CHAPTER 12

9 4 0
                                    

Casper's POV.

Maaga pa din akong nagising kahit pang hapon ang pasok namin ngayon. More like hindi pa ako nakakatulog ng maayos. Siguro si Lily ay hapon din ang pasok dahil hindi padin siya nagigising.

Naghanda na ako ng makakain namin at ang baon ni Ash.

Maya-maya lang ay bumaba na din yung kapatid ko.

"Kuya. Dito po pala natulog si ate Lily?" Tanong sa akin ng kapatid ko kaya tumango ako. Hanggang ngayon sariwang sariwa padin sa ala-ala ko ang mga nangyare kagabi. As in sariwa! Parang yung isda sa palengke na lumalangoy pa!

Dumeretso naman si Ash sa banyo at naligo na dahil may pasok siya ngayon.

Nagpatuloy nalang ako sa pagluluto at naramdaman ko naman na bumukas at sumarado ang pinto ng banyo. Which means tapus nang maligo ang kapatid ko at dapat na akong maghain ng kakainin niya.

"Kakain na." Tawag ko pero walang sumasagot.

"Meow." Biglang sulpot naman ni Aloe. Yung pusa namin at umakyat sa isa sa mga upuan.

"Mamaya ka pa kakain Aloe. Kami muna ok?" Sabi ko at marahang tinapik ang ulo nito. Tinitigan lang naman ako nung pusa gamit ang blue nyang mga mata na nakakainggit minsan. His color is a combination of black, brown and white. Black sa kalahati ng ulo at tenga niya at mga paa nito. White naman ang kulay ng natitira pang bahagi ng katawan niya at ang nags-separate naman sa dalawang kulay ay brown. Siamese cat kasi sya mga beh.

Oh di ba? Nakakaloka, mahirap lang kami pero yung pusa may breed. Pero hindi naman sya kumakain cat food, kumakain din sya ng tinapa, tuyo at sardinas. Medyo may katangdaan na siya dahil kasing edad lang ito ni Ash. Shalla!

Dumeretso na ako sa kwarto kung saan alam kong doon nagbibihis si Ash. Hindi naman ni Aloe kakainin yung nasa lamesa dahil gulay iyon at hindi kumakain ng gulay ang maarteng pusa.

"Ash kakain na." Tawag ko kay Ash pero bago pa man ako makapasok nang tuluyan sa kwarto ay natigilan na ako.

"Good morning, Cass." Inches nalang ang pagitan ng mukha namin ni Lily nang bumati siya sa akin.

Isip Casper! Dapat hindi ka na niya makulam ulit!

Nang makaisip ng ideya ay agad kong tinakpan ang ilong ko at ihinarang ang isa kong kamay sa bibig niya.

"Wak ka gag bagsalita dyad! Am baho nag hiniga bo! (Wag ka ngang magsalita diyan! Ang baho ng hininga mo!)" sigaw ko sa kanya habang iniipit ang ilong ko sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo ko.

"Ay. Mabaho ba hininga ko? Buti hindi mo naamoy kagabi no?" Paalala nya sa ginawa NIYA sa akin kagabi. Yes sya lang!

Nanlaki ang mga mata ko.

Napatawa naman siya at umiiling na lumabas ng kwarto na parang bahay niya ito. Sumunod naman sa kanya si Ash kaya sumunod nalang din ako dahil pumunta na sila sa kusina at kasalukuyan nang nilalantakan ang almusal na hinanda ko.

"Wala kang pasok Lily?" Tanong ko dito dahil kung wala ay papalayasin ko na sa oras na pumunta na si Ash sa school nila. Dyusme ayoko ng presence ng bruhang ito ditey sa balur!

"Mamaya pang 9:30. Bakit?" Nakangiting sabi niya habang ngumunguya ng pagkain. Alangan diba? Magulat kayo kung nguyain niya yung kutsara diba?!

"Wala kang balak umalis? I mean baka hinahanap ka na sa inyo." Sabi ko dito pero umiling lang siya bilang sagot at pinagpatuloy ang pagkain.

Tahimik na lang kaming kumain pagkatapos niyon. Yes tahimik pero yung utak ko hindi!

Bawat dampi ng kutsara sa labi ko ay naalala ko yung nangyare kagabi! Sinabayan pa ng pagdila ni Lily sa labi niya nang hindi inaalis ang tingin niya sa akin.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon