CHAPTER 25

0 0 0
                                    

25. Party

Casper's POV.

"Casphy. Ready ka na pumunta sa party?" Bungad ni Hyacinth sa akin nang buksan ko ang pintusan ng bahay ko.

"Ah... Eh... Hindi na yata ako sasama." Sabi ko nalang sa kanya habang kumakamot sa batok.

Ang chaka ko kaya, wala pa akong ligo at pakiramdam ko hindi pretty ang eyes ko.

"Umiyak ka ba?" Tanong niya sa akin pero agad akong umiling at tinakpan ang mata ko.

"K-kaya nga hindi na ako sasama. M-may sore eyes ako." Pagpapalusot ko sa kanya pero narinig ko lang siyang mahinang tumawa.

"Wag mo na ngang masyadong isipin si Lily o yung mga sinabi nun. She's crazy." Tinanggal ko ang kamay ko na humaharang sa mga mata ko at nakita ko siyang tumatawa.

"Magbihis ka na, we will be waiting outside." Nagulat ako ng sabihin niya iyon.

Kasama nya ba si Lily?

"Lily and the others were already heading to the venue. Hihintayin nalang daw tayo. I'm with Joiace. Si Chives naman daw ang susundo kay Via." Paliwanag niya sa akin na parang nabasa ang iniisip ko.

"P-pero, walang kasama si Ash." Pigil ko sa kanya. Totoo naman kasi, hindi ko pwedeng iwan yung kapatid ko dito ng walang kasama.

"Gusto mo ihatid muna natin siya kanila Mrs. Alanis? I heard she's already feeling well na and I know that Ash would not be such a headache naman to take care of." Sabi niya kaya napatango nalang ako at wala nang nagawa kundi magbihis ng mabilis.

Ok naman sila Ms. Alanis eh saka close naman si Ash at ang anak niyang si Tintin, yun din yung batang palaging sumusundo kay Ash para pumasok o maglaro sa labas ng bahay nila o sa park.

"Kuya, saan tayo pupunta?" Tanong ni Ash sa akin na mukhang inaantok. Nandito kami ngayon sa kotse ni Joi pero si Hyacinth ang nagmamaneho, kami naman ni Ash ay nasa likod.

"May pupuntahan lang si kuya, Ash. Iwan muna kita kanila Tintin ok?" Sabi ko sa kanya kaya tumango naman siya. Madali lang naman itong pakiusapan eh mukhang excited pa nga.

Malapit na kaming makarating sa bahay nila Tintin at kulang nalang ay tumalon na ang kapatid ko mula sa sasakyang umaandar pa para lang makita na ang kalaro niya.

Napatawa nalang ako sa inasta niya.

"Saglit lang Ash, malapit na." Sabi ko pa sa kanya dahil nakadungaw na siya sa bintana at mukhang nawala na ang kaninang antok na nararamdaman niya.

Nang huminto ang sasakyan ay may narinig kaming maliit na boses ng batang babae na papalapit sa amin.

Binuksan ko ang pinto at ganoon din ang ginawa nila Hyacinth.

"Ash!" Sigaw nang batang babae na tumatakbo papunta sa amin dala ang teddy bear niya.

Lalabas na sana ako pero naunahan na ako ni Ash.

"Wag ka tumakbo!" Utos nang kapatid ko pero mukhang hindi siya narinig nung bata na malapit nang makarating sa kinaroroonan namin.

"Hah?!" Naka kumot-noong sabi nito bago pa siya madapa.

Tatawa na sana ako pero lumapit na sa kanya si Ash at pinalo pa ang ulo nang batang nakasubsob sa lupa.

"Lampa." Sabi niya pero tinulungan din naman itong tumayo at pinagpagan pa ang tuhod nito at matatabang pisngi na sumubsob sa lupa.

"Ang cute nila." Bulong ni Joi bago humagikhik sa balikat ni Hyacinth na nakangiti na din.

"Dito po matutulog si Ash kuya Casper?" Magalang na tanong ni Tintin sa akin habang naglililikot.

Be MineWhere stories live. Discover now