KABANATA 17- MEMORY

7 1 0
                                    


Nagising ako dahil sa may humahaplos sa mukha ko. Hindi ko muna iminulat ang mata ko dahil pakiramdam ko pipikit ulit ito kapag nakita ko kung sino ang tumatapik sa mukha ko.

" Binibini, nasa barko na tayo." rinig kong boses lalaki na parang paos ito. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sa pagdilat nito ang mukha ni Ginoong Ivan ang una kong nasilayan. Bakit napaka perfect ng mukha ng lalaking 'to mula buhok, hanggang panga nito napaka perfect.

" Para lang sa'yo ang mukhang 'to Binibini." paos ang boses nito. Kita ko sa mukha at mata nito ang pagod sa pagmamaneho.

" Sorry napahaba yata ang Idlip ko." hinging paumanhin ko dito at inayos ang sarili bago lumabas ng kotse. At tama nga siya nasa barko na kami dahil ramdam ko ang paggalaw ng barko at rinig ko bawat hampas ng alon.

" N-nasaan sina Tito at tita?" nagtataka kong tanong dahil kaming dalawa na lang ang nasa baba kung saan nakapark lahat ng sasakyan ng mga pasahero.

" Nasa taas na sila, sabi ni mommy sumunod na lang daw tayo doon kaya ginising na kita." tugon nito at nilock ang kotse at inalalayan akong paakyat sa hagdan.

***

Ilang beses pa akong kumurap dahil sa pagmulat ko unfamiliar na silid ang bumungad sa'akin. I think nasa probinsya na talaga kami. Bumangon ako para hanapin ang mga kasamaan ko. But I heard some familiar voice.

" Aling Tessa, ito nga pala ang nag-iisa naming anak, si Ivan." boses 'yon ni auntie Jasmine kaya sinundan ko ito hanggang sa napatingin sila sa gawi ko. Sa sobrang hiya napayuko ako.

" Nakakahiya ka self first time mo pumunta dito tapos tulog ka, p-pero sino nagbuhat sa akin?" kagat labi Kong tanong sa sarili ko.

" Hi! wag kang mahiya, feel at home ka lang dito." napaangat ako ng tingin ng may tumabi sa akin na babae. I think matanda lang siya ng dalawang taon.

" Aprilyn nga pala, Masaya kaming makita ka sa aming napaka simpleng bahay." ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko at iginaya sa sala kung saan nandoon ang mga kasama ko maliban sa pinsan ni Ivan.

" She's my future daughter in law soon." nagulat ako nang sabihin 'yon ni auntie ngunit tanging ngiti lamang ang isinukli nito sa mukha kong gulat na gulat.

" Bagay na bagay ho sila." dugtong ni ate Aprilyn.

" But my brother is so torpe" napahagalpak ang kasama namin sa Bahay nang biglang pumasok ang pinsan ni Ginoong Ivan at sabihin ang salitang 'yon. Samantalang lumapit sa gawi ko ang namumulang Ivan at hinawakan ang kamay ko at dinala ako sa bakuran kung saan may puno ng mangga na mayaman sa bunga.

" Palagi niya na lang pinapasakit ulo ko kahit sa chat! Kailangan ko na siyang hanapan ng kapareha." bumungis-ngis ako nang makita ang hindi maipintang mukha nito.

" But it's okay narinig ko naman ang tawa mo na siyang nagpapalambot sa puso ko." kinurot ko ito dahil pasimple nanaman itong bumabanat.

" Gusto mo bang gumala? Sasamahan kita." tanong nito na siyang ikinailing ko.

" Gusto ko magpahinga ka, gusto ko matulog tayong dalawa. Aayawan mo ba ang hiling ko aking Ginoo?" Hindi ko mapigilan ang hindi tumawa sa reaksiyon nito, namumula ang pisngi nito na hindi makapaniwala sa sinabi ko.

" I s-surrender aking Binibini," nauutal nitong sagot at tinakpan ang mukha ng dalawang palad niya.

" Ang cute mo kapag namumula!" Hindi ko maiwasan na purihin ito dahil napakacute naman talaga nito kapag namumula ang mukha sa kilig.

