Chapter 4

0 0 0
                                    

Ann's Pov.
"Nabasa mo na ba yung announcement ni ma'am?" Agad na bungad ni May sa akin pagkarating ko sa room

"Oo, kasali pala tayo sa mag aayos ng catwalk show" sagot ko dito na ikinisimangot niya "Hoyy oa ka, wag kang sisimangot jan. Ikaw kaya ang assistant ni VicePres"

"Yun na nga ehh ako, kaya nakakatamad. Bat di na lang ikaw?" Sambit nito at binigyan ako ng nakakalokong tingin "E gusto ka naman nun ni--"

Agad kong natakpan ang bibig nito dahil sa kabilang row lang si VicePres, may ninilista ata ito. Sinamaan ko ng tingin si May dahil sa lakas ng boses nito.

"Shh, ang ingay mo. Anong iisipin ni Aaron" mahina kong sambit dito "Isipin pa niyan assuming ako"

"Bakit diba?" Mahina ding bulong ni May "Simula nong naging kaklase natin sya, parang nagkaspecial part ka na sa kanya. Bat kasi ako ginawang assistant niya e pwede naman ikaw"

"May tiwala sya sayo--"

"Di, ayaw ka lang niyang paherapan, pero dumadamoves sayo inuutos. Mas bagay talaga sayo maging assistant"

"Tumahimik ka nga di ko nakakahiya kaya, walang something between us, okay. At May si Kleo ang gusto ko ano ka ba"

"Duhh iwan ko sayo. Dun ka sa crush mong hindi mo mawari, parang mahal ko o mahal ako wahahah" Pagbibiro pa ni May sa akin

"Wala wala wala. Walang ganun okay?" Iritang sabi ko dito "Shhh umayos ka" agad kong sabi didto ng makita kong papunta na sa row namin si VicePres

Sinamaan ko ng tingin si May, parang nagbabantang tingin na rin na wag syang maingay o kung ano. Malakas tama nitong babaing to kasi, mataas ang confident.

"Ann? Available ka ba--"

"Oo available yan sya kahit kaylan kahit saan" Pagpuputol ni May sa sasabihin ni VicePres "So ano na Vice Aaron, kunin mo na" Natatawang sabi ni May dito

Gusto kong bigain si May sa mga pinagsasabi nito, nakakahiya kasi hindi pa naman kami ganun kaclose ni Aaron kahit na under ako sa kanya sa bagay bagay about school.

"Ha?" Makikita mong nagtataka si VicePres sa sinasabi ni May "What do you mean m--"

"Di pa yan kumakain kasi VicePres, pagpasensyahan muna" Pagpuputol ko sa sabihin nito "Ilista mo na lang kami jan, tutulong kami sa event"

Tumango tango na lang itong si VicePres sa amin at lumipat na ng upuan. Agad kong binaling ang tingin kay May na ang mata ay nakay Aaron.

"May naman, wag kangang ganyan. Ackward na kami ni VicePres niya"

"Oyy affected" Pagbibiro pa nito sa akin "Oyy si Kleo" Agad akong napalingon sa bintana ng sabihin ni May iyon

Nawala bigla ang inis ko kay May ng makita ko si Kleo na sumasayaw sa labas. Nagsasayaw ito ng belly dance, parang egyptian dance. Ang lambot ng katawan talaga ni Kleo, gusto ko tuloy syang makitang sumayaw ng Hiphop, pero mukang imposible dahil sa malambot itong si Kleo.

"Aaron, Aaron, Aa-- ARAY"

"Shh tahimik"

"Masakit kaya, pitikin mo pa naman--"

"E kasi ang ingay mo, para kang demonyo jan sa likod ko" Sambit ko didto at binalik ang mata kay Kleo

Talagang ang gwapo na maganda ito si Kleo talaga. Kahit malambot itong si Kleo gusto ko rin syang makitang maging manly kahit kunti lang. Napatigil ako dahil sa ang tahimik ng katabi ko, mabilis akong lumingon kay May na wala na dito sa tabi ko.

'Asan na yun? Galit ba yun sa akin?' Bigla kong takang tanong dahil sa hindi man lang nagpaalam si May kung saan sya pupunta

Hinanap ko si VicePres dahil sa baka may inutos itong si Aaron kay May, pero pati sya e wala rin. Lumabas ako ng room para hanapin sya baka nandun sa. Yun nga nasa labas sila

"Itataas ba?" Tanong ni VicePres kay May na nasa baba, may kinakabit sila sa taas ng pinto "Pantay ba?" Tanon ng ulit nito

"Di itaas mo sa kanan kunti" Sambit ni May na nasa baba, napasulyap ito sa akin "Ayy Ann, dito ka muna nga may kukunin ako"

Kumunot ang noo ko dahil sa alam ko na naman ang trip nitong babae na to, siniset up na naman niya ako kay VicePres na walang kamuwang muwang sa pagshiship ni tong si May.

