06

10 0 0
                                    


Ubos ako sa paraan ng pangongodigo.
Kung sakali mang payagan kami ng guro namin na gumamit nito
ay paniguradong talo ako.
Wala akong alam sa paraan ng pag tago
at tricks ng mga kaklase ko.

Ngunit bakit pag dating nila sayo ay agad akong nakakapag tago?
Tila nasa karera na kung mahabol mo
ako ay matatalo agad ako,
at kahit hindi mo ako mahabol ay
alam nating parehas na talo ako.

Sa pag tawa mo ay alam ko na agad kung
pilit ba o totoo
dahil sa pag liit at pag abot nito sa tenga mo.
Ang madalas na pag spray mo ng pabango
sa tuwing na coconscious ka na sa amoy mo
ay pansin ko rin.

Hindi ko sinasadya,
hindi ko sinasadya na mapansin lahat maski ang pag pagpag mo ng medyas sa tuwing nadudumihan ito
at sa pag taas ng enerhiya mo sa tuwing  science na ang tinuturo.

Hindi ko naman sinasadyang mapansin pati ang pagiging mapag bigay mo
na kahit wala nang natitira sayo ay sige pa rin ang oo mo.
Oo, hindi ko sinasadya.

Hindi ko nga sinasadya.
Hindi ko sinasadya ang lahat,
at oo, kahit hindi mo ako mahabol sa habulan
ay alam natin parehas na mag papatalo
at mag papataya ako.
Pero hindi ko sinasadya.




------
magulo sha fr xori

hi, cal : ) Where stories live. Discover now