Kab 2

10 4 1
                                    

"Add to heart mo na 'yan ate, si Denver. Oh bait na bata." Sumasama pa si mama sa kakulitan ng garutay kong kapatid.

"Pasensiya na. Mga atat 'no." Humihingi ako ng dispensa dahil sa hiya.

Ngayon ko lang napansin. Not that I'm not attentive sa tawag niya kanina. But he really does have a beautiful smile pag tumatawag o kaya nakangiti. Ang ganda lang. Eh ang mga kilala ko, jusko mababalot kayo sa kahihiyan.

"It's fine. Family will always be like that." pangungumbinse niya sa akin na okay lang. Pero ako 'di ako okay sa mga patama nitong family ko. Sumusobra na kasi minsan.

"I guess this is good bye. Nice to meet you, Aia. Maaga pa ako bukas." Kinuha niya yung gray na hoodie niya na nakasampag sa likod ng upuan niya. He then, kiss his mom's and his dad's cheeks. Bumulong ito sa kanila ng I love you. Ako lang ba ang hindi masyado nagsasalita ng tatlong salita na 'yan? Lumabas siya sa resto nagmamadali at nagpaharurot na ng sasakyan.

I think maasahan mo ang tulad niya for business deals at personal matters. Pero hindi natin alam malay mo, baka nag-eextort 'yan ng pera sa mga trabahador. Feeling ko mamahalin ang perfume ni guy o baka bumili ng knockout product sa kung saan.

Pero his mother seems a classy woman. Ewan ko kung paano nagtagpo landas ni Tita Joyi at landas niya. She's wearing a champagne dress. Medyo flowy ang cut niya sa waist hanggang paa. She's wearing minimalist jewelries. Hindi masyadong magara pero alam mong mahal. Mayroon siyang vibes ng rich-tita pero yung hindi masungit. Yung Tita na mabait at mapagkumbaba pa rin kahit may kaya na sa buhay. Ibang-iba kay Tita Joyi, ang tiyahin ko kasi may kaya din naman sila pero hindi siya gaano kabait. Suplada siya most of the times at ayoko na hinu-hook up niya ako for blind dates several times before. Meh...

Yung pinakita ni Denver na manners niya sa table. I think nakuha niya sa parents niya. Maayos at malinis sila sa hapag, at posturang-postura sa pagtayo't pag-upo.

"Ate, ang mata. Killer eye mo." Ani ni Ana. Wala nga tayong magagawa sa mata ko. Naturalmenteng suplada ang mga iyan. Hindi ko kasalanan na pinanganak akong may malditang mga mata. Anyway, hindi naman nakikita sa mata ang buong pagkatao.

I just roll my eyes out of irritation.

"How was he, anak?"lumipat si mama ng upuan para tanungin ako.

"He's fine. But I'm not marriage worthy, Ma." Strong-willed ako pagdating sa bagay na 'to.

"Hirap mong landiin, Aia." sumabat sa aming pag-uusap si Tita Joyi. Talaga nga naman...,
"Si Charles, ayaw mo kasi sabi mo mukhang matapobre. Si Adrian inayawan mo dahil sabi mo hindi mo reach ang level. At si Jonathan, ayaw mo sa kaniya kasi sabi mo too shy. Ano ba ang hinahanap mo?"

Andito na naman tayo sa ungkatan. Hindi ba kayo nahihiya? Nasa harap pa natin parents ni Denver. Okay lang sana kung wala. Ungkatan ng mga failed blind dates.

"Wala. I'm going to head home na rin po pala.  May lakad po ako bukas." Nakipagbeso ako kina Mama, at kinawayan sina Tita Lara. I glanced at Tita Joyi and smile.

Sinukbit ko na yung bag ko para makaalis agad. Tinapik ko si papa para mag-signal na aalis na ako. Sumenyas din ako na tatawagan ko sila soon. Balak ko rin kasi bumisita sa bahay ng mga magulang ko this coming Friday.

