07

13 0 0
                                    


Naramdaman mo ang unti unting pag kulo ng tiyan ko na tila may mga bundok na nag si guhuan nang marinig ko ang katagang naalala ko kasi na gusto mo to. Sa hindi malamang dahilan ay nag init ang mag kabilang pisngi ko at tumaas ang balahibo ko sa hita. Tumaas ang isang kilay ko at nag kibit balikat lamang ako. Hindi naman nakakakilig. Hindi. Hindi. Hind–

Bakit ba kasi lahat ng ayaw at gusto ko ay kabisado mo..???!? Maski nga ako ay hirap kabisasuhin ang sarili ko pero ikaw.. para akong buwan sa loob ng isang taon na kaya mong diktahin na tila january, february, march, april etc. kahit pa sa lengguwaheng tagalog.

Maliit na bagay. Sus. Bakit ako kikiligin dahil alam niyang paborito ko ang tong cat su, thong cath sue, tong kat shu na yan. Ni hindi ko nga alam yung ulam na yon kung hindi niya pa babaunin. Naging paborito ko lang yon dahil pinakikala niya ang ulam na yon.

At ano naman kung naalala niyang paborito ko ang vanilla kaya niregalo niya sakin yon nung valentine's????! Sus, maliit na bagay. Hindi ako kikiligin. Hindi naman nakakakilig yon pero tinitipid ko talaga yung pabango na yon dahil unang pabangong regalo niya sakin yon, iba na siguro ang amoy non kung bagong pabango na ang gagamitin ko! Ayoko mapalitan yung una.

Hinding hindi ko papalitan ang una. Kagaya ng pabango ko na vanilla, una rin siya. Una siya sa lahat. Una siyang nakahalik sa pisngi ko, nakabaon ng mukha sa leeg ko nung niyakap ako, nakahawak sa bewang ko, nakahawak sa buhok ko na lalaki, nakayakap ko, nakasandal sa balikat ko, nakahawakan ko ng kamay at minahal ko. Una siya sa lahat. Una ka sa lahat. At ayokong palitan yon. Wala akong balak palitan dahil kagaya ka ng vanilla na pabango ko, hindi ko papalitan yon hanggang maubos at kahit maubos.

---------
ang gulo hahaha !!!! 12 am things. me cramming thiz kasi want ko na ipublish lulz

hi, cal : ) Where stories live. Discover now