Chapter 15

0 0 0
                                    

Ann's Pov.
Time flies so fast at happy life na itong si May at hito ako nag-aantay kay Kleo, charot. Alam ko namang wala talaga akong pag asa sa lalaking iyon, mukang hindi nga lalaki. Hindi, hindi nga lalaki. Noong nakaraang araw e sumali pa nga iyon sa palarong pinoy at talagang chinese garter ang nilaro ng loko.

"Ayaw ko nga kasi" Inis kong sabi kay May dahil sa pinapasama na naman niya ako sa gala nilang dalawa ni VicePres

"Parang di kaibigan, pagdadasal naman kita kay Valan"

"Iwan ko sayo, ako na lang magdadasal kay Kleo"

Agad akong tumakbo palabas ng room namin para makaiwas sa kanya, hinabol naman ako ng gaga at hinila. Napatili ako ng kaunti dahil sa biglang paghila niya

"Palakad kita kay Val--" Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil sa biglang lumabas si Kleo

"Tangina talaga yang bibig mo May"

"E di ko naman alam na--"

"Oyy patry" Nadistract ako sa dart na nilalaro ng classmate ko at taga kabilang room "Mahirap ba yan?" Tanong ko sa kanila

"Medyo--"

"Madali lang yan Ann, pagfocus ka at magaan lang ang pagkakatapon mo" Napalingon ako sa nagsalita, natigil ako dahil si Kleo pala

"Char nanunuro ang bakla" Biro pa ng kaibigan niya agad namang binatukan ito ni Kleo "Aray, bat ba mahirap naman talaga yan"

"Langya ka, tingnan mo" Humarap sa akin si Kleo at kinuha ang dart na nasa kamay ko "Paborrow muna sis"

Di na ako masagot nun at kusa na akong gumilid dahil sa naririnig ko na lang ang kabog ng dibdib ko. Puwesto na si Kleo at mabilis niyang na target ang gitna ng dart, naghiyawan ang lahat dahil dun.

Lumapit na naman sa akin si Kleo at kinuha ang dalawang hawak ko, agad niya ring na sapol ang gitna at nagflip hair kahit hindi naman mahaba ang buhok nito.

"Easy right?!"

"Madali lang naman sayo dahil sa marunong ka na" Biglang singit ni Jacob sa usapan "Ann?--"

"I can teach her" Hinila ni Kleo si Jacob papunta sa kanya, at dumiritso sa akin "Right, Surgon?"

Napatango lang ako dito dahil sa napatulala naa ako sa lapit ng muka niya sa akin, technically kami ang lapit namin. Iwan ko ba sa kanya naguguluhan ako kung anong pinapalabas niyang ugali ngayon.

"Ann dito ka" He said with arte ng boses, hindi talaga mawawala ang pagiging bakla na "You hold the pin like this"

Hindi ko alam kong saan ko e fofocus ang utak ko, sa pin ba o sa kamay niyang nasa kamay ko. Nakatitig ako sa kamay namin na nasa harapan ko, nasa gilid ko kasi si Kleo.

"Then ayusin yung likod" Hindi ko na naririnig ng naayos si Kleo, dahil naririnig ko na lang ang puso kong kumakabog "After that you throw it"

"Sorry" nasambit ko dahil sa hindi ko natama sa dart, masyado akong lutang at parang hindi ko talaga alam kong saan ako magfofocus "Hindi talaga ako marunong Kleo" Mahina kong sambit at yumuko, nakakahiya kasi

"No, you---"

"Oo nga Ann, kaya mo yan. Ikaw pa ba"

Napatingin ako sa banda ni Jacob na nakangiti na ngayon, binigyan ko lang sya ng ackward smile. Naiisip ko si Kleo baka nagseselos na naman.

"Ganito yan Surgon" Parang tumigil ako sa paghinga ng pumunta si Kleo sa likod ko at sinandal ako sa kanya "Ganito dapat ang likod at ang kamay ganito"

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa kaba at kilig, nakatitig ako sa kamay naming dalawa na ngayon ay lumalabo na. Hindi ko talaga mafocus ang sarili dahil sa kabog ng dibdib ko na lang ang naririnig ko.

'Naririnig kaya ni Kleo ang puso ko?'

Pumikit ako dahil sa kaba pero mukang nahihilo na talaga ako at parang tuluyan ng tumigil sa paghinga ang katawan ko.

Pagdilat ng mata ko ay ang puting kisame ang nakita ko, nagtataka akong tiningnan ito dahil sa hindi ko alam anong ng yari.

"Gising ka na, nurse gising na sya"

Napatingin ako sa nagsalita at si Kleo iyon kasama si Jacob na ngayon at tinutulongan akong makaupo.

"May masakit ba sayo?" Tanong ng nurse sa akin, umiling lang ako didto "Okay good, nahimatay ka dahil sa init. Buti na lang at nadala ka agad didto. Sa susunod e uminom ng maraming tubig ng hindi nadaling mahilo" Tumango tango lang ako didto

Umalis lang din naman ang nurse at naiwan ako na kasama si Kleo at Jacob. Binigyan ako ng tubig ni Jacob, nakatingin ako kay Kleo na titig na titig kay Jacob. Nagseselos na naman ata sa akin, parang gusto ko na lang maglaho.

"Alis nako" Sambit ni Kleo na dahilan para mahiya ako at magtampo, iwan ko ba kong pinagseselosan ako ni Kleo. Hindi naman tong crush niya ang crush ko sya naman.

"Are you sure na okay ka lang?" Tanong ni Jacob sa akin "Wala bang masakit sayo?"

"Wala naman, hindi ko lang alam paano ako nahilo kanina"

"Ako rin nagtataka buti na lang at nasa likod mo si Kleo kaya nasalo ka niya" Natigilan ako sa sinabi niya at inimagine ang nangyari, gusto kong tumili sa kilig "Ann maiwan muna kita, puntahan lang kita mamaya. May klase pa pala kami"

"Sige thanks Jacob"

Pagkaalis ni Jacob ay lumingon muna ako sa paligid at nang masegurong walang tao, ay malakas akong tumili at pumadyak. Minsanan lang mangyari ang ganun, gosh.

She to HeWhere stories live. Discover now