CHAPTER 8

9 5 0
                                    

Casper's POV.

Nagising ako sa sikat ng araw. Hayst di ko pala to nasarado kagabi.

Agad akong naghanda ng almusalan namin ni Ash at pumasok na sa banyo.

Pagkalabas ko ay nakita ko naman siyang andun at kumakain na.

"Oh? Anong meron at grabe ang ngiti mo dyan? Para kang kinikilig sa kanin." Asar ko sa kapatid ko na pangiti-ngiti sa kinakain niya.

"Hindi kuya. Naisip ko lang si ate. Magkikita kami mamaya." Natutuwa naman na sabi niya.

About padin pala ito dun sa ate na best friend daw nya. Kung makapagsalita naman sya parang may kikitain syang kung sino. Para siyang hindi grade 5.

"Oo? Saan daw ba?" Sabi ko naman at sinuhan na sya doon.

"Sa school po. Ligo na ako kuya." Sabi niya bago ko pa natanong kung bakit doon pero sa bagay. Baka nga naman grade 6 palang yung ate na tinutukoy nya.

Nag-ayos nalang ako ng gamit ko habang ito namang kapatid ko ay aligaga na at parang natatae na hindi mapakali sa kakaikot. Naunahan pa nga niya akong mag-ayos ng gamit eh. Hindi naman halatang excited nakakaloka.

"Una na ako kuya!" Sigaw niya at tumakbo na. Kita mo yung batang iyon. Nakalimutan pa yung baon niyang kanin.

Napailing nalang ako at naisip na ihatid nalang iyon sa kanya mamaya para naman masurprise sya.

Lumabas na din ako at nakita ko si Lily na naglalakad. Siguro ay papunta na din sa school. Pansin ko din na hindi niya kasama sila Chives ngayon at mukhang hindi siya late.

Agad akong lumabas ng makalayo-layo na siya at sumunod sa kanya. In case lang na may naisip syang gawing masama.

Buong akala ko ay papunta siya sa school pero huminto sya at lumiko at kinausap yung guard ng school nila Ash at agad naman siyang pinagbuksan nito ng pinto.

Eh? Anong ginagawa ng bruhang to dito?! Sa school pa talaga ng kapatid ko?

Well baka lang naman kasi may kakilala sya dito diba?

Para ako ditong tanga. Hindi na talaga ako makapag-isip ng maayos simula nung pinaglaruan nung mangkukulam na iyon ang utak ko!

Huhu yung utak ko.

"Good morning po." Tawag ko sa atensyon ng guard habang nakatingin padin Kay Lily.

"Good morning Sir. Andito din po pala kayo. Mabuti naman po. Kakapasok palang din po nung isa ninyo pang kapatid." Sabi naman nung guard sa akin kaya napapunta sa kanya ang atensyon ko.

"Kapatid?" Tanong ko. As far as I can remember... Wala na akong iba pang kapatid.

"Opo. Ayun sya." Ituturo palang sana niya sa akin yung kapatid daw namin pero wala na yun doon sa pwesto nya kanina kaya pinagbuksan nalang niya ako ng pinto.

Pumasok na ako at dumeretso sa room ng kapatid ko pero wala sya doon. Nagtanong din ako sa mga classmates niya pero hindi daw nila alam.

Asan nanaman ba yung batang iyon? Baka Naman nagc-cut yun ng classes ah? Nako talaga ic-cut ko buhay nya.

Nakita ko naman si Lily sa di kalayuan at mukhang papunta sya sa principal's office kaya naman agad akong sumunod sa kanya.

"Walang good sa morning ko. Anong magagawa mo?" Rinig ko agad ang malakas na boses ni Lily mula sa di kalayuan.

Pumasok ako sa office nang hindi kumakatok at nakita ko naman doon si Ash na nakahawak sa laylayan ng damit ni Lily.

"Kuya." Mahina niyang sabi matapos ako makita. Tiningnan ko naman siya ng masama and I shifted my gaze sa babaeng nakikipag-away sa ginang na kaharap niya.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon