CHAPTER 19

5 4 0
                                    

Casper's POV.

Sasabihin ko ba sa kanya o hindi? Naguguluhan na talaga ako.

Inisip ko lahat lahat ng oras na nakasama ko si Lily.

Yung unang beses na napalingon siya sa direksiyon ko at nagtama ang paningin namin.

Yung unang beses na pinansin niya ako sa bar para mapaalis yung mga humahabol sa kaniya dahil pinatay nya yung kasama ng mga iyon.

The way na kinausap niya ako na parang isa lang akong bagay na walang buhay. Hindi katulad ngayon na kung tingnan niya ako ay parang ako ang buhay niya.

Ang unang beses na marinig ko ang tawa niya sa malapitan at maamoy ang mabango niyang buhok na palaging naka lugay kaya nagmumukha siyang bruha. Sobrang gandang bruha.

Yung pagbabanta niya sa akin na papatayin nya ako kapag hindi ako tumigil sa pagsunod sa kanya.

Sa parang modelo niyang paglalakad na madalas nangyayare kapag papalayo sya sa akin.

Hanggang sa habulan namin sa hallway na hindi ko din alam kung bakit nangyare. Basta ang naalala ko lang ay tumakbo siya papunta sa akin kaya tumakbo din ako palayo.

Nakakatawa man kung isipin, pero simula ng nangyareng habulan namin noon, doon din nagsimula ang paghahabol niya sa akin. Yes, nakakaproud nga, napaka ganda ko talaga kaya pati mga lason ay humahabol sa akin.

Unang beses na pangungulit niya sa akin at sa unang pagkakataon na tinawag ko siyang bruhang mangkukulam.

Sa panahong pinagtanggol niya kami ni Ash sa principal's office, sa pagpapahiya niya sa akin sa hallway at sa paggulo niya sa utak ko dahil lang sa simpleng salita nya. Na sinasabing po-protektahan niya ako at ang kapatid ko.

Sa unang beses na halikan niya ako at hanggang sa pagk-kwento ko sa kanya tungkol sa batang lalake na una kong minahal.

Sa pagligtas niya sa akin mula dun sa kaibigan nila at sa pagluto niya ng hindi ko maintindihang pagkain pero para sa akin yun padin ang pinaka masarap sa lahat ng natikman ko. Nang dahil lang sa sya ang nagluto niyon at niluto nya iyon para sa akin.

Sa aksidenteng pagdampi ng mga labi naming dalawa sa simbahan at sa pag-amin niya sa akin kaninang umaga at sa pagsabi ng tatlong salitang hindi ko maiisip na masasabi niya sa akin.

Napahinto ako sa pag-iisip nang mag-sink in sa akin ang nangyare.

"I love you."

Naririnig ko nanaman ang boses niya habang sinasabi iyon. Naalala ko nanaman ang seryosong seryoso niyang mga mata na parang sinasabi din ang kaparehong mga salita kasabay ng sinasabi ng bibig niya.

Mahal nya ako.

Mahal ako ni Lily...

Lily's POV.

Sigurado na ako...

Mahal ko si Casper. Simula noon pa.

Pero hindi ko lang sigurado kung ganoon din ba ang nararamdaman nya para sa akin. O kung mayroon man akong kahit kaunting pag-asa na mahalin din niya pabalik bilang ako.

Bilang si Lily at hindi bilang yung batang lalake na nakilala nya dahil sa pagtakas sa mga humahabol dito.

Para akong tanga oo, dapat sinasabi ko na lang sa kanya na ako din naman iyon para matapos na ang problema ko pero hindi ko magawang gawin.

That time... I was so scared that I carried a scissor in my hand at tumakbong papunta sa pintuan na dinadaanan ng mga lalakeng pumipili sa amin. Habang ang iba kong mga kasama ay tahimik lang na nakatulala, naghihintay na sila ang ituro ng maduduming daliri ng mga lalakeng akala namin ay magsasalba sa amin mula sa impyernong kinalulugmukan.

Be MineHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin