Chapter 19

449 6 0
                                    

Chapter 19

Lumipas ang mga ordinaryong araw ni Traios na parang kay tagal tumakbo ng oras. Mabuti na lang kahit papaano ay na-e-enjoy pa rin naman niya dahil sa pamamalagi niya sa mansiyon ng kapatid dahil na rin sa interaksiyon nila ng kaniyang pamangkin.

“Tito Dad, I miss Mommy Lyxhel. I hope I’ll see her again.” Pwera na lang sa mga pagkakataon na mababanggit ni Elara si Lyxhel.

Katulad na lang noong maglaro sila ng bahay-bahayan. Siya raw ang daddy habang si Lyxhel ang mommy. Pero dahil wala nga ang dalaga, kinulit siya nitong tawagan ang dalaga at papuntahin sa mansiyon.

“Sige na, Tito Dad! Pretty please po?” She made a cute face and pouted her lips. Even though she was so cute, he never gave in. He didn’t give a call to Lyxhel. He doesn’t want to bother her just to give in to his niece’s request.

“Oh, Elara! You’re cute but I’m sorry, I can’t call her. We have to give her some space.”

Tila naman nagmaktol ang bata. Pinagkrus nito ang mga braso at medyo may inis ang boses na muling nagsalita. “You’re always saying that po, Tito Dad. You have so many reasons. Dahil po ba wala na kayo ni Mommy Lyxhel? Ano po ang ginawa niyo? Did you break her heart po?”

Hinawakan ni Traios ang mga braso ng bata at pinaupo ito sa kaniyang hita. “Sunshine, it’s an adult thing, okay? I know you understand some things but you must know that there’s a boundary with everything. Malay mo bukas, makikita mo na si Mommy Lyxhel mo o kaya sa mga susunod na araw. Let’s just be patient with her, okay?”

Mabuti na lang at naintindihan din naman agad ni Elara ang gusto niyang ipahiwatig. Simula rin niyon ay hindi na muli pang binanggit ng pamangkin si Lyxhel. Iyon nga lang sa harap niya lang dahil sa tuwing bibisitahin niya ito sa kaniyang kuwarto, kinakausap nito ang stuff toy na bigay ni Lyxhel.

Hinihintay pa rin ng bata na muli niyang makita ang itinuturing na niyang ina simula ng makilala niya ito. May kaunting kirot sa puso ni Traios, paano na lang kung mas pinili na lang ni Lyxhel na tuluyang putulin ang natitirang ugnayan sa pagitan nila? Paniguradong maaapektuhan din si Elara at mahihirapan siyang ipaliwanag kung bakit hindi na niya talaga makikita si Lyxhel.

“So, lil’ bro, sasama ka ba sa amin? O magpapaiwan ka na lang dito kasama si Jenevy?” Tanong sa kaniya ng kapatid habang inaayos ang suot nitong polo shirt.

Pupunta kasi ito ng Santa Rosa, Laguna kasama ang anak dahil nag-a-aya ang bata na magpunta sa Enchanted Kingdom. Dapat ay noong isang araw pa ang mgaito pupunta room pero nagkaroon ng emergency sa kompaniya na pinapatakbo ni Kraios kaya naudlot.

Kahapon, ang anak nito ang namimilit sa kaniyang sumama. Gusto niya rin namang sumama pero naisip niyang iyon ang tamang pagkakataon para mas makapag-bonding ang mag-ama. Sino ba naman siya para makisali, ‘di ba?

“Hindi naman ako lalabas ng kuwartong ito kaya hindi ko rin naman makakasalubong ang asawa mo,” walang ganang tugon niya. Kasabay niyon ay dumapa siya sa kaniyang kama at nagtalukbong ng unan sa likod ng kaniyang ulo.

“I know what you’re doing, Traios. But you might consider that Elara might get mad at you if you’ll not come with us. Gusto mo ba siyang magtampo sa ‘yo?”

Tumihaya siya ng higa para sagutin ang kapatid. “Kuya, bakit ba ako ang pinipilit mo? Bakit hindi ang asawa mo? Para naman makasama rin ng anak mo ang ina niya?”

“I already did that. Pero hindi rin mapilit si Jenevy. Mas gusto niya raw makasama ang anak namin sa pag-sa-shopping kaysa sa mga ride na hindi naman niya gusto.”

“Kahit moral support man lang, ayaw niya ring gawin?”

“Marami siyang sinabi na dahilan, kesyo mainit daw, kesyo nakakatamad maglakad at hindi ko na mabilang na dahilan. Eh, ikaw, ano naman iyang dahilan mo kaya ayaw mo talagang sumama sa amin?”

FPS 1: His Illicit AffairWhere stories live. Discover now