Chapter 9

0 0 0
                                    

Ann's Pov.
"READY NA BA ANG LAHAT NA MAKITA ANG PERFORMANCE NG MGA KALAHOK?" Malakas na panimula ng host matapos nitong pahiyawin at kong ano anong pakulo sa audience kanina "THEN, LET'S ALL WELCOME"

Hindi ko na narinig pa ang magsumunod na sinabi ng host at nagtilian at naghiyawan na ang lahat, ang maririnig mo lang talaga sa buong gym ay ang pangalan ni Kleo. Akalain niyo yun kahit baliko itong si Kleo ay maraming tumitili sa kanya.

Hindi ko tuloy maimagine kong anong nafefeel ni Kleo ngayon na anjan sya sa stage acting straight guy, at maraming babae ang sumusigaw at humihiyaw sa kanya.

"How will Valan knows the steps?" Natigilan ako sa sinabi ni VicePres sa sarili niya.

Oo na chismosa na, pero napaisip din ako dahil ngayon lang din napili si Kleo to represent the grade level. Kaya talagang makikita syang magkakamali dahil hindi niya masyadong kabisa ang steps ng sayaw--

"ANAKAN MO KO KLEO" Napatigin ako sa sumigaw nun, halos panlisikan ko sya ng mata sa sinabi niya "I LOVE YOU KLEO VALAN" Kahit pa man e tumili parin ito

"Marunong palang sumayaw si Valan"

Napabalik ang attention ko sa stage ng sabihin ito ng babae sa gilid ko, napatigil na naman ako dahil kuhang kuha ni Kleo ang steps. Sa kakapunta seguro ni Kleo sa practice namin e nakabisado na rin niya.

'Ang gwapo mo talaga Kleo' Hindi ko mapigilang sambit sa isipan. Napakaswabe kasi ni Kleo

Ngayon ko lang nalaman na magaling pa lang sumayaw si Kleo ng ganitong way, kadalasan kasi e mga malalambot na sayaw ang kadalasan kong makita. Isa pa e puro mga sayaw sa Kpop na pangbabae ang nakikita ko sa kanya.

The show continues at nag intermission si VicePres, kaya pala sya minimake upan kanina sa backstage e dahil may intermission sya sa event na ito. Kumanta si VicePres, I stop from thinking when I heard the instrument plays. It's Para sa akin song.

Napatitig ako kay VicePres na kasalukuyang dinadama ang musika, bigla itong tumikhim at nag ayos ng sarili. He look at my direction, natigilan ako dahil sa ginawa niyang yun.

"Oyy, kakantahan ni VicePres" Kansyaw pa ni May sa akin "GO AARON" Malakas nitong cheer habang sinisiko ako

Ayaw kong lokohin ang sarili ko na hindi ako naapektohan sa titig ni Aaron, gwapo din naman kasi itong si Aaron halata naman sa sigawan at tilian ng mga tao sa paligid. Biglang nagsitahimik ang lahat, kahit ako ay napatitig din sa kanya.

Kung ika'y magiging akin~

Panimula nito na dahilan para magsitilian ang lahat, ang lamig ng boses niya. Nakadagdag talaga sa pagiging gwapo niya.

"Hoyy magiging akin daw" Sambit ni May sa tabi ko "Tumitingin pa sya sayo" Inismidan ko lang si May dahil ayaw kong mag isip ng kung ano ano

'Di ka na muling luluha pa~

Sumulyap na naman sya sa banda ko, kaya napapaisip na tuloy ako kung talagang may gusto ba itong si VicePres sa akin o dala na naman ng pag ooverthink. Iyon kasi ang mga sabi sabi ni May sa akin at napapaisip din ako.

Kung ako ay papalarin~
Na ako'y iyong mahal na rin~

Hindi ko maiwasan hindi humanga sa ganda ng boses ni VicePres, I touch my chest para pakirandaman ang aking puso. Oo may epekto si VicePres sa akin pero alam kong hindi ito kalevel ng nararamdaman ko kay Kleo.

Napatingin ako kay May dahil sa hindi ko inaasahang katahimikan nito. Lumingon ito sa akin at ngumiti, nabigyan ko sya ng nagtatakang tingin.

"Galing no? Gusto mo?"

Nagtataka ako sa tanong niyang yun, ang blangko kasi ng muka niya at hindi ko alam kong anong ibig niyang sabihin nun. Nagkatitigan lang kami ng ilang minuto pa bago niya binawi ang tingin at binalik sa stage.

"Ang weird mo May" Sambit ko didto at binalik din ang tingin sa stage

Nagkatitigan kami ni VicePres at parang may kung ano something na naman sa mata niyang hindi ko matanggal tanggal ang tingin ko didto. Sabayan pa ng maganda niyang kanta.

Napasulyap ako sa gilid ng stage, nakita ko si Kleo dun nakatingin din kay VicePres. Iwan ko ba kung anong iniisip niya, humanga din seguro kay Aaron. Hayyst mukang marami akong kaagaw didto sa lalaking to.

She to HeWhere stories live. Discover now