Kab 1

12 3 1
                                    

"Denver Ian Castillo." mahinahon niyang sagot sa tanong ko.

From first impression, pormal siya magsalita. He's quite a gentleman kung io-observe ang actions niya. Pero 'di natin alam baka loko-loko rin 'to gaya ng mga lalaki sa generation na 'to. Judgemental ang ate mo. Looks... mmn... okay may itsura naman. I think he's timid, so maybe he's just faking the goody-two-shoes attitude. Naka-polong puti na nakatiklop hanggang sa may siko. Naka-black pants na straight cut, at brown suede shoes. Mayroon din siyang suot na wrist watch na mukhang mahal. Yung mga pang business man na tipo yung relos.

"Ate!" Pinalo ako ni Ana sa hita.

"Ano?!" pasigaw kong sinabi. Nagulat kasi ako sa ginawa niya. Lumapit siya sa tainga ko, at binulong ang: " Grabe ate. Ang sama ng tingin mo. Parang papatayin mo yung guy sa tingin. Brows down lang."

Ay, pasensiya. Maldita lang po ang mata.

Umayos ako ng ekspresyon ko sa mukha. At naglaan na din ako ng oras sa pagpili ng mga pagkain na kakainin ko.

But wait... He's taking initiative to let everyone have their food on their plates. Since, libre 'to ni Tita Joyi, kakain ako ng marami. I'll have kare-kare and binagoongan. Hindi kasi ako marunong magluto ng dalawang ito kaya susulitin ko ang pagpunta rito. Inabot sa akin ni Ana ang rice platter para makakuha ako ng kanin. At dito na nagsimula ang pagsasalo-salo ng pamilya, at ng tatlong bisitang 'di ko kilala. Kumuha pa ako ng dalawang lumpia at isang sandok ng pansit. Kumakain at tahimik lang ako sa tabi, pero hindi ko pa rin mawari kung ano ang dahilan at na andito kami.  Matapos kung lasapin ang sarap ng mga kinuha kong pagkain ay uminom na ako ng tubig, at nagpunas ng aking labi.

Tatayo sana ako dahil pupunta ako ng CR, nang magtanong si mama kung saan ako pupunta.

"Sa CR lang po." saad ko. Patuloy na akong naglakad papunta sa restroom ng resto. Batid ko na tumayo si Denver sa kinauupuan niya.

Sinaraduhan ko ang pinto ng CR pagpasok ko rito.

" What are they planning? Hindi ko makuha kung ano ba ang dahilan kung ba't andito ako. Kung bakit na andito kami. " Nag vevent-off ako ng inis sa loob.

"Let me tell you why."

"Ay put*." Napatakip ako ng aking bunganga. Malakas pa yata pagkakasabi ko ng mura. Nakakagulat naman kasi itong si Denver. Hihikain ako sa ginagawa mo. Pero positive ako na siya yung nagsalita sa labas.

"It's Denver. Naandito lang naman tayo dahil gusto ng Tita mo na kaibigan ng mama ko ikasal ka. Yung mama mo, she wants the same thing for you. Kuha mo na, Aia?" detalyado niyang paliwanag. Ang hinahon ng boses nito para sa isang tao nagkukuwento ng chismis.

I get it.

"Akala ko sa mayayaman lang nangyayari 'to. Gising, Aia. Baka nanaginip ka." Sinampal ko sarili ko.

Sino ba kasi ang maniniwala? Eto. Yung nangyayari sa akin ngayon, nababasa ko lang 'to sa libro. Hindi kami mayaman at mas lalong wala kaming lahing Chinese para magkaroon ng arrange marriage sa pamilya. Duh... Kalma lang. Huwag mong damdamin at baka sumakit ang dibdib mo, Aia. Breathe.

"Is this what you want? Sapilitang kasal?" Gusto ko lang malaman kung sang-ayon ba siya sa ginagawa ng mga magualng namin, at pakialamera kong Tita.