"Ma-- Ann? What you doing there?" Takang tanong ni Aaron ng makita ako sa paanan niya, nagkibit balikat ako dito "Ehem, bigay mo nga sa akin yang metal na yan" Pag uutos pa nito sa akin na sinonod ko naman

Tumalikod ako kay VicePres para sumulyap kay Kleo, na mabilis ko ring inilihis ang tingin sa iba. Ito na ata yong sinasabi nilang 'Yung patingin ka pa lang, nakatingin na sya' cause yes nakatingin si Kleo sa akin

Hindi sa assuming ako, pero assuming ako seguro pero yung mata namin ni Kleo nagmet talaga. Binalik ko ang katawan kay Aaron, para kunyari ay tinutulungan ko sya.

"Ann? Paabot nga ng gunting?"

Napabalik ako sa sarili ng magsalita si VicePres, hinanap ko ang gunting sa lapag pero wala dun ang gunting.

"Anong gunting ba VicePres? Wala naman di--"

"Ito ba?" Napatingin ako sa nagsalita, si Kleo pala, napatulala lang ako dito ng e abot nito ang gunting sa akin "Thanks, ginamit namin ng di nagpapaalam" sambit nito sa akin na nakatitig pa talaga

"Ikaw talaga Valan, ayan na naman ang hobbit mong di nagpapaalam pagmay kukunin" sambit ni VicePres, habang inaabot ko ang gunting sa kanya. Na naging dahilan para makaiwas ako ng tingin kay Kleo

"Ede sorry Dela Rosa, masanay ka na pagmay mga bagay akong kinukuha"

"Iwan ko sayo Valan, buti pa tulungan mo yung section mo. Nagsisimula na silang magmeeting sa loob"

"E ayaw ko nga, gagawin na naman akong representative niyan" nakasimangot na sabi ni Kleo buti na lang at kay Aaron sya nakatingala kaya nakasulyap ako

'Ang gwapo mo talaga'

Humagalpak ng tawa si VicePres at dahan dahang bumaba. Nagtataka ko itong tiningnan dahil hindi ko alam bakit ito tumawa. Palagi kasing representative si Kleo sa level namin kaya gets ko naman, na nakakapagod talaga.

"Tama pala, official na paka na escort ka" natatawang sambit ni VicePres na kinilaki ng mata ko, agad kong tiningnan si Kleo na nangdidire ang muka

"Eww, bakit ba kasi ginawang official yan. Akala ko pa naman inside joke lang ng level natin"

Kita mo ang pagkairita ng muka niya, pero nagulat parin ako ng ginawa syang escort ng grade level namin. Kasali kasi si Kleo sa parang officers ng grade level namin, parang committee ganun. Ganun din si Aaron nasa officers, si May din naman sana pero nasa inactive side lang sya.

"Bakit ba kasi ikaw ang pinakagwapo sa mga officers ng level natin" Tumatawang sambit ni VicePres

"Tumahimik ka Dela Rosa, kadiri kaya maging escort ano yan automatic sasali ako dun sa event. Ewww" Nangdidiri nitong sabi

Bigla tuloy akong looking forward na magrepresent sya ng grade level namin sa catwalk show na gaganapin, pero mukang imposible sa reaction ba naman ni Kleo ngayon. Talagang di ito sasali.

"Bat di mo e try?" Wala sa sariling nasambit ko, na pati ako e kinagulat ko

Napatingin sa akin si Kleo at si Aaron, gusto ko tuloy kainin sa lupa at maglaho na parang bula. Dapat kasi sa isipan ko lang sabihin iyon.

"Ann, malabo yan. Kita mo naman ang reaction ng baklang to" Tumawa bigla si VicePres "Halos mamatay na sya kakaisip, sasali pa kaya"

"Sa bagay" mahina kong sabi pero rinig naman nilang dalawa

Sumulyap ako kay Kleo na nakatingin sa akin, hindi ko alam kong gusto niya pa akong tirisin dahil sa bibig kong di mapigil.

"Pasok muna ako Dela Rosa" sambit ni Kleo na mas lalo kong kinahiya

Muka kasing galit si Kleo, pero di ko naman iyon sinasadya kasi. Giniya na ni VicePres ako papasok sa room namin dahil nanjan na rin iyong susunod na teacher namin.

She to HeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz