Chapter 13

548 8 1
                                    

Chapter 13

Hanggang ngayon, tila isa pa ring panaginip para kay Traios na makapiling si Lyxhel. Hindi niya pa rin lubos maisip na nasa mga bisig niya ang dalaga ngayon at mahigpit na nayayakap. He saw her three years ago and their relationship was almost three years now.

He knew sooner or later, they had to face the consequences of their actions or probably his actions. He’ll never blame her if ever she’ll choose to let him go because of his reason. He wanted to tell her so badly but it wasn't the right time. He had to wait. They had to wait a little longer.

“What are you thinking, babe. Kanina ko pa nararamdaman ang makailang beses mong pagbuntong hininga. Tila ata may mabigat kang dalahin. Care to share what it is?”

Muli siyang bumuntong hininga bago nakipagtitigan ng ilang minuto sa nobya. Pagkatapos ay hinalikan ito sa labi. Malumanay at punong-puno ng pagmamahal. “Pagod na akong maghintay. Pagod na akong itago ka. Pagod na akong manatili lang tayo rito sa unit mo. I wanted to be with you, love. Not just here in this place. I wanted to have many dates with you in many places. But we can’t do that. Ang hirap.” Para siyang batang nagsusumbong sa ina sa mga bagay na bumabagabag sa dibdib niya.

Malungkot siyang nginitian ni Lyxhel. Hinaplos nito ang kaniyang pisngi. “Ako rin naman, Traios. Napapagod na. But my love for you is stronger than my tiredness. I wanted to be with you so much. I wanted to shout to the world the kind of love you’re giving me. But we know we can’t, right? It’s so impossible that the society we’re in will understand. For them, we’re immoral, disgusting, and the only important for us was s*x.”

“You know, love, the first time I saw you, I already knew you were the one. I already knew who I wanted to be my wife and the mother of my children. It was you, love. Only you.”

“Thank you, babe. I appreciate it so much. But as much as I wanted to be your wife and the mother of your children. You still have a wife. We have to accept that you were in the process of annulment with her. Hindi lang matuloy-tuloy dahil sabi mo nga ay hindi pa rin niya pinipirmahan ang papeles na kailangan niyang pirmahan.”

Gustong tumutol ni Traios sa sinasabi ni Lyxhel. Gusto na niyang ibulgar dito ang katotohanan pero kailangan niyang pigilan ang sarili dahil wala pa ang hinihintay niya.

Imbes na magsalita si Traios ay niyakap na lang niya ang nobya. Yakap na kay higpit na tila ba mawawala ito sa kaniya sa oras na bitiwan niya ito. Niluwagan niya lang ang pagyakap dito ng magreklamo na ito sa kaniya.

“Nagugutom na ako, babe. Can you cook for me? Na-miss ko na ang luto mo, eh. Pretty please?”

Naramdaman din ni Traios ang pagkalam ng sikmura niya. Hindi pala sila nakakain ng tanghalian sa tamang oras dahil na rin sa ginawa nila. “Okay! I’ll cook for you. Wait for me here, we’ll have lunch in bed. You don’t have to wear your clothes. We’ll have dessert after.”

Imbes na silyakan siya ni Lyxhel ay tinawanan lang siya nito at pinaalis na sa kuwarto. Natatawa na lang din siya habang lumalabas ng kuwarto dahil sa magkahalong inis at p*gnanasang itsura ng nobya.

He cooked adobo and cooked rice. Nang matapos na siya, dinala niya ang mga iyon na nakalagay sa tray patungo ng kuwarto ni Lyxhel. Nang pumasok siya, naabutan niya ang dalagang mahimbing na natutulog.

Alam niyang napagod ito, nahahabag man ang damdamin niyang gisingin ito dahil nakikita niya kung gaano ito kahimbing na natutulog pero hindi naman niya maatim na hindi ito makakain. Alam niyang kumakalam na rin ang sikmura nito. Kaya naman dahan-dahan niyang ginising ang nobya.

“Love, wake up. Nakapagluto na ako. Kumain na muna tayo bago ka matulog ulit.” Mahina at maingat niyang niyugyog ang balikat nito. Umung*l lang ang nobya pero nakapikit pa rin ang mga mata nito.

“Sige na, love. Let’s eat, first.”

“I’m . . . sleepy.”

“We’ll sleep, love. After we eat.”

Ung*l lang ulit ang naging sagot nito pero hindi naman lumipas ang ilang minutong pangungumbinsi ni Traios, tuluyan na ngang nagmulat ng mga mata si Lyxhel. Nag-inat na muna ito bago dahan-dahang umupo.

Hindi pa rin ito nakabihis kaya naman hinila nito ang kumot para ipangtakip sa h*bad niyang katawan.

