Chapter 8

12 1 0
                                    

Nababaliw ka na ba, Imelda? He‘s not your type! His whole personality is not your type!

Ipinilig ko ang ulo ko para iwaksi ang kung ano anong kabaliwan na naiisip ko.

But the moment I look down to check him, he's already staring up at me.

"Bumaba ka na rito! Feeling mo ba prinsesa ka na gumising mula sa pagkakatulog para panoorin ang mga tauhan mo na magtrabaho?" sarkastikong ani nito dahilan para muling sumimangot ang mukha ko.

I really hate the way he speaks!

Akala mo kung sino, magsasaka lang naman!

Does he really not know who he was trying to insult huh?

Hindi n‘ya ba talaga ako kilala?!

"Luh, hindi pa bababa ‘yan oh? Magsibak ka rito, mag iigib ako ng tubig!" Sigaw niya ulit na nagpanganga sakin.

Ako?? Magsisibak?!

It’s past 7 a.m in the morning and here I am, getting some water from this.. what do they call this again?

“Ang tagal mo namang mag igib dyan sa Poso.”

Right. Poso.

Ang sakit na ng mga braso ko kaka-angat nitong bakal pero hindi pa rin umaangat at lumalabas ang tubig.

“Is this even clean?!”

Hindi s‘ya sumagot at pinagpatuloy ang pagsisibak ng punong kahoy.

He told me to do that earlier but of course I can’t do that so he told me to restore some water instead.

May nag-aabang na isang bucket or balde sa pinakalabasan ng water dito sa Water pump.

Yeah, this man said this is a water pump or poso in tagalog.

“Kanina ka pa d‘yan hindi mo pa rin napapalabas ang tubig? Lakas at bilisan mo naman kasi ang pag angat! Hindi uso pabebe rito.” Nakasimangot na sabi n‘ya.

Naiiyak na ako dahil hindi talaga lumalabas ang tubig don.

“Can’t you see that I’m trying?! But the water won’t come out!”

He hissed and walk towards me. Inagaw n‘ya ‘yong handle ng poso at siya ang nag angat baba non.

Napanganga ako dahil ilang segundo pa lang ay lumabas na ang tubig.

“See? That’s the sign that I should not be working because it’s not bagay to me!”

He scoffed as if I said something irritating.

“Wag ka maraming daldal dyan at punuin mo ‘yung drum ng tubig para may pangligo ka. Hindi mo ba naaamoy ang sarili mo?” Nakangiwing sabi niya.

I got conscious because of what he said. Right! Hindi pa nga pala ako naliligo. Pasimple kong inamoy ang sarili ko dahil sa hiya.

Oh my, do I really stink?

I cleared my throat.
“E-excuse me! Even I won’t take bath for a week, I won’t stink!” I said confidently.

“Sure.” Sarkastikong sang ayon n‘ya.

Itinali niya ang mga punong kahoy na sinibak niya bago ilagay iyon sa tabi ng nilulutuan niya sa loob ng silong.

Hirap na hirap ako habang buhat ang isang balde ng tubig papunta sa banyo na nasa labas ng kubo.

Yes! Hiwalay ang banyo at lutuan sa mismong bahay!

Argh! How unique!

Nanggigigilid na ang luha ko dahil hindi ako makapaniwala sa paghihirap na dinadanas ko ngayon.

And not to mention that I’m still wearing my dolphin shorts and spaghetti strap!

Nalaglag ang isang strap ng sandong suot ko pag-angat ko ng timba kaya bahagyang sumilip ang kulay itim kong brà. Nabasa pa nang bahagya ang sando ko kaya bumakat ang brà ko.

Napalingon ako sa lalaking ngayon ay kasalukuyang nag iipon ng tubig sa isa pang timba. Nahuli ko siyang napatingin sa dibdib ko pero agad ding umiwas ng tingin.

Inirapan ko siya at naglakad ulit palapit para mag igib pagkatapos niya.

Napansin kong nakaiwas siya ng tingin sa‘kin kaya kumunot ang noo ko.

Hindi ko alam kung bakit dumoble ang pagsusungit n‘ya sa‘kin. Hindi ko nalang pinansin ‘yon at umirap sa hangin.

Sobrang sakit ng balakang ko dahil sa matagal na pagkakatayo habang nagbobômba sa poso. Masakit din ang braso ko dahil sa ngalay.

Kanina pa malayo ang iniisip ko dahil sa mga bagay na pumapasok sa utak ko.

What if my arms got bigger after multiple pumps of water?

I thought it was easy at first as I watched him earlier but surely it was not! Masyado kong minaliit ang mga ginagawa nila sa kanilang araw araw na pamumuhay. Hindi pala talaga madali but it looks so easy for them!

“Tapos ka na ba magbômba ng tubig? Napuno mo na ang drum?”

Nakaupo ako sa isang bato roon at hindi s‘ya pinansin.

Sinipat ko ang mga braso ko. Para akong nagbuhat ng gym equipment sa baldeng paulit ulit kong binuhat kanina sa tuwing matatapos akong magpump ng tubig.

But I’m thankful there’s a tree in front of that Poso that protected me from the sun’s heat–

“Ano, tuluyan ka na bang nabaliw dahil sa pagbobômba sa poso?”

Matalim ang mata ko nang lingunin ko s‘ya. What is he trying to say? That I’m starting to lose my sanity?

“Inilipat ko ang dalawang balde sa banyo. Maligo ka na ron.” He said while fixing his dirty shirt. Nagbuhat kasi siya ng mga sinibak na kahoy kaya narumihan ang kulay orange na shirt niya.

“Is there a shower ba sa banyo?” Tanong ko.

“Kung meron bakit pa kita pag iigibin?”

Napasimangot ako.
“Hey I’m trying to ask nicely you jèrk.”

Umiling lang s‘ya at may ibinulong sa sarili na hindi ko masiyadong narinig.

Tumayo ako tsaka pinagpag ang puwetan ko at naglakad patungo sa CR but I immediately stopped when I remembered something.

“Wait.” I faced him and found out that he’s currently getting some mangoes using a long bamboo stick with a fishnet on top of it.

Napaharap din siya sakin at tinaasan ako ng kilay.

“Did they.. brought something I can wear? I mean, did they brought my clother?” I asked him because Daddy’s bodyguards did not let me pack my things!

“Wala. Pero nagpabili ako ng mga bagong damit sa bayan nung lumuwas si Tiya Isabel. Nasa banyo na. Nandoon na rin ang bagong tuwalya, shampoo, sabon at toothbrush tsaka toothpaste.”

Pinigilan kong matuwa sa mga sinabi niya. Syempre natural lang na bilihan niya ako dahil empleyado lang naman siya rito.





TO BE CONTINUED

White liesOnde histórias criam vida. Descubra agora