04

9 0 0
                                    




Hindi ako mahilig yumakap
Bukod sa self-conscious ako
ay ayoko rin ang dampi ng init sa braso.
Malagkit, mainit at masikip.

Ngunit ang pag yapos mo sa balikat ko
at ang pag patong mo ng braso mo dito
ay hindi ko inaakhalang makapag tigil ng
pag agos ng luha ko. Ang hikbing lumalabas sa bibig ko ay napalitan ng pag ngiti nang iabot mo ang bimpo mo. Ang bigat ng pakiramdam ko ay napalitan ng pag ikot ng sistema sa tiyan ko. Ang paru-paro ay lalong nag kagulo nang punasan mo ang luhang nanunuyo na sa pisngi ko.  Ang pag labo ng paningin ko dahil sa luha ay nawala nang dahan dahan mong tinapik ang likod ko. Ang mukhang noon ay tinatago ko sa bimpo ay sa balikat mo na pumapatong. Tila wala kang alinlangan kahit pa saluhin ng balikat mo ang luha ko, kahit pa mabasa mismo ang damit mo. Nang matapos ang araw na iyon ay sigurado na ako; hindi na ako mag dadala ng bimpo sa susunod dahil mayroong walang alinlangan at hindi nag  dadalawang isip na itago ako sa dibdib niya.

Simula non ay  mahilig na ako sa yakap. Sa yapos ng kilig, saya at kapighatian,  hinihiling kong mayroon ding yapos ng iyong kamay sa aking likuran.

---------

hi, cal : ) Where stories live. Discover now