Prologo

13 3 5
                                    

Did you know the Tita and Mom things used to say when you have a job, unmarried, and 29?

"O, Aia kailan ka ba mag aasawa?"
"Aia andami mo ng ipon, mag asawa ka na."
"Aia, tingnan mo o, yung kaklase mo si ••••• may pamilya na, ikaw?"
"Aia, Tatanda ka n'yang dalaga."
"Sino mag-aalaga sayo pag-tanda mo, Aia?"
"-O kahit boyfriend na lang. Wala ba talaga?"

Sa bawat okasyon, at bawat pagtitipon ng mag-anak. Ito ang mga tanong ng mga tiyahing concern lang naman daw sa kanilang mga pamangking babae. Alam mo lagi kong ginagawa, kung hindi ako makikipag-plastikan ay lalayasan ko ang okasyon. Kahit sino pa ang celebrant, o event kung napapahiya ako, lalayasan ko. Hindi ako yung tipo na ie-entertain ko mga tanong niyo na hindi ako relate.

I have a life. To be honest, hindi pa ba living ang tawag mo sa babaeng professional na nagtratrabaho, at earning 6-digits annually? I also have a lot of time for myself like travelling on summer and Christmas. Not to mention, kontrolado ko ang oras ko dahil flexible ang trabaho ko. I'm an online professor para sa mga foreign university students. Nagtuturo ako ng Filipino at Spanish language sa mga students ko. Aside from this, I'm growing my money by investing to local stocks at 20 years of age. Am I not successful? Do women have to have family to be recognize as a successful woman?

I think it's a NO. We are a free-person and we are the ones to choose what's our lives going to be. Living single? or as a a family of two or three? Tayo lang ang makakapagsabi.

And when you're trying to ignore rude comments... Dito nasusubukan ang tatag ng tainga mo. Yung feeling na nag-aaral ka naman magluto ng 'di mo alam na lutuin tapos ang sasabihin, "kaya ka 'di nakakapag-asawa."

Um...Hello? Naubos niyo na yung ulam. Simot na simot niyo 'o. Tapos ganiyan pa ang way niyo para sabihing hindi masarap. Like, pwede niyo namang ideretsa sa akin. Narinig niyo yun, akin. Kailangan ba gumaling sa pagluluto para lang sa asawa? No, it's for self-satisfaction ng tiyan ko. Hindi ba talaga masarap ang ginataan kong gulay? Eh, naubos niyo nga. Mga hipokrita. Anyway, dahil mabait tayong tao sige huwag intindihin. Baka makasama pa tayo sa walang kasukdulang kasamaan niyo.

At least, hindi ko sila kasama sa bahay. Naka-bukod na ako kina mama since 23 years old. Ayoko naman maging pabigat pa sa bahay. May isa pa naman akong kapatid na nakatira sa kanila kaya okay na yun. Maliit lang naman ang apartment ko; sakto lang sa isang tao. Yung isa pang kuwarto ginagamit ko bilang office, at wardrobe. Hindi naman ako puro instant foods. Marunong ako magluto ng adobo, paksiw, nilaga, at... Basta yung mga madali lang lutuin. Pero yung mga sabaw-sabaw at sarsa na maraming ingredients, at may gata, hindi.

So ito, gumagawa ako ngayon ng papeles for visa application. Balak ko kasi magturo sa Japan for better treatment ng mga Filipino teachers. I could be an English teacher or so I hope. While filling up some electronic forms, I'm taking sips of latté from my coffee mug. Nakakangalay din naman na lagi mong kaharap ay laptop, pero may benefits din naman. Napansin ko na may tumatawag sa phone ko... si Dani. Sinagot ko ito pagkatapos ko tapusin ang forms na kailangan ko for visa application.

"Napatawag ka." una kong bati.

"Himala. Napasagot ka." parang 'di makapaniwalang sinagot ko tawag niya. May bahagyang pagtawa pa siya sa dulo ng mga salita. Ramdam ko na pigil pa ang pagtawa niya, siguro para hindi ako ma-offend pero rinig ko yun. Tinanggal ko muna salamin ko gamit ng kanan kong kamay at pinunas ito sa aking damit.

"Daniella." Tinawag ko siya sa pangalan niya, para malaman niya na busy ako.

"Anyway, Aia may reunion daw tayo sa susunod na Saturday. Sabay sa foundation week. So that's a week away. Punta tayo." pagyaya niya sa akin.

Nabalot ng katahimikan ang pag-uusap. Pumunta ako sa harap ng pader kung saan nakadikit ang kalendaryo ko. It's just to check my schedule. May night class ako para sa isang online course ko. Ang ibig sabihin, 'di ako makakapunta.

"Dani-" tunog ng magdadahilan.

"Anong sasabihin mo? Na 'di ka makakapunta? For work? For class? Ako na lang magbabayad ng time mo. Samahan mo lang ako." Pangungumbinse niya.

