Chapter 1

1 0 0
                                    

Ann's Pov.
'He so tall and handsome as hell--'

"Ann! Tulala ka na naman jan sa crush mong tabingi" napairap ako kay May

"Wala ka na dun, panira ka talaga ng moment May" sambit ko dito at binalik ang tingin sa labas ng bintana "So tall and handsome Kleo--"

"Gwapo nga bakla naman--"

Mabilis kong tinakpan ang bibig ni May dahil sa papalapit si Kleo sa banda namin. Minsan talaga pahamak tong bibig ni May, sarap lagyan ng tape at tahiin.

"Tumahimik ka nga jan May, muntik ng marinig ni Kleo pinagsasabi mo"

"Bat ba? Totoo naman, pati nga pangalan pangbabae KLEO. Napaka bakla" dutdut niya pang sabi

"Tawag jan gwapo na maganda, inggit ka lang talaga--"

"Ann?" Napalingon ako sa Vice president namin ng tawagin niya ko "Padala naman nitong mga box sa kabilang section"

Nagningning ang mata ko sa sinabi ni vice pres, dahil may dahilan na ako para makapunta kay Kleo

"Wow parang lucky day mo ngayon ahh, binibigyan ka talaga ng chance makita sya"

Binigyan ko lang ng tingin na nakakatawa si May at nilapitan na si VicePres

"San ba Vice?" Tanong ko dito na busying nagdidikit ng design sa room, Valentine's Day rin kasi.

"Yan, yang nasa lapag"

Napahinto ako ng makita kong tatlong box iyon, napuro malalaki hindi ko alam kong pano ko bubuhatin iyan. Sinamaan ko ng tingin si VicePres na ang mata ay nasa kisami ng room namin.

"LAHAT TO?" Malakas kong bulayaw dito dahil napaka rami kasi, tumango lang ito sa akin "Aba lintik ka pala, mag isa lang ako?"

"Kaya mo na yan, bilisan mo need na nila yan"

Inirapan ko to at pinagpatong patong ko na ang box, hindi naman sya ganun kabigat pero may kabigatan talaga sya. Natatakpan na talaga nito ang paningin ko dahil sa hindi rin ako ganun ka tangkaran, at malaki din ang boxes talaga.

"May galit ata sa akin to si Aaron e, ako lang pinagbitbit nito-- Ayy sorry" Napahinto ako dahil sa may muntik na akong mabangga

Tumingin ako sa gilid para makita kong sino at, talaga naman si Kleo pa talaga with his tisoy soft face

"Sorry Valan" sambit ko at gumilid para makadaan sya

"Samin yan?" Lambot niyang sabi habang nagpupulbos ng muka, tumango ako at tumago sa likod ng box "Aw okay"

Nagulat ako ng kunin ni Kleo ang dalawang box at naunang maglakad papunta sa room nila, napahinto pa ako saglit at agad din namang sumunod dito.

"Kleo naman" mahina kong bulong

"Ha? May sinasabi ka?" Umiling ako dito at inismidan niya lang ako "Tahimik mo no, introvert ka seguro?"

Tahimik ko lang na tinitingnan ang box kahit wala naman talaga akong tinitingnan didto. Puro design lang kasi ito, na puro heart heart na iwan.

"Pakshet bungga, perfect ang gawa ng heart" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Kleo, at may hawak na itong gupit na puso pinakita niya to sa akin--

'Oo tinatanggap ko ang puso mo Kleo--'

"Bagay ba sa akin?" Nabalik ako sa sarili ng ilagay niya sa buhok niya ang maliit na heart "Ganda ko no"

Napangiti lang ako dito, dahil sa hindi ko alam kong ano bang nakikita ko maganda ba sya o gwapo. Pareho kasi siyang ganun.

"HOYY Kleo Valan, kanina pa yan hinihintay chikadora ka talaga"

"Ayy sorry naman Andrea, pero aminin ganda ko no?" Sambit niya sa akin at hindi na pinansin ni Kleo

"Hi, sorry ahh feeling close kasi yang si Valan. Kung ano ano sinasabi, ako na magbubuhat nito dalhin ko na sa amin"

"Sige thank you"

Nakatayo parin ako pero tumalikod na sila Kleo para pumasok sa room nila, nakatingin parin talaga ako sa muka ni Kleo. Naguguluhan kong nagagandahan ba ako o nagagwapahon.

Hindi ko ba alam kong bakit ako naaattrach sa mga bakla, I mean mga soft boys. Pero technically bakla, isa rin sa problema ko ay ang hindi ako marunong makiramdam kong binabae ba ang crush ko. Seguro yan na yung tinatawag na love is blind, but in the different way.

She to HeWhere stories live. Discover now