Sumakay ako ng taxi papuntang apartment ko sa may Pasay. Sa Alabang pa kasi yung pinili ni Tita na resto. Aabutan ako nito panigurado ng traffic. Habang na-stuck yung taxi sa traffic, binulatlat ko yung earphones ko para makaparinig ako ng music habang nasa biyahe. Pinindot ko yung "favorites" na folder na naglalaman ng mga paborito kong mga kanta. At ipinahinga ko muna ang aking mga mata. Nakakapagod magsuot ng heels para sa kaunting oras na igugugol ko sa hinanda ni Tita at ni mama.

Ang lamig sa loob. Wala pang sleeves ang suot kong dress. Ano ba 'yan? Ikinikiskis ko na ang aking mga palad sa aking braso para kahit papaano mainitan ako. No effect. Sana naman mapahinaan ni manong driver yung Aircon kahit kunti. Ang lakas kasi nung hangin na inilalabas ng Aircon machine ng sasakyan niya.

"Okay na po ba?"

Ah... Narinig yata ako ni Kuya, hininaan yung Aircon. Idinilat ko ang aking mga mata at sabay tumango sa driver na nagtatanong. Tapos ipinikit ko muli ang aking mga mata para umidlip. Nang makaramdam na ng ngalay sa batok, gumisng, at umayos na ako ng upo. I took a pic of the night city lights. Ang ganda lang kasi nung view na nahagilap ng paningin ko. I think that's a good way to end my day.

Mga humigit dalawang oras yung inabot ng biyahe kaya medyo malaki-laki yung binayad ko sa driver. Baka magreklamo pa kung bibigyan ko ng sakto lang sa pamasahe. Ayoko ng ganoon hassle kapag makikipag-alitan pa. Lumabas na ako sa vehicle. Bitbit ko na yung susi bago pa ako pumasok sa gate, at deretso ko nang sinarado ito ng kandado. Nilatag ko yung bag ko sa mesa ng kusina na unang nakikita pagpasok ng bahay. Dali-dali ko tinanggal ang strap nung heels para makapahinga ang mga paa ko, at tumalon ako paharap sa kama.

Hay... Yes! Nakakatulong na...

Hindi pa pala ako naghilamos ng mukha.

Napatayo ako bigla para maghugas ng aking mukha at para matanggal yung mga nilagay ko rito na unting make-up. Kinuskos ko ng maraan ang aking mga labi para mawala yung peach na tint. At dahil sa lamig ng tubig, nagising ang kaluluwa ko. Nawala na yung antok ko na gusto magpatulog sa akin kanina. Para antukin, nagbasa ako ng libro yung kay Cassandra Clare na city of bones. Pinag-ipunan ko 'to dati sa pagkakatanda ko. Sinuot ko ulit yung salamin ko para mabasa ko yung mga maliliit na titik sa libro.

Anong chapter na ba ako? Nasa'n na yung bookmark ko na resibo. Ah... 19 nga pala. Kalaban niya(Clary) na dito yung monster na si abbadon. At habang nagbabasa, mayroon akong kinuhang peppermint candy cane galing sa side table ng kama para may manguya lang habang nagbabasa. Hindi pa ako nagappalit ng damit dahil gusto ko mafeel yung parang yung mga picture sa Pinterest na late night reading in dress. Gusto ko lang siya ma-experience for myself.

"-no one ever warned me about the smell." natuwa ako sa character na si Jace. Kalaban nila dem*n, pero naisip pa rin niya 'to. Bothered siya sa amoy. Na-iimagine ko yung reaction niya ng sabihin 'yun. Hindi ko ma-explain kung paano basta parang nakakatawa lang.

Binitawan ko muna ang libro nang bukas at nagtungo ako sa kusina para magsalin ng tubig sa baso. Kung magpalit na kaya ako ng damit? Sige na nga. Pumasok na rin ako sa isa pang kuwarto para magpalit ng dress para sa purple t-shirt at shorts na terno. Naglagay din ako ng pulbos sa likod ko para maging presko sa pakiramdam bago matulog. Tatapusin ko na lang iyong chapter 20 nung kuwento tapos magpapahinga.

Alive By Said Words [ON-GOING]Onde histórias criam vida. Descubra agora