY

10 3 0
                                    

*****

( Cathness POV)

Kadarating ko lang sa school at katulad ng dati, para akong kandilang nauupos.

Nasa grade nine pa lamang ako. Nag-aaral sa isang pamusong unibersidad. Bago namin marating ang High School Department ay madadaanan muna namin ang College Department kung saan nagkukumpulan ang maraming estudyante. At tuwing dadaan ako rito, halos matunaw ako sa maiinit nilang tingin sa akin.

Kanya-kanya sila nang ginagawa pero tuwing dadaan ako, humihinto sila at naglilingunan sa akin. Minsan nagbubulungan pa sila na tila ba mga bubuyog na nag-anyong tao.

Napatingin ako kay Journey na nagsimulang mag-play ng gitara kasunod ang kanyang pag-awit ng isang hindi pamilyar na awitin. Ang lambing ng kanyang boses at ito ay punung-puno ng damdamin.

Alam kong ikaw ay bata pa walang malay sa mundo,

Pero damdamin ko sa'yo tila nahuhulog.

'Yung kasunod na part ay kinanta ng babaeng lagi kong nakikitang kasama niya. Nakasuot ng uniporme na pang-nurse.

Bata mang ituring ako'y mayroong pagtingin,

Wag mo sanang mapansin ako'y naglalambing.

Hanggang sa magsabay sila.

Dahil hindi pa tamang panahon upang magmahalan.

Kahit na puso ay nasasaktan,

Ako'y maghihintay lamang sa'yo,

Hanggang umabot tayo sa takdang panahon,

Magtitiis, magbibigay kahit umabot pang habang buhay.

Naririnig ko pa sila habang ako'y papalayo. May kung ano sa loob ko na nagsasabing lingunin ko siya. Gustung-gusto kong gawin 'yon. At kung papipiliin ako, sana siya na lang 'yong nag-iiwan ng rosas sa locker ko araw-araw, kaso hindi pwede. Isang katutuhanang mahirap tanggapin.

Alas tres na ng hapon nang maputol ang aming lecture sa History class dahil sa pagdating ng isang Dean buhat sa College Department. Pansamantala kaming iniwan ni ma'am. Siniko ako ni Ruth.

"May roses na naman sa locker mo kanina?"

"Oo."

"Alam mo na ba kung kanino galing?"

"Wala pa akong idea Ruth."

"Oh, I see."

"Sana magpakilala na siya kasi one week na lang bago ang ball natin. Wala ka pang ka-date." sabat ni Ghirly.

"Oh yeah, you're right Ghirly."

"Hindi naman ako dadalo."

"Bakit?" naibulalas nilang dalawa.

"Hindi naman importante 'yan."

"Pagkakataon na natin 'to para sa magka-first dance, ano ka ba? Malay mo, makilala mo na siya. Eh 'di magkaka-lovelife ka na."

"Wala pa sa isip ko 'yang mga ganyan. Masyado pa tayong bata para masaktan."

"Ang bitter mo naman. Masaktan kaagad? Cathness, okay lang namang magsaya tayo paminsan-minsan eh. Kailangan din nating mag-enjoy. Mababaliw tayo kapag puro aral lang, mag-relax naman muna tayo," tugon ni Ghirly.

"Excuse me Miss Cathy Vanessa Dequia, pwede ka bang sumama sa akin sandali?" tawag ni ma'am kasama 'yong Dean.

"Bakit po?"

A DREAMLAND JOURNEYWhere stories live. Discover now