"Para matigil na sina mama at papa. Oo." sagot nito. Ang boring naman nitong sumagot. Parang wala lang sa kaniya. "Pero don't worry , I'll make sure na hindi ka na nila bibiglain. " Dugtong nito.

Talagang! Gibberish~blah blah nila bibiglain. What? 

Mukhang napipilitan nga talaga siya. Halata sa boses niya na ayaw niya rin. Pero dahil nga siguro sa pressure ng family, umoo siya sa set up na ito. Even I, I am considering this marriage.

Binasa ko muna yung mukha ko dahil baka guni-guni lang ang lahat. Pinunasan ko rin ito gamit ng blue na panyo ko na kinuha ko galing sa shoulder bag kong white.

"Umusog ka muna. Lalabas na ako. Baka matamaan ka ng pinto." paalala ko nang bubuksan ko na ang pinto.

He gave me this look na parang naaawa siya sa akin. For what reason? I hate that look. Hindi tayo magkaano-ano at hindi tayo connected. Dumeretso pa rin ako sa upuan ko. Nginitian ko si Ana na sobrang mapanghusga ang titig sa aming dalawa este sa akin at kay Denver. Hindi pa man niya naibubuka ang kaniyang bibig dinig ko na ang " Huyyy... " sa isip ng kapatid ko.

" O magtanungan na kayo, Aia. Denver. " ika nga ng mama ni Denver at Tita Joyi ko.

Sinimulan namin sa simpleng tanong ng edad. I said I'm 29, and he's 28. Mas bata siya sa akin ng apat na buwan according to him. He shared that he's working as a district supervisor ng laundry business nila sa Las Piñas. Siyempre sinabi ko rin na online professor ako teaching Filipino and Spanish language under US-Asia Youth Organization  Online Courses. Isa itong website. He's earning 20, 000 php monthly. Pero kung isasama pa raw yung laundry products na bago sa business nila (project niya). Mga 50, 000 php daw ang kinikita niya per month. Above half a million na yun sa isang taon. Shinare ko rin na 28, 833 php ang suweldo ko. He's very attentive daw sa business nila. I also replied that I'm a workaholic.

"What are you doing during day-offs?" sunod ko naitanong.

"Reports!"-he   "Master's degree!"-me

Jinxed.

"Uy... Parehas silang always busy." Pang-aasar ni Ana na siyang kinatuwa nila mama, Tita Joyi, at Tita Lara (Denver's mom). Kinurot ko si Ana sa pisngi ng madiin.

" Si ate talaga. Nagbibiro lang 'no. " Tinanggal niya yung madiin kong mga daliri sa pagkakakurot sa pisngi niya. Tiningnan ko din siya ng masama. Hinaplos niya yung pisngi na pinanggigilan ko.

Ayun na nga. Nagpatuloy yung chikahan ng mga magulang namin at ng Tita ko. Ganoon din kami sa aming pinag-uusapan. He asked me if nagka-boyfriend na ba ako before, and I confidently answer N-O.

"Eh ikaw?" ni-reverse card ko rin yung tanong niya sa kaniya.

"Just one. " komportable niyang sagot.

" 'Di nga?! Totoo?" I just want to tease him a bit. Hindi naman kasi ako masyado naniniwala na sa mga ganitong claims. Usually, guys want to date all the girls to find the one for him. Hindi naman nga lahat pero bihira lang yung isa lang ang naging ex. It's a rare finding.

"It's true. Date to marry akong tao." pagdidiin niya.

"Ay! ho. 'Te grab mo na." sumisingit talaga ang batang Ana. May pataas-baba pa ng kilay ang babae.

Pinakita ko sa kapatid ko yung kamao ko na gusto na siyang tamaan. Yung biglang nag-lie low sa pang-aasar.

Alive By Said Words [ON-GOING]Where stories live. Discover now