"Sabi mo 'yan 'ha. Then, I'll hang up na." saad ko. Gusto kong matawa dahil alam na alam ng kaibigan ko na 'to kung saan ako nanghihinayang kung hindi sa kikitain, sa ginagastos kong pera.

"Nagpromise ka na. No excuses after. Bye!" She ended the call.

Hinawi ko yung kurtina sa opisina ko. Palubog na ang araw at medyo madilim na sa labas. Kita na rin ang buwan na mahina pa ang ningning. Ini-off ko na rin ang laptop na kanina ko pa gamit para makapagluto na ng kakainin ko sa hapunan. Siguro mag-dede -lata na lang muna ako ngayon. Pagod na ako from all teaching materials na ginawa ko simula kaninang umaga. Buti na lang at wala akong klase ngayon.

Lumabas na ako sa kuwarto at tumungo sa kusina. Binuksan ko yung corned beef gamit abrelata at ginisa ito sa sibuyas at kamatis. Yung kanin ko? Kakainin ko yung sinaing ko nung tanghali, sayang at may tira pa. Hinaluan ko rin pala yung corned beef ng unting paminta para medyo may spice yung ulam. After ng ilang minuto, pinatay ko na yung kalan at naghanda ng mga kubyertos. Huy~ lalim ng word... At kumain na ako matapos ang pagluto.

I did washed the dishes bago ako mahiga sa kama. Napabuntong-hininga ako sa pagod. Inayos ko ang kumot ko at binalot ko na ang aking katawan nito.

"Ayts! Sino ba yung tumatawag?!" Inis akong nagising sa kama. I reached for my phone na nakalatag sa side table ng kama ko.

"Hello?"pagsagot ko sa tawag. Ang aga pa o, lilitaw pa lang yung araw.

"Aia! May family gathering mamaya. Your presence is needed. Mag-ayos ka para presentable." Oh... It's Tita Joyi. Isa sa mga tiyahing kong atat na atat sa single to couple development ko sa buhay.

"Ano pong okasyon Tita?"napatanong ako kasi wala naman talagang may birthday ngayon o anniversary na dapat i-celebrate.

"Family Gathering. Basta mag-ayos ka anak." Si mama na ang sunod na nagsalita at pumatay sa tawag.

Whatever they are planning, I'm not going to do what they had expected of me to do. Maybe I'll just punch them off with surprise... or not.

Nakikipag-usap na ako sa estudyante kong si Jazzie. She's a British student na nag-aaral ngayon sa Harvard. She's taking up Filipino language class online because she's eager to make more Filipino friends, and she's planning to visit the Philippines after graduation for vacation. Magta-take lang siya ngayon ng long quiz after nung last discussion namin tungkol sa panghalip.

"Thank you tea- . Ay sa-lamat po gina...ng Aia" she thanked me after our class today. Nagsend ako ng scores niya through e-mail. Then, that's the end.

Naligo na ako matapos. At dahil ayoko na dinidiktahan ako sa kung ano ang amoy,kinis ng kutis, at pananamit ko. I always make sure that I am at the best version of myself when meeting my aunties, and my parents. Naiimpluwensiyahan kasi si mama ng mga kapatid niya sa mga tanong-tanong. I wore a black dress with black mesh shoulder laces. I put on moisturizer, and tint for cheeks and lips. Gamit ko rin yung pabango kong amoy honey at vanilla. And I'm done.

Let's go!

Pinuntahan ko yung address na sinend ni Tita Joyi sa messenger. It's a restaurant for fine dining. Sosyalin talaga ang mga peg nial pag sinabing family gathering. I took a cab papunta doon nung quarter to six na. As expected, kumpleto na sila. Nakikipagchika si mama kay Tita Joyi, at si papa kay Tito Bando.

"Kumusta Aia, anak?" Nagmano ako kina mama at papa.

"Okay naman po. Para saan pala 'to Ma?"saad ko. Na kina Tita na ang atensyon ni Mama kaya hindi ko na inistorbo.

" At least, you're presentable enough. That's great Aia. " sabi nilang lahat sa akin. Inirapan ko lang sila.

Umupo ako sa pinaka dulong upuan katabi si Ana yung kapatid ko. Marami pang seats ang hindi occupied sa inupuan ko. Tatlo pang upuan. Mga 10 minutes after, may dumating at naki-upo sa aming table na 'di ko kilala. Tinapik ko nga sa Ana para itanong kung sinu-sino yung mga umupo at kung ano ang ginagawa nila rito. Pero hindi niya rin daw alam. Let's just wait for someone to speak.

" You must be Aia Denise Estrella, right? " naglaan ng kamay ang isang matikas na lalaki sa harap ko. Gusto niya yata makipag-kamay.

" Yes? And you are? " patanong kong sagot. Tumayo ako at kinamayan ko din siya pabalik. I faked a smile just for courtesy.

Alive By Said Words [ON-GOING]Where stories live. Discover now