Chapter 11

0 0 0
                                    

Ann's Pov.
"Ann? Samahan mo muna ako" Hindi na ako makasagot ng hilain ako ni VicePres

Napatingin ako kay May na binigyan lang ako ng nakakalokong tingin, nabasa ko sa bibig yang parang 'This is it' ata yun. Hindi ko gets kong ano iyon.

Napadpad kami ni VicePres sa rooftop at parang dito ko na narealize kong anong ibig sabihin ni May sa this is it niya, napalunok ako dahil sa idea na pumasok sa isip ko. Tumingin ako kay Vic-- Aaron, at ang seryoso ng muka niya.

'Ohh gosh, anong gagawin ko? Magcoconfess na ba sya?'

Hindi ko alam kong anong gagawin ko, kinakabahan ako sa mga sasabihin ni VicePres sa akin. Hindi ko kayang saktan sya pero hindi ko naman kayang bigyan sya ng chance kong iba ang gusto ko diba?

"Ann? Ahhmm"

'Hala jusmeyo'

"I just want to confess--"

"VicePres I'm sorry, alam kong good friend tayo, mabait ka at best perfect pero hindi mo ko deserve. I mean alam naman ng lahat lalo ka na diba? Na I like Kleo Valan, kaya naman Aaron pasensya ka na I can't accept na gusto mo ko"

Tulala itong nakatingin sa akin, na syang dahilan na parang gusto ko na lang bawiin ang sinabi ko para kasing nahurt sya na iwan. Malapit na ang graduation namin at ito pa ang last moment namin biglang friends diba.

"Ahhm hahahaha" Nagulat ako sa pagtawa niya "I don't expect that you will said that, alam kong si Kleo ang gusto mo everyone knows, except kay Kleo seguro. But we have a misunderstanding here Ann, I don't mean to confess to you"

Nagulat ako sa sinabi niya hindi ko alam kong ano ang isasagot sa sinabi niya sa akin, makalainsulto na nakakahiya.

"Dapat ko kasing sabihin is I want to confess to May and I need your help for it, but I think you jump to the conclusion so fast" Kalmado niyang sabi

Parang gusto ko na lang talagang kainin ng lupa o kaya tumalon didto sa rooftop, kahit kami lang dalawa ay parang napahiya ang buong pagkatao ko. Napaka assuming ko kasi at hindi ko man lang talaga sya pinatapos, tumawa itong si Aaron na kinatulala ko sa hiya at kahihiyan WAHHH.

"I will pretend na walang nangyari, as long as you help me"

"Sa?" Taka kong sabi didto

"Hindi ka ba nakinig? I want to confess to May" Natigilan ako ng sabihin niya yun "Hindi ka nga nakinig" He said, dahil sa reaction ko

"WHAT? KAILAN PA?"

"Shh keep it down, simula junior when I started to be an officer of the student council"

Mas lalo akong napanganga sa sinabi niyang yun, freshmen days namin yun so ibig dabihin around 5 to 6 years na niyang gusto si May.

"What the? Ganun katagal bakit? Pano?" Sunod sunod kong tanong dahil sa hindi ako makapaniwala "Hindi halatang gusto mo sya Vice" Tumataas kunting sabi ko

"Hahaha, I keep it cool" Kalmado niyang sabi, halata naman na natagu niya lang talaga

"Halata naman Vice, di ko nga napansin" Tumawa lang ito sa sinabi kong iyon

"I start liking her when she volunteered on the environmentalists, kung saan ako ang head for that program. She's into on it na para bang, she really wants it, then I always saw her sa campus running errands and other. Then, eventually I just found myself watching her and admiring her. Matulungin kasi si May--"

"Haha, matulungin tamad nga yun"

"Yahh she is, tamad nga sya pero when it comes on helping aasahan mo talaga syang anjan. That made her shine in my eyes, then opportunity comes and--"

"Sya yung pinapunta sa faculty para sa officers, kahit hindi naman sya kasali sa 5 major" Pinutol ko si Aaron sa pagkukwento "Hayyst, talagang ang lakas mo kay Lord VicePres akalain mo non di naman officers sa classroom namin sya pero sya pinapunta ni ma'am"

Nilingon ko si VicePres na ngayon ay tulala na sa akin, hindi niya ata inaasahang hindi officer si May that time pero napasali parin sya sa officers ng grade level namin noon.

"Gulat ka? Tadhana talaga kayo VicePres, bat di mo na lang diretsong confess ang gawin mo kay May--"

"I can't do that, hindi ko nga kayang utosan si May" Napakunot ang noo ko didto

"Kaya pala sa akin mo pinapasa ang mga gawain niya, bat mo ginawang assistant e hindi mo pala kayang utosan"

"Not just technical utosan, overall kausapin hindi ko sya kayang kausapin. Although sometimes I talk to May casual pero limited lang and I gathered so much confidence and power to talk to her"

"Hala ganyan pala nararamdaman mo kay May? Pero bilib ako sayo Vice hindi ka talaga halata. Pero bakit? Bakit di mo kayang kausapin sya, bimibilis ba ang tibok ng puso mo?"

"Yahh, visual learner kasi si May and she looks at the person she's talking with para maintindihan ang kausap niya and that makes me lose control. Kaya hindi ko nakakausap si May"

"Don't worry Vice, I will help you. Kaylan ka ba magcoconfess?"

Natigilan ito at napatitig muna sa malayo, iniisip ata nito kong kaylan. Kita ko sa muka nito na kinakabahan sya pero alam kong disidido na rin ito, malapit na ang graduation namin mga ilang araw na lang at right time to confess is before graduation.

"Maybe sa intramurals--"

"SA SUSUNOD NA ARAW?" Malakas kong sigaw didto dahil malapit na rin ang intrams namin, tumango lang ito sa akin "Seryoso ka? Papaano kita-- Saan?"

"Here" Simple niyang sabi na dahilan para ilibot ko ang paning sa paligid "I will make a set up here"

Nakatitig ako kay VicePres na makikita kong kumikinang talaga sya sa excitement at lakas ng loob. Bilib talaga ako sa kanya dahil marami syang gagawin sa intramurals namin, officers kasi sya kaya papaano niya masisingit ang confession niya.

Hindi nagtagal ay bumaba na rin kami matapos naming ayusin at pag usapan kung anong mangyayari sa susunod na araw. Parang mga event lang sa school namin tong confession niya kay May, mabilisan din.

She to HeWhere stories live. Discover now