" Binibini, sasabog na puso ko!" pagkatapos niyang Sabihin ang salitang 'yon bigla ako nitong niyakap.

" Masiyado na bang halata ang pagbilis ng pintig ng puso ko?" mahina ngunit malambing ang tono ng boses nito.

" Halatang halata ginoo." sabi ko at niyakap siya pabalik. Ang yakap nito na katumbas ang full charge na battery. I don't but I feel safe with him. Tila isang gamot ang yakap nito.

" Is this what the Lord wants me to experience, genuine love from people who love me?"

***

7:30 na ng umaga pero ito kami magkatabi sa higaan. Habang sinusuklay ang buhok niya pinapa-kuwento ko dito ang tungkol sa moriones na gaganapin bukas.

" Ang Moriones ay nagkukunwaring mga sundalong Romano na nakasuot ng kostyum at maskara na nagmamartsa sa paligid ng bayan araw-araw upang hanapin si Longinus, na kinamumuhian ng kanyang mga kasamahang sundalo sa Roma dahil sa pagiging mananampalataya kay Kristo. Ang araw-araw na "pagsusuri" ay nagtatapos sa tinatawag na "pugutan," o ang pagkakahuli kay Longinus at ang kanyang pagpugot ng ulo, na nangyayari sa Linggo ng Pagkabuhay.

Sa halip, nagtatapos ito sa isang positibong nota, na nagpapalaganap ng mensahe na matapos na maisakatuparan ni Longinus ang kanyang misyon na ipamahagi ang mga salita tungkol sa Nabuhay na si Kristo, siya nang may tapang na tinatanggap ang kanyang kapalaran at hinaharap ang kamatayan sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo, na lubos niyang nauunawaan na natagpuan na niya ang kanyang kaligtasan.

Mga aktibidadid na ginagawa tuwing holy week dito sa Marinduque also include the unique tradition of pabasa, or the musical recitation of Christ's passion in verses; the Via Crucis, a reenactment of the suffering of Christ on His way to Calvary, with some participants carrying a heavy wooden cross and others inflicting pain on themselves as an act of atonement for their sins; and a grand procession of religious images around town on Good Friday.

Kasama sa relihiyosong prusisyon ang mga morion ng Marinduque, karamihan sa kanila ay nakasuot ng mga kamay-gawang kahoy na maskara at mga armas na gawa sa fiberglass o stainless steel na may mga cape at nagpapawis sa ilalim ng araw bilang isang panata sa relihiyon.

Sa huli, ang pagsusuot ng mga kostyum at maskara kasama ang ulo ay isang uri ng penitensya dahil mainit at nakakasilaw ito, at ang mga maskara ay nagbibigay lamang ng dalawang maliit na butas para sa paningin." Pumipikit na pag-kuwento nito. Pagod na pagod ito sa pagmamaneho kaya hindi na ako nag tanong pa para makatulog na ito.

" Gusto ko masilayan ang ngiti sa maganda mong labi kaya simula bukas saya lahat ang mararamdaman mo." saad nito bago tuluyan nang pumikit ang mata nito.

" Kailan ma'y hindi ko naramdaman ang lungkot tuwing kasama kita. Aking Ginoo masaya ako sa bawat araw na kasama ka. Sana lagi na lang masaya. Sana hindi na lang ako nagkaroon ng sakit sa puso at sa utak para makasama kita ng matagal. Oo. Ginoo Ikaw ang Vann na kababata ko na handang sumuko sa bawat laro para lang manalo ako.

" Mahal kita walang nagbago!" bulong ko at pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko. Naalala ko na lahat kaya pala familiar ang mukha ng pamilyang Ayap sa'akin dahil makasama ko na sila dati pa. And about Ivan hindi ko man siya agad naalala ngunit ang puso ko kilalang kila ang taong mahal nito.

" I wish humaba pa ang buhay ko. I know na ilang beses na ako pinahiram ni Lord ng buhay pero I always prayed na sana hindi ko iiwan na lumuluha ang mga taong nagmamahal sa'akin." I cried at hinalikan ang noo ng lalaking mahal ko.

THREE WORD'S, I LOVE YOU [ON-GOING]Where stories live. Discover now