Chapter 10

15 0 1
                                    

I am smiling from ear to ear as we walk in a straight path towards the beach.

Napakaganda! Rinig na rinig ko ang alon mula rito at ang maalat na amoy ng dagat.

It’s sad that I don have any bikinis with me right now but I’ll just appreciate the beautiful and therapeutic view of this island.

Kaunti lang ang mga nakikita kong tao pero halatang may mga kaya sa buhay. Tinahak namin ang daan papunta sa pinakadulong parte ng dagat na mabato at hindi pinupuntahan ng mga turista. Doon ay nakahilera ang mga de-makinang bangka at mga speed boats.

Pinanood ko ang lalaking kasama ko na tanggalin sa pagkakatali ang isang bangka at bahagyang itulak sa tubig.

Umawang ang labi ko nang eksperto n‘yang hinila ang isang tali para buhayin ang makina.

Woah. He’s really used of living like this huh.

Lumingon s‘ya sa gawi ko at sinenyasan akong lumapit na.

Ngumiwi ako bago hubarin ang pink sleepers ko at maglakad sa tubig. Kinilabutan ako dahil sa lamig ng tubig.

Inalalayan n‘ya akong umakyat don. Panay pa nga ang tili ko dahil umuuga ang bangka.

“Umupo ka lang habang umaandar. Baka malaglag ka.” He warned me and prepared the things he will use to catch fishes.

Mangigisda pala, akala ko pa naman maliligo kami. Dàmn it!

The beauty of this beach is so relaxing. Pinanonood ko lang ang paglayo namin sa isla habang umaandar ang bangkang sinasakyan namin.

“What’s that?” Curious na tanong ko.

“Lambat.” Simpleng sagot niya.

Huminto kami nang nasa gitna na ang bangka. Inihagis niya yung lambat sa tubig kaya natalsikan ako.

“Dahan dahan naman!” Sigaw ko.

Hindi niya ako pinansin. Makulimlim naman at nagtatago sa makakapal na ulap ang araw pero naiinitan pa rin ako kaya hinubad ko yung hoodie niya.

Maya maya lang ay inangat na n‘ya yung lambat. Napanganga ako sa dami ng iba’t ibang isda na naroon at panay pa ang pagaspas ng buntot.

Hindi ko na nga pinansin ang nabasa kong damit dahil sa tubig na napunta sa akin pag angat n‘ya nung lambat dahil natutuwa ako sa mga isdang nakikita ko.

He immediately move the fishes inside a styrofoam box.

Napuno niya agad ang apat na styrofoam sa ilang paghagis lang ng lambat kaya namamangha akong nanonood sakaniya.

“Whoa, you’re good!” I complimented him which made him look at me.

Biglang nagbago ang emosyon sa mga mata niya. Ang kaninang blangko niyang mga mata ay nagkaroon ng kung anong emosyon na hindi ko mapangalanan.

Umiwas siya ng tingin at pinagpatuloy ang pagliligpit sa lambat.

“Wear my hoodie again. I can literally see your nîpples right now..” parang nahihirapan pang sabi niya kaya nanlaki ang mga mata at tainga ko.

Nagbaba ako ng tingin sa damit ko. Fûck he’s right! Dahil nabasa ang manipis na telang ito ay bakat na bakat na ang mga nîpples ko at kitang kita.

Nayakap ko agad ang sariling dibdib at tinignan siya nang masama.

“Pèrvèrt!”

Hindi ko na tuloy alam kung paano haharap sakanya. Someone just saw my boôbs!

Nang makabalik kami sa pangpang ay wala rin siyang imik na itinali ulit ang bangka pagkatapos niya akong alalayan pababa.

White liesWhere stories live. Discover now