CHAPTER 5

8 3 0
                                    

Casper's POV.

Naglalakad ako pauwi galing sa bar.

Haggard na haggard na ang beauty ko, my ghad. Grabe naman kasi ang trip ni Lily.

Pero hanggang ngayon iniisip ko pa din kung sya nga ba talaga ang gumawa noon kay sir Mateo at sa isa pang lalake.

Yes nakita ko mismo na sya yung lumabas doon pero hindi padin ako makapaniwala.

A 19 years old girlalu na nakakainggit ang ganda, crush ng maraming kalalakihan, may ganoong sekretong tinatago?

Anu yon? Sweet girl sa umaga, serial killer naman sa gabi?

Naglalakad ako ng parang pagong na naubusan ng lakas (Yes ganon kabagal mga beh!) nang may marinig akong kaluskos galing sa damuhan.

Naku po naman. Hindi ko na nga iisipin, baka ako ang isunod si Lily. Huhu I can't die! Di ko pa nahahanap yung one true love ko!

Maglalakad na sana ako nang maaninag ko kung ano ang bagay na gumalaw.

"Ash! Naku namang bata ka! Anong ginagawa mo dyan?!" Nagp-panic na sabi ko nang makita ko ang kapatid ko sa damuhan.

Yes. Yung loko kong kapatid ang andun, puno ng galos at mga sugat.

Agad ko syang hinila at pinagpagan.

"Ano bang nangyare sayo ha? Diba sabi ko dun ka lang sa loob ng bahay? Ineestress mo ako lalo eh." Sabi ko pa pero yakap yakap nya lang ang pusa nyang si Aloe. Malaki na ang pusang iyon at kasing tanda lang din ng kapatid ko. Yung pusang iyon din kasi ang nahanap ko sa gubat noong maliit palang ako. Namatay din kasi ang mama nung pusa kaya sabi ko aampunin ko nalang. Siamese cat ito pero hindi kumakain ng cat food.

"Sorry kuya..." Nakayukong sabi nito habang ang pusa naman ay naka tulog na sa balikat nya at hindi nagising kahit na ginagalaw-galaw ko sya.

"Ano naman ang nangyare dyan kay Aloe? Pinakain mo na ba yan? Baka Tom Jones na yan." Komento ko pa sa pusa nya pero naglakad lang sya paalis at mukhang papunta na sa bahay namin.

Napabuntong hininga na lamang ako at sumunod na sa kapatid ko.

"Hoy! Ash! Hintayin mo ko!" Sigaw ko naman dito.

...

"Anong mga happenings sa school?" Tanong ko kay Ash habang pinapakain nya ang pokemon nya haha.

Nagets nyo? Pokemon? Kasi pokemon hunter si Ash na kapangalan nya? Ah hindi? Ah sige.

"Hanggang kaylan mo ako hindi kakausapin Ash?" Seryoso ko nang sabi dito habang naghahanda ng pagkain namin. Pero kagaya kanina ay hindi nya ako sinagot.

"Ash." Tawag ko ulit pero hinahaplos nya lang ang pusa nya.

"Ash wag kang bastos ha–!" Sabi ko na at ihinarap ang mukha nya sa akin. Pero napatigil ako.

Ang mukha ng cute kong kapatid. Hindi na cute ngayon kasi mukha na syang asong puno ng pasa.

"A-anong nangyare dyan?" Nag-aalalang tanong ko pero iniiwas nya lang ang mukha nya sa akin.

"Ash! Sagutin mo ako? Binu-bully ka ba sa school nyo?" Tanong ko pero umiling sya at iniwan ako doon.

Mama... Ano bang gagawin ko dito sa kapatid ko?

...

Natulog nanaman kami na hindi magkaayos ni Ash. Sinubukan kong kausapin sya pero hindi nya ako pinapansin.

Be MineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora