15

7 0 0
                                    

Paniguradong sayo ako agad didiretso sa tuwing maisip ko ang linyang take me where voices ain't too loud. Mas maririnig ko pa ang tawa ko sa isang tahimik na lugar kaysa sa ingay ng mga boses sa utak ko sa tuwing kasama ka.  Nasabi ko naman na noon pa na takot akong maligo dahil naririnig ko ang bulong na tila hindi bulong dahil sa pag sakop nito sa ulo ko, hindi pa ako nakakaligo ng walang playlist pero dahil sayo ay kusa na akong napapatayo para pumasok sa banyo. Dahil sa kagustuhang sabay ang ginagawa natin bawat oras para sa tuwing libre ka ay libre ako, at sa tuwing libre ako ay libre ka. Maski sa tuwing mag sasabi ka na mag lilinis ka ay napapalinis din ako dahil ano ba ang gagawin ko ng wala ka? Tila isang misteryong puno ang telepono ko ngunit sa tuwing walang berde sa gilid ng litrato mo ay alam kong hindi ako matutuwa dito. Ang presensya mo'y nag papanatili saking hindi kumplikado. Napapatahimik mo ang maingay kong mundo.



----------

💪🏻💪🏻 I'm not super dependent ok kind of red flag to because sound sha na umiikot literal mundo ko but HINDI SHA GANON OK don't judge pls ily (hindi ako ijujudge ni ano ok baka yung IBANG makakabasa lang hehe loafe u cal)

hi, cal : ) Where stories live. Discover now