Chapter 16

505 7 1
                                    

Chapter 16

Hindi maintindihan ni Traios kung bakit nag lasing si Lyxhel. Tinatawagan niya ito kanina para sana tanungin kung nasaan ito at para na rin masabi niya sa nobya ang buong katotohanan. Pero hindi nito sinagot ang mga tawag niya.

Mabuti na lang at siya ang tinawagan ng bar na pinuntahan nito. Mabilis pa sa alas-kwarto ang pagpunta niya para lang agad na makita ang nobya. Nag-alala rin kasi siya at baka may masamang mangyari rito. Mabut na lang at wala namang nang-harass dito.

She was so wasted. Hindi na mabilang ng bartender kung ilang shot ba ang naibigay nito sa kaniyang nobya. Nagbigay na lang siya ng mas malaking halaga kaysa sa tamang gastos na dapat bayaran ni Lyxhel.

Dinala niya si Lyxhel sa pad niya, kung minsan ay doon sila nagkikita at binigyan niya rin ng spare card ang nobya para kung sakali na gustuhin nito na magpunta sa pad niya ay madali itong makakapasok.

Wala naman na ang Kuya niya at si Jenevy roon, isa pa ay nasa mansiyon na ang Kuya niya. Nasabi na kasi nito sa asawa ang lahat. Masaya itong sinalubong ni Elara ng malaman na sa wakas ay nagpakita na rin ang kaniyang ama sa kaniya.

Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa marriage ni Kraios at Jenevy dahil hindi niya nakausap ng maayos ang Kuya niya bago niya tuluyang nalaman na naglasing nga ang nobya. Kaya inuna na lang niya ito, makakapaghintay naman ang pag-uusap nila.

He changed the clothes of Lyxhel. She doesn’t have clothes in his pad so he just put his white shirt and boxer to her after he washed her up using a damp towel.

“What happened, love? Why did you get drunk? May problema ka ba?” Pagkausap niya rito pero tanging ung*l lang ang isinagot nito sa kaniya.

He kissed her forehead. “We’ll talk tomorrow, love. For now, sleep well. I love you, my pahinga.” After that he kissed her lips that tasted like liquor.

He watched Lyxhel sleep peacefully even though she was so drunk. And he thinks if he may be the reason why she drinks or maybe he was just overthinking and there’s another reason why she drinks.

Nakatulog na lang kakaisip si Traios pero mas nauna pa rin siyang nagising kaysa sa nobya. Lumabas na lang muna siya sa kuwarto para lutuan ito ng soup. Nang matapos siya sa pagluluto, kumuha siya ng gamot na pang tanggal sa sakit ng ulo. Sigurado kasi siyang makakaramdam ng hangover si Lyxhel pagkagising nito.

Hindi nagkamali ang instinct niya, kitang-kita niya sa kaniyang pagpasok na nakahawak sa ulo nito si Lyxhel. Kaya naman lumapit na siya rito, dala ang isang baso ng tubig at tableta para sa sakit ng ulo.

He didn't want to sound cold to her but the coldness in his voice suddenly came out. He wanted to burst out on her but he stopped himself.

Pero kahit anong pigil niya sa inis niya, hindi niya pa rin napigilan na hindi ito ilabas. Nagkasagutan sila ni Lyxhel pero siya rin naman ang sumusuko. Sinabi pa nitong aalis na ito dahil may pasok pa ito.

Kahit alam naman nilang pareho na hindi na siya nag-ta-trabaho bilang corporate lawyer.

She asked him to let her go. But how can he do that? How can he ever let her go? When she’s his own comfort and safe zone.

“Love, I’m hurting. Please, don’t let me go. Huwag mo namang bitiwan ang pagkakahawak mo sa akin. Huwag mo naman akong sukuan, please?” Habang sinasabi niya iyon ay pahina na rin nang pahina ang pagsasalita niya.

Hindi na alam ni Traios kung paano sisimulan ang lahat ngayong nakikita niyang malapit na talaga siyang sukuan ni Lyxhel. Makakaya ba ng puso niya kung makikita niyang hindi na masaya sa piling niya si Lyxhel?

FPS 1: His Illicit AffairWhere stories live. Discover now