Chapter 16

0 0 0
                                    

Kleo's Pov.
"Kleo?" Agad akong napalingon kay Jacob ng kalabitin niya ako "Nakita mo ba si Ann?"

Napatitig ako kay Jacob ng tanungin niya yun pero agad lang din naman akong nagkibit balikat

"Tsk, may sasabihin sana ako sa kanya ehh" Lumilingon lingon pa ito sa paligid "Mamaya na lang pagtapos, ali na pasok na tayo" Tinanguan ko lang sya at sumunod lang din sa kanya

It's our graduation day after the challenges in senior high school, it's finally over at sa college na naman ang susunod na puproblemahan namin. This school year is full of hardship and struggles but it also makes people strong.

"Alphabetical order daw ang sits"

Napabuntong hininga ako sa sinabi nila, e sa Valan ang apelyido ko at talagang sa dulo ako malalagay. Malayo sa aircon at bukod pa dun boring talaga dahil wala akong kachikahan.

"Kainis naman sa dulo pa talaga mapupwesto" Inis kong sabi sa kanila

"Okay lang yan bakla, katabi mo naman si-- HOYY EME"

"Tigil tigilan niyo ko, boring parin dun"

"Sus pakipot ka pa jan, baka nga namatay ka na sa kilig at baunin mo pa sa pag uwi"

"Iwan ko sayo Andrea" sambit ko at nagflip hair kahit wala akong long hair

Agad ko rin namang tinalikuran itong si Andrea dahil sa malapit na magsimula ang graduation namin. Napapalingon pa ako sa paligid dahil sa hindi ko mahagilap ang aircon napaka init talaga, iwan ko ba.

"Wala ata si Ann ano?"

"Bat hanap ka ng hanap kay Ann" Naiirita ko ng sabi dito dahil kanina lang din sya galaw ng galaw hanap ng hanap kay Surgon

Katabi ko si Jacob dahil sa V din ang pangalan niya, same sa akin. Dahil sa Veñtura ang apelyido niya at Valan una name ko. Malamang Va ako Ve sya duhh.

"Sa may sasabihin nga ako" Inirapan ko sya "Selos ka naman jan"

"Duhh bat ako magseselos, what's something?"

Umiling lang ito habang nakangiti, weirdo din to porkit gwapo sya sa ayos niya ngayon na formal attire. Gaganyan ganyan sya duhh.

"Boring" Mahinang bulong ni Jacob sa akin "Nangangampanya ba yan?" Dagdag pa nito, natawa ako sa sinabi niya

Totoo kasing ang daming pinagsasabi nitong special guest namin ngayon at para bang nangangampanya sya. Sa dami niyang sinabi e nakailang punas na ako ng noo sa init ng pwesto namin ni Jacob, nahulas na rin ang make up ko.

"Di pa natatapos ang graduation e hulas na ang make up ko" Irita kong sabit

"Ganda ka parin naman"

Napalingon ako agad dito sa lalaking to ng sabihin niya yun, inismidan ko sya at binalik ang tingin sa harapan.

"Totoo naman kasi, pinagpala ata ang lahi niyo Kleo at maganda't gwapo ang pagkakalahi"

Natigilan ako sa sinabi niyang Kleo, hindi niya kasi ako tinatawag sa first name ko at surname talaga ang tawag nitong lalaking to sa akin. Napapaypay tuloy ako ng malakas dahil hindi ko alam saan umiikot ang isip ko.

"Bat ka tumatawa jan?" Agad ko syang nilingon ng maririnig ko ang hagikhik niya sa gilid ko "Wag ka nga jan" Inirapan ko sya

"Do you know Kleo?" Natigilan na naman ako sa kanya "Before binibini's in our country use to express their feelings in a way of pagpaypay ng malakas"

Natigilan ako sa pagpapaypay ko at nilingon sya "What are you trying to say, ha?" Pagtataray ko dito

Alam ko ang ibig niyang sabihin dahil sa minsan ko na ring nabasa ang patungkol sa meaning nang pagpaypay ng isang dalaga noon.

"I know you like me--"

"Hoyy kapal"

Mabilis kong nasabi iyon dahil sa nagulat ako sa sinabi niya, alam kong namumula ako dahil sa sinabi niya. Nararamdaman kong umiinit ang pisngi ko. Tumawa lang ang loko

"It's true, I know it. But I like someone else"

Hindi ko na sya sinagot pero natigilan talaga ako sa sinabi niyang yun. Tinuon ko na lang ang paningin sa harapan. Pero hindi ko mapagkakaila na tumatakbo parin sa isip ko ang sinabi niyang yun.

'ano naman ngayon'

She to HeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