01

10 0 0
                                    



‼️ UNEDITED ‼️

Ayokong umuwi ng late. Minsan pa ngang wala na akong pera ay uutang pa ako sa kaibigan ko para mag karoon ng pamasahe dahil ayokong mag lakad pauwi. Hindi dahil tamad ako, kung hindi dahil ayokong masayang ang kinse minuto ko sa pag lalakad. Pakiramdam ko ay mas gugustuhin kong humiga at matulog agad pag uwi kaya pati ang imbis na mag tipid at ipunin ang pamasahe ko ay nag papa special pa ako minsan sa tricycle.

Kaso.. mahilig daw siya mag lakad e. Mula ministop hanggang Lacolina, kung tama ang pag kakaalala ko, ay nilalakad lang din niyan. Masakit ang paa ko dahil sa heels, pero dahil sa hindi malamang kadahilanan na natutuwa ako tuwing igigilid niya ako sa sidewalk para raw sa sidewalk rule ay sumasama ako. May pag kakataon ding umulan at wala akong payong kaya pinilit kong sumilong sakaniya kahit may payong naman ang kaibigan ko. Ang weird ko na nga, e. Pinaint ko ang itsura namin noon sa kung paano ang pag kakaalala ko. Weird 'di ba? Nilagyan ko pa ng Nahuhulog sa gilid na paborito kong kanta. Hindi naman ako nag de-dedicate sa tao ng kanta, e. Pero hindi ko siya gusto. Hindi naman 'di ba?

Nang mag karoon na naman ng bagong sayaw sa panibagong school year ay iwas ako sakaniya. Ayokong makasabay siya umuwi ng mag isa lang ako at mag lalakad lang kami! Ala sais na ng gabi, madilim na at hinahanap na ako sa bahay. Nang makarating kami sa meralco ay wala kaming nasakyan. Nag offer pa siyang bumalik kami sa laco pabalik at dumaan sa NGI. Napaka layo non. Mag aalas syete na pero hindi dahil sa hindi ako makatanggi, ngunit sumama rin ako. Nilakad ko mula meralco hanggang NGI kahit takot ako sa dilim at ayokong nag lalakad.

"Dito ka nga." Ayan ang madalas niyang sinasabi sakin ng mga oras na 'yon sa tuwing siya ang napupunta sa gilid at ako ang malapit sa kalsada. Sa tuwing mag rereklamo ako na masakit ang paa ko ay titingin siya sa sapatos ko at lilipat ng tingin sa sapatos niya. Hinihiling ko ngang ayain niya kong suotin ang sapatos niya dahil sa totoo lang at masakit talaga ang paa ko ng gabing 'yon. Pero ayoko pang umuwi. Ayokong umiksi ang lalakarin namin pauwi dahil iiksi rin ang panahong nag lalakad ako kasama siya sa dilim.

Nang gabing 'yon ay saktong 6 : 45 na ako nakauwi, gabing gabi na 'yon para sa akin. Ayokong umuwi ng late. Pero sana maulit ang pag lalakad ko na nasa tabi ko siya at kaming dalawa lang at ang tanging ilaw lang namin ay ang nag liliwanag na buwan at ang bahay sa paligid na nadaraanan namin.


-

hi, cal : ) Where stories live. Discover now