Chapter 15

509 8 0
                                    

Chapter 15

“Argh! It better be important than what I’m doing right now, Traios. You know I’m in the middle of something. H*ll!” Magkahalong galit at inis na saad sa kaniya ng kapatid.

Traios can hear in the background some little moans and gasping for air. Para ring pagod sa kung anumang ginagawa ang kaniyang kapatid. At agad niyang naintindihan kung ano nga ba ang naistorbo niya sa mga oras na iyon.

“Really, Kuya? Doing something nasty in the middle of your marriage? Bakit ba hindi mo na lang ayusin ang iniwan mo? Why don't you try to man up? Huh?” May halong inis at galit din na saad niya rito.

Kung galit at inis ito sa kaniya, mas lalo naman siya para rito. Kumukulo ng sobra ang dugo niya dahil sa pinaggagawa nito sa buhay. At sa kabilang banda ay may kasalanan din naman siya. Tinolerate niya ang ganoong gawin ng kaniyang kapatid.

“Oh, h*ll, Traios. It’s been almost eight years. Why are you complaining now? Don’t tell me you already found your the one? That’s b*llshit!” he said in a sarcastic tone, emphasizing the word, 'the one'.

Nagngingitngit sa inis si Traios. If he could only see his brother, he’ll punch him until he can’t get up and can’t even recognize his own face. “Kuya, please! I’m not tired loving your daughter but I’m tired of your b*llshit. Is seven years not enough for you? Come home and fix what you have left,” he said in a begging voice.

If he needs to beg for the sake of his niece, he’ll do it a million times. Besides, it was also his fault, if he only didn’t approve it in the very first place, no problem like that would happen. Hindi rin niya siguro kinailangan na itago ang relasyon nila ng kaniyang nobya.

“If I don’t, what will you do? You tried many times to find me, but luck wasn’t on your side, lil’ bro. Sorry not sorry but I won’t come home, unless I’m tired doing the fun things I’m doing. Manigas ka na lang diyan. S*cker!”

Ilang minutong katahimikan ang lumipas sa pagitan nilang dalawa. Hindi na alam ni Traios kung paano nga ba pakikiusapan ang kapatid niya. Kung ano ang pwede niyang sabihin dito para lang ayusin ang iniwan nito sa kaniya.

Pagod siyang bumuntong hininga bago nagsalita. “Hindi ka ba makaramdam ng pagmamahal man lang para kay Elara? She’s your daughter, you know? At least, para na lang sa kaniya, Kuya. Sabik na siyang makilala ka at makasama. Alam ko, kahit hindi niya sabihin, araw-araw naghihintay siya sa ‘yo. Alam kong mahal ka niya.”

“Please, Kuya. Kahit para kay Elara na lang. Wala na rin naman si Dad kaya wala nang dahilan para kumapit ka pa sa isang marriage na hindi mo naman ginampanan simula pa noong una. Annulled her. That’s the best thing you can do. Set Jenevy free and make Elara feel your love.”

Akala niya, maaantig niya ang kapatid sa pamamagitan niyon pero bigla na lang nitong binaba ang tawag niya. Kaya naman galit niyang binato sa couch ang kaniyang phone. Tumalbog iyon pero hindi naman nalaglag sa pinagbatuhan niya.

“F*ck you! F*ck you, Kuya! F*ck you!”

He frustratedly scattered all the things in the office while shouting countless curses. Whatever he touches, he’ll just throw it angrily. When the feeling of frustration is slowly leaving, he just sits down on the floor weakly.

A moment later, he suddenly stood up and left the office. He went to his room to take a shower. He’ll just sleep and hope that tomorrow will give him good news.

Hindi pa tuluyang bumubukang-liwayway, nagising na si Traios. Imbes na magmukmok pa siya roon, tumayo na lang siya at inayos ang sarili pagkatapos ay lumabas na sa kaniyang kuwarto.

Masiyado pang maaga kaya kaunti pa lang ang gising sa mga kasambahay, dumiretso siya sa kusina dahil gusto niyang lutuan ng almusal si Elara. At dalhin iyon sa kuwarto para sa isang breakfast on bed.

FPS 1: His Illicit AffairWhere stories live. Discover now