ONLINE BOYFRIEND

6 2 0
                                    

*****


"Hoy Karen! Bakit ngingiti-ngiti ka diyan? Para kang baliw!" Untag ni Myles sa akin.

"Si Cris kasi eh nakakakilig! Super!" Sagot ko.

"Cris? 'Yong friend mo sa facebook?"

"Oo, bakit?"

"Nag-meet na ba kayo?"

Napatingin ako sa kanya. Ano kayang iniisip nito at ang sama makatingin. Sasabihin ko bang hindi pa? Nakakahiya naman. Pero hindi naman pwedeng magsinungaling ako. Sige na nga, bahala na si Superman!

"Hindi pa. Busy pa kasi siya sa school."

"Ano? Tapos no'ng isang araw, nakita ko sa facebook na in relationship kayo sa isa't isa. Hanep! Baliw ka na nga!" Pinandilatan niya ako ng mata.

"Hindi ako baliw. Nagmamahal lang." Sagot ko na may malapad na ngiti.

"Mahal? Anong alam mo sa pagmamahal? Nagmamahal ka sa isang estranghero na hindi mo naman alam kung ano ang tunay na pagkatao. Paano kung rapist 'yan o mamamatay-tao? Anong laban mo?"

Si Myles naman. Para lang si Mama maka-react. ANO BANG ALAM MO SA PAGMAMAHAL? Linya 'yan ni Mama sa aming magkakapatid eh. Lalo na sa akin kasi bunso ako. Sa edad kong sixteen, hindi pa raw pwede ang boyfriend. Honor student ako at goal kong maging valedictorian ng batch namin. Sa sobrang istrikto ng parents ko sa akin, minsan hindi ko na nagagawa kung ano talaga ang gusto ko. Ito rin ang dahilan kung bakit pumabor ako sa online relationship.

Dahil kay Cris, nakakalimutan kong malungkot ako. Hindi niya ako sinasakal. Hinahayaan niyang gawin ko kung anong gusto ko. Sabi ng ate ko, bad influence siya sa akin kasi natututo na akong sumagot. Pero hindi eh, hindi siya. Ako 'yon. Ako na nagpupumiglas sa mahigpit na hawak nila sa'kin.

Ang gusto ko lang naman ay pagkatiwalaan at maintindihan nila ako. Suportahan ako sa kung ano man ang gusto ko. 'Yong matupad ko ang mga pangarap ko ng walang pressure at ako ang nagdedesisyon para sa sarili ko.

"Kahit anong sabihin mo, mahal ko siya. Mahal namin ang isa't isa. Intindihin mo man ako o hindi, wala na akong pakialam." Sagot ko kay Myles.

"Ah talaga? Inaaway mo ako dahil sa lalaking 'yan? Malinaw na mas pinipili mo siya kaysa sa akin na kaibigan mo. Anong klase kang kaibigan!"

"Hindi kita inaaway. Hindi mo lang talaga ako naiitindihan. Mahal ko siya! At hinuhusgahan mo ang mahal ko ng walang sapat na basehan!"

"Walang sapat na basehan? Hindi pa ba sapat 'yong katutuhanan na hindi naman talaga kayo magkakilala? Nakakausap mo lang naman siya dahil sa facebook at twitter 'di ba? Paano kung wala no'n, eh 'di wala ring kayo?"

Bigla akong nakaramdam ng makirot sa dibdib ko.

"Magkikita naman kami eh. Pansamantala lang naman 'to."

"Alam mo bang one out of ten online couple lang ang may happy ending sa parehong sitwasyon? Hindi ka ba natatakot maging isa sa siyam na mawawasak at maiiwang luhaan?"

"Well, it's none of your business! Saka I'm pretty sure na seryoso si Cris sa akin. Nararamdaman ko 'yon. Magkikita rin kami. Mamatay ka sa inggit!"

"Nagbago ka na dahil sa kanya. Hindi na ikaw ang kaibigan ko. Bahala ka nga diyan! Pagsisisihan mo 'yan at kapag dumating ang araw na 'yon, 'wag na 'wag kang lalapit sa akin dahil wala kang maaasahan!" Galit akong iniwan ni Myles. Ni hindi na siya lumingon pa.

Ano ba 'yong nasabi ko? I didn't mean it. Gusto ko siyang habulin para mag-sorry pero ayaw kumilos ng mga paa ko. Hindi ko naman siya inaaway eh. Napataas lang ang boses ko dahil tinaasan niya rin ako ng boses. Saka na siguro ako magso-sorry. Palilipasin ko muna ang init ng ulo niya.

A DREAMLAND JOURNEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon