Chapter 2

1 0 0
                                    

Ann's Pov.
Busy ako sa pagpapalobo ng ballons dahil sa may galit ata tong VicePres namin, sa akin na naman pinasa ang gawaing ito. Yung bestfriend ko naman na si May, busy naman sya sa booth ng section namin.

Bungga nga ang Valentine's Day namin ngayong grade 12 dahil sa maraming ganap ang batch namin ngayon. Nakakatamad nga lang sa daming gagawin.

"HOYYY ANNN" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni May "Dali dali dali"

"Bakit?!" Nagtataka kong sambit dito, may ballon ba akong hinahawakan dahil sa biglang paghablot niya sa akin

"Tingnan mo yung bakla mong crush, nasa wedding booth"

Napairap ako at nawalan ng gana, nakipagsiksikan pa kami ni May sa mga tao dahil sa gusto niyang mauna ako, pero nakakawalang gana. Sino ba naman kasing may gustong makita ang crush na nasa wedding booth diba.

"Talaga ba May? Papakita mo sa akin yan?" Nakasimangot kong sambit dito "Oo na gets na gets, nakakahurt ahh" Nakasimangot ko paring sambit

Tumingin ako sa wedding booth kung saan nandon si Kleo, with a girl na taga other strand. I don't know her pero mukang hindi rin sya kilala ni Kleo dahil sa nagtataka nitong mata. Balak ko na sanang ulamis ng magsalita si Kleo

"SIS, we are not on the same page" nagulat ako sa biglang sambit niyang yun "I don't like, ahhmmm you know" sambit niya at may tawa ng kaunti

Nagtawanan ang lahat ng taong nakapaligid sa booth, napatamimi ako dahil sa bigla kong naimagine na what if ako yung babae at sabihan ako ni Kleo ng ganun.

Biglang nagtubig ang mata ko dahil sa na imagine ko, masakit kasing isipin iyon. Alam ko namang wala akong chance dahil sa you know--

"Hala Ann, na reject-- Hala umiyak" napaismid ako kay May ng hindi ko alam kong worried ba sya o nang iinis

"Oo na gets ko na point mo, di na ako makacrushback" Sambit ko at bumalik na sa room

Hindi ko na kayang tumingin pa sa booth dahil sa bigla na naman papasok sa isip ko ang naiimagine ko. Wala naman akong balak magconfess dahil sa alam kong wala talagang chance, gaya ng sabi ni Kleo. He doesn't like kefay.

"Ann Surgon, kanina pakita hinahanap-- Umiyak ka? Hindi naman ganun kahirap ang pagpapalobo ng ballons ahh--"

Inirapan ko to at binahid ang luhang namuo sa mata ko "Oo nga hindi mahirap, oa ka rin di na pwedeng napuwing lang? Umiyak agad" Naiiritang sabi ko dito

"Ahh talaga ba?" Napatakip ako ng bibig ng biglang seryosong tingin si VicePres

"Joke lang VicePres, sabi ko nga ehh gagawin ko na--"

"Sorry te, may nagbooth lang sayo" nabitawan ko ang hawak ko ng bigla akong hilahin ng grade 11

"WAIT WAIT" Malakas kong sambit dahil sa pupusasan na nila ako "Hala wait, baka nagkakamali kayo jan"

Napahila talaga ako dahil sa hindi ko alam kong sino ang hinayupak na nagbayad na e chain booth ako. Dahil sa wala naman akong friends at wala din naman akong kakilala talaga.

"Hindi te ikaw talaga, Ann Surgon diba?" Tanong nito at kinuha ang id ko tiningnan niya ito "Ikaw talaga ate"

"Ehh, sino ba nagbayad nito?" Nagtinginan lang silang dalawa, napatingin ako sa id nila at grade 11 nga sila

"Hindi pwedeng sabihin ate ehh"

"Wow, pagkatapos sa wedding booth ito na namang chain booth" napalaki ang mata ko ng makita si Kleo

Nagkatinginan kami ni Kleo at matagal talaga kaming nagkatitigan. Hindi ko alam kong anong iniisip niya, pero ang naiisip ko e, what if isipin ni Kleo na gusto ko sya at set up ko tong chain booth

She to HeWhere stories live. Discover now