KABANATA 18 - MOMENT

6 1 0
                                    


Pagkatapos namin manuod ng mga nag-aantipo at iba pang activity na isinagawa sa Gasan nagpasya kaming mamasyal sa mga Booth at bumili ng mga souvenirs at kung ano ano pang nagustuhan namin. Mainit ngunit worth it naman lahat dahil kasama ko ang lalaking mahal ko pareho kaming mag-enjoy.

" Hindi ka ba natatakot o nakaramdam ng pagkasuka nong nakita mo ang mga nag-aantipo?" tanong nito dahil ni hindi manlang ako pumikit nong makita ang mga lalaking halos duguan na ang katawan.

" Nasa tabi kita bakit ako kakabahan o matatakot?" matapang na sagot ko at ngumiti nang ikinangiti niya rin.

" No comment kasi kikiligin nanaman ako." tugon nito at bumili ng maliit na pato or bebe at inipit nito sa buhok ko.

" Mas cute yung malaki kong bebe" napangiwi ako sa kajejehan nito.

" Mamayang 5:00 babalik tayo ulit dito para sa procession it's my first time at alam kong first time mo rin." May ngiti sa labing sabi nito.

***

Dahil tanghali na at nakabili na rin kami ng isda na uulamin namin nagpasya na kaming maghintay ng tricycle para makauwi na kami. Tumaas ang kilay ko nang mapansin kong kanina pa pabalik-balik ang tatlong babae sa harap namin. Pero kahit ilang daan na nila sa harap namin tanging yuko ang ginawa ng kasama ko.

" Hi handsome, can we invite you to go pasyal? And take a picture with you?" Hindi ko alam pero naiinis ako sa tatlong babae na nasa harap namin ngayon. Sa unang tingin ko pa lang mukhang foreigner ang dalawa sa kanila at isang taga dito.

" Sorry, but I only take pictures with the woman I love. And I'm not fond of going out." Mr. Ivan rejected the three women without any emotion.

" He said he doesn't like going out, but here he is," I heard the short-haired woman say.

" I'm more beautiful than the person you're with," I calmed myself upon hearing those words.

" But you are not even half as beautiful as my Binibini. Fix your manners first before saying 'beautiful' in front of me." abot tainga ang ngiti ko nang umalis sa harap namin ang tatlong babae.

" Tskk...Hindi naman sila kagandahan." rinig kong bulong ng katabi ko at hinawakan ang kamay ko at sumakay sa tricycle na huminto sa harap namin.

" Huwag mo isipin ang mga babaeng 'yon Binibini. Always remember na sa mga mata ko Ikaw ang Binibining ubod ng Ganda."

***
Wala pa isang oras nang bumaba kami sa Bahay ni ate Aprilyn, kinuha naman agad nito ang dala namin na ulam at siya na raw ang magluluto. Umupo ako sa sofa na gawa sa kawayan nang tumabi bigla ang pinsan ni Ginoong Ivan.

" I like you for kuya Ivan!" agad na sabi nito at niyakap ako.

" Sana naalala mo na siya, mahal na mahal ka ng kuya ko. Sa sobrang pagmamahal sa'yo iniwan niya ang paaralan na unang tumanggap sa kanya nang malaman niyang sa kabilang school ka nag-aaral. Handa siyang Iwan lahat para sa'yo ate ko." tila dinudurog ang puso ko nang marinig ang sinabi nito.

Sabay kami napatayo nang tawagin kami ni auntie Jasmine, pagkarating namin sa hapagkainan napansin kong wala pa si Ginoong Ivan.

" Nasa kuwarto ang iyong Ginoo ija." nakangiting sabi ni auntie nagpaalam ako para puntahan ito doon sa kuwarto. Pagka bukas ko ng pinto agad akong tumungo sa kuwarto and I saw him sleeping peacefully, lumapit ako para tabihan ito.

