Kab 5

7 2 0
                                    

"Asensado ka na talaga Enzo!" Nakipag-kamay si Dani sa kaniya habang inaayos ko ang damit na suot ko.

"Makikita mo si Clyde sa may bandang yun."

"Oo?" curious talaga ang babaeng 'to pagdating sa crush niyang si Clyde. Since junior year gusto niya na ang lalaking iyon. Well, matalino naman kasi at may itsura na pang-artista. Yun kaya ang pambato namin sa Mr. Intrams noon. Sa bali-balita, isa na siyang video game designer. Love life niya? Don't know.

"Hi!" I ended their little conversation by greeting him. Sinundan ko lang ang kaibigan ko papasok sa loob kung saan mayroong mga pagkain at alak.

Let's not get friendly-friend with the haters.

Ang una kong tinungo ang drinks station ng buffet. Si Dani pumunta doon sa mga dati niyang kapwa club members sa Arts club. Ako? Agad kong hinawakan ang isang red jelly na nakalagay sa maliit na baso. Nakita ko kasi na iyon ang pagkain na nag-uunahan ang mga bisita. I ate a spoonful of it.

Oh... I see. Nginuya ko lang yung jelly na nasa bibig ko kahit alam ko na kung bakit nag-uunahan ang mga tao para dito. Simple... these are jello shots. May nakahalong gin sa red jelly. I don't know kung may fruit juice bang kasama 'cause I'm tasting citrusy flavor sa kinain ko. Medyo may pagka-crisp yung gilid ng jelly. Pero in fairness, masarap siya. Yun nga lang, Akala ko jelly lang na ordinaryo. I'm not expecting this.

At napa-3 cups ako nung jello shots. Marami naman yung supply.

"Got life problems? 'Cause by how you're leisurely having these shots makes me think you do have... problems."

At sino naman 'tong pakielamero. Busy