“Oh, love. You don’t have to do that. I’ve seen everything in you. Your body, soul, and heart. And I know that I’m the only one that they want, love, and desire,” Traios playfully said and winked at her. Tinanggal din nito ang kumot sa katawan niya.

Tanging irap naman ang iginawad nito sa kaniya. Pero may itinatagong ngiti sa mga labi. “Ang lakas ng hangin. Kailangan kong kumapit at baka liparin ako,” sambit niya sabay halkhak.

Asaran na may halong subuan ng pagkain ang ginawa nila sa nakalipas na mga minuto. Kahit pareho silang h*bad, hindi naman alintana iyon dahil hindi lang naman katawan nila ang napag-isa. Pati ang kanilang mga puso na naghahangad na sana’y matapos na ang anumang problema na kinakaharap.

“Say hi to Elara for me, babe. Sa susunod na magpunta ka rito, sabihan mo ako. Para naman kapag uuwi ka’y may maibibigay ako sa anak mo.”

Ibinubutones ni Lyxhel ang suot niyang puting long sleeves habang kinakausap siya.

“I’m glad that you two get along, love. Iniisip ko pa nga na baka pangilagan mo siya dahil alam mo na.”

“She’s a child, babe. And a child must feel love. Sino ba naman ako para hindi iyon iparamdam sa kaniya, ‘di ba? Isa pa’y tanggap niya ako. Nakita ko ang kasiyahan sa mga mata niya sa tuwing tinatawag niya akong mommy. At magiging sinungaling ako kung i-de-deny ko sa iyong hindi ako natutuwa sa tuwing tinatawag niya akong ganoon. Oh, babe! It was heaven.”

“Hindi mo ba ako kokomprontahin sa bagay na iyan, love? Hindi ba ang sabi mo ay mag-uusap tayo? Akala ko’y ang pag-uusap natin ay si Elara.”

“Handa ka bang sabihin sa akin kung bakit ganoon na lamang kasabik si Elara sa pagmamahal ng isang ina? Hindi ba siya minamahal ng . . . a–asawa mo?” Tila kay hirap para sa dalaga na sambitin ang huling salitang sinabi nito.

Gusto niyang matawa. Hindi dapat mahirapan ang nobya sa salitang iyon. Hinding-hindi dapat.

“She was neglected by her own mother, love. Jenevy was like blaming her for the life she has now. Mula noong bata pa lang si Elara, hindi na kailanman pinaramdam ni Jenevy ang pagmamahal na kailangan ng bata. Kaya naman ng makilala kita, halos ikuwento na rin kita sa kaniya. She was so excited to meet you. Almost everyday, she’ll whisper into my ear and ask when she'll meet you. Kaya ganoon na lang siya kasabik nang makita ka niya.”

Alam niyang nahabag ang nobya sa naging kalagayan ni Elara base na rin sa ekspresyon nito. “Kawawa naman pala siya. Mabuti na lang at nandiyan ka, babe. Alam kong maaaring kulang ang pagmamahal na ibinibigay mo sa kaniya pero sana kahit papaano ay mapunan niyon ang kulang sa puso ni Elara.”

“Hayaan mo, love. Mararamdaman din ni Elara ang buong pagmamahal na kailangan niya kapag tuluyan ka na niyang nakasama. We’ll give her all the love she deserves to the point she’ll never feel empty and less.”

Lyxhel pinched his nose. “Masiyado ka naman ata talagang sigurado na ako ang maaaring pumalit sa asawa mo, mister. Ayusin mo muna ang lahat. ‘Tsaka na natin pag-usapan ulit ang tungkol sa bagay na ito kapag alam kong wala na akong kaagaw sa iyo.”

Ipinaloob niya sa mga bisig niya si Lyxhel at pinatakan ng halik sa noo at sentido nito. “Oh, love! Kailanman ay wala kang kaagaw sa akin. Kung pwede lang. Kung alam mo lang. I love you, Mrs. Lyxhel Crizyna Artevazes Cerdiavelle.”

“Ewan ko sa ‘yo! But, I love you too, Mr. Traios Kenzler Cerdiavelle. Ang rupok ko talaga. Nakakainis ang pagiging marupok ko.”

Pinatakan niya muna ng halik sa labi si Lyxhel bago tugunan ang sinabi nito. “Yes, and I like it. Gusto ko, sa akin ka lang marupok, love. Sa sobrang pagiging marupok mo, ikakasal ka na agad sa akin.”

Hindi sumagot sa sinabi niya si Lyxhel. Ang tanging naging tugon lang nito sa kaniyang sinabi ay mahinang tawa at nagsumiksik sa kaniyang katawan para bigyan siya ng isang yakap na pakiramdam niya ay assurance mula rito.

Oh, love. We’ll get married. I swear to you that. I don’t care what they say. We’ll be together forever no matter what.

FPS 1: His Illicit AffairWhere stories live. Discover now