" Sinong babae ang hindi magkakagusto sa aking Ginoo na ubod ng bait . He set my standards to high." bulong ko at sinusuklay ang buhok nito gamit ang daliri ko.

" Natatakot akong sagutin ka, Hindi dahil sa may nagawa ka. Natatakot ako naiwan kang lumuluha. Pero itong puso ko mahal na mahal ka at tanging gusto nito ang madama pa ang pagmamahal na pinapadama mo." dugtong ko at ninakawan ito ng halik sa labi. Nagulat ako nang bigla itong dumilat at niyakap ako at mas pinalalim ang aming paghahalikan.

" Binibini, hindi mo kailangan magnakaw ng halik dahil kusa kong ibibigay sa'yo ang halik na gusto ko at gusto mo." bumilis ang tibok ng puso ko nang nasa ibabaw ko na ito.

Tila inaanod ako sa bawat halik nitong nakakadala. Halik na puno ng pagmamahal. Halik na nagpapalambot sa buong sistema ko.

Napakapit ako sa buhok niya at suminghap nang bumababa ang halik nito sa leeg ko hanggang sa balikat ko at pabalik sa noo, ilong, pisngi at labi ko.

" Paumanhin hindi ko mapigilan ang aking sarili tuwing nasa tabi kita!" katulad ko hinahabol nito ang sariling hininga.

" F*CK!! Hindi ko dapat ginawa 'yon!" rinig kong mura nito na ikinainis ko kaya tumalikod ako sa pagkahiga at pina-pakiramdaman bawat galaw nito.

" Binibini, s-sorry" ang mababaw na mahinang boses nito nagbibigay kiliti sa buong sistema ko.

" Mga anak gumagawa na ba kayo ng apo nami?" napabangon ako sa wala sa oras ganon rin ang ginawa nito. Inayos ko ang damit at buhok ko bago buksan ang pinto nasa likod ko ito.

" Uhm.. inasikaso ko lang ho damit ko na susuotin para mamaya auntie." tugon ko ngunit hindi mawala ang mapanuyang ngiti ni auntie at tinapunan ng tingin ang anak na nasa likod ko.

" Mum.. we're not doing anything." tugon ni Ivan na ikinatawa ng Ina nito.

" Hindi ko naman kayo pipigilan kong may ginagawa kayo. Pabor sa amin ng Tito at daddy mo dahil gusto na namin magkaapo." Nakangiting sabi ni auntie at naunang maglakad na siyang ikinasunod namin.

***
It's 5:40 pm nang dumating kami sa bayan ng Gasan, dahil mag- p-prusisyon kami bumili si auntie ng kandila at binigay sa amin.

" Don't you dare to post it angel!" saway ni Ivan sa pinsan nito na nasa unahan I don't know pero napaka protective nito pagdating sa pinsan.

" Opo!" napaawang ang labi nito nang marinig ang salitang 'opo' sa bibig ng pinsan.

Patago akong ngumiti dahil sa ginawang paghawak ni Ivan, sa laylayan ng damit ko habang nagsisimula nang maglakad ang lahat. Tunog ng mga instrumento, tunog ng mga nag-aantipo at mga taong nagdadasal ang maririnig. Habang hawak ang isang mahabang kandila tila lumalakbay ang isipan ko sa isang panalangin.

Naramdaman ko ang pag-usog ni Ginoong Ivan sa tabi ko habang nakahawak pa rin ito sa laylayan ng damit ko, tuwing tumitigil sa paglalakad nakikita ko ang pagnakaw ng tingin nito sa akin at ngumiti na para bang panalong panalo

Nagulat ako nang may nagtapon ng bulaklak at saktong nasalo ko ito.

" Ito na ba ang hinihingi kong sign lord?" anang isip ko. Isang oras mahigit ang p-prusisyon pagod man ngunit napaka Worth it maglingkod sa Diyos.

THREE WORD'S, I LOVE YOU [ON-GOING]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu