Kab 7

3 2 0
                                    

"Babalik lang ako." I felt something touched my forehead. Ang bango ng amoy. Nangangati na ang ilong ko kahit mabango yung amoy. I can't deal with scents.

Sumakit na naman ang ulo ko. Shocks...

Ang lamig pero comforting iyong upuan na kinauupuan ko. May narinig akong pagsara ng pinto. Sa tingin ko, sa kotse 'yun. Siguro pumasok na siya sa sasakyan. Pina-andar na niya ito at dinatnan na ako ng antok. Mabigat pa rin ang pakiramdam ng ulo ko. Nahihilo ng unti. Hindi naman siguro ako susuka nito sa kotse ng iba. Unless, kotse namin 'to nila papa.

"Where am I?"nakababa na kami sa sasakyan habang naka-alalay siya sa akin. Nagmasid-masid ako sa paligid kahit medyo blur ang paningin ko.

"You're place, Aia." Ani niya.

"You smell great. Ang bango. " Kanina ko pa 'to napansin pero mabango siya. Mukha naman ako nitong ewan sa pinagsasasabi ko. Napa-bahing ako ng wala sa Oras habang kaharap siya.

Pinagtawanan niya lang ako, "Lasing ka na." Nang isasandal niya sana ulit yung braso ko sa balikat niya. Hinawakan ko yung mukha niya. It's smooth, pero bakit parang may namamaga sa pisngi niya. Diniinan ko iyon para malaman kung ano ito.

"Ah."

Masakit yata.

"Ba't maga mukha mo?" Concern kong tanong. Nangingiti ako ng mga oras na ito.

"Wala 'to. It's nothing." Binaba niya na yung palad ko sa mukha niya. At inaayos ang pagkakasandal ko sa balikat niya. Ramdam ko na ginagabayan niya ang katawan ko sa bawat hakbang at kilos na gagawin namin para makapasok sa bahay ko.

"You should take care of that face. Gwapo."

______________________________________

"Hay!" I did a little stretching bago bumagon mula sa higaan ko. Medyo mabigat pa ang ulo ko pero kaya naman. Wala na yung pagkahilo nung gabi.  I notice something na nakasandal sa higaan ko. Ulo?

Sino 'to? Wait. Lalaki? Wala naman akong boyfriend para maghatid sa akin. Tsaka si Dani- Teka. Wala akong maalala sa ginawa ko kagabi. Hanggang kamustahan namin ni Ma'am Reg ang tangi kong naaalala. Sinundot ko ng daliri yung noo nito para masilayan ang buong mukha.

Denver?!

"Gising ka na pala." Na-aling pungatan si Denver dahil sa ginawa ko. May pasa pala siya sa pisngi. Gwapo sana.

Umupo na siya at inayos ang buhok. Wala naman sigurong nangyari 'diba? I mean, I still have my dress on. Wala naman din ako siguro ginawang kalokohan. May mga nakakalat lang na mga gamit. Napahawak ako sa katawan ko. Pumunta pala siya sa may parteng kusina ng bahay at kumuha ng isang basong tubig.

"It's warm water."

"Thank you." Nahihiya kong pinasalamatan si Denver.

Bumalik siya doon nang maibigay niya sa akin yung baso. Tumingin siya sa mga lalagyanan doon. Naghahanap siguro kung ano ang pwedeng makain.

"Sa kaliwa. Mayroon doon oats tapos gatas." Tinulungan ko na para hindi na magbukas ng ibang cabinet.

Kinuha niya ito at iyon ang pinrepare niya na breakfast. Namin. Dalawa. Habang binabantayan niya yung oats. Umupo ako sa may upuan at kinagat ang daliri ko.

"Aths.." Sakit. So, hindi ako nananaginip na andito nga talaga siya. Mabuti at hindi niya narinig. Inabot ko yung unan ko para mailagay sa dibdib ko.

Unbelievable, Aia. Nagpapasok ka ng iba sa apartment mo other than friends nd family. Siguro hindi naman siya masamang tao. Ano? I should still be alert kung sakaling may balak siyang masama. Nai-guilty ako sa pag-inom ko. Hindi naman kasi ako lasinggera. Low lang ang tolerance ko sa alcohol. Tapos magkakalat pa sa reunion. Hm... Kahiya.

"Denver, pwede ba ako magtanong?" Dahan-dahan kong sinabi ang bawat salita habang nanginginig yung mga daliri ko sa kamay. Nakatago ang mga ito sa ilalaim ng lamesa.

"Mmh?" He turned his face onto my direction habang tinataktak niya yung kutsara sa maliit na kaserola. Ito ay para simutin yung oatmeal sa kutsara nung naghahalo siya kanina.

"Curious lang ako. May mali ba kong nagawa kagabi? O may mali ba tayong -. You know." Gusto ko na lang mag-palamon sa lupa. Napatago ako sa unan na hawak-hawak ko. Pumikit ako ng papalapit na siya sa akin.

"I didn't. You did. Anyway, kumain ka na lang muna. Mamaya na natin pag-usapan kung paano ka makakabawi." Ginulo niya lang yung buhok ko at inilatag sa mesa yung kaserolang maliit. Nakangiti ang g*gi.

Pinaghatian namin yung oats na niluto niya sa gatas. Lagot ako nito sa sarili ko. Hindi na nga ako iinom. Last na 'yon. At least naranasan mo na uminom, Aia. Tama na yung apat na beses na na-try mo uminom ng alak. Nanginginig yung kamay ko habang pinupuno ng oats ang kutsarang gamit ko.

Kung sino man ho ang nakakaring sa akin. Please, kunin niyo na ako. I cannot. Sobra akong nakakahiya. Shemay... Sumisigaw na ako sa loob ng utak ko sa hiya. Pero ano kaya yung ginawa ko 'no? Hindi naman siguro ako ang pasimuno n'on. Teka... Ako ba yung gumawa ng pasa sa pisngi niya? Nasapak ko ba siya? Dahil ano? May nangyari ba? Ano ba? O tumama lang yung ulo ko sa mukha niya kagabi? Baka hinalikan ko siya. Oh my. Napahawak ako sa mga labi ko.

Nakita niya yung pagtouch ko sa labi ko. Kaya mabilis kong binaba yung isa kong kamay na napadikit dito. Nahalata ko yung patago niyang ngiti sa labi. Shocks... Nakakahiya na 'ha.

Paano kung ako talaga yung nag-initiate? Alcohol makes me do mistakes. Haha. Did I take his virginity away? Kahit ano pa 'yan, may ginawa daw ako. I really have to take responsibility 'diba kung meron nga. Sige, mag-iisip ako ng paraan how to deal with this scenario.

Umalis ako sa aking kinauupuan at pumunta sa banyo. I dial Dani's number. Kasi siya lang ang mahihingian ko ng advise tungkol dito. Siya lang yung friend ko na alam kong tutulungan ako.

"Dani."pabulong kong tawag sa pangalan niya ng suamgot ito.

"What? Aia." tugon nito.

"Pano ako? Denver did took me home. Sabi niya I did something I should be sorry of. Anong gagawin ko?"naaawa na ako sa sarili ko. Ako pa dapat ang bumubulong sa sarili kong bahay dahil na andito si Denver. Ayoko marinig niya pag-uusap namin. Alam ko tatandaan niya ang sasabihin ko para asarin pero bahala na.

"I don't know. 'Yan na kasi sinasabi ko sayo tumigil ka na sa shots. Hindi kita mabibigyan ng advise single kasi ako." Parang pinapalabas niya na hindi na ako single. Ang galing niya mag-advise. Bilib na ako sayo friend.

"Aia. Mahalin mo na lang kaya siya." ang ganda talaga nung suggestion 'no. What? E hindi ko nga yun kayang gawin.

"No!" Napalakas yata yung no ko. Kumakatok na si Denver.

"Aia?" Tinawag niya na yung pangalan ko at ini-off na ang tawag.

Ngumiti ako sa kaniya at matuling akong bumalik sa aking kinauupuan. Subo lang ako ng subo ng oatmeal. Feeling ko may na-stuck sa lalamunan ko kaya uminom agad ako ng isang basong tubig.

"Take it easy. Marami pang tira 'o." mahinahon niyang sinabi.

Anong take it easy? Hindi 'to easy. Wala na ba akong ibang choice? Kung hindi yung kasal? That's the only thing, a rational person could think about this situation. Nagbuhos ulit ako ng tubig sa baso. Nang maubos ko na ito ay nagsalita na ako to break off the silence between us. Nakakapangilabot na 'eh.

"Alam ko na kung paano ako makakabawi sayo."

"Paano?"

"Kasal. I have to be responsible for what I did, 'diba?"

Taray. Sinabi ko talaga 'yun? Ediwow.

Alive By Said Words [ON-GOING]Where stories live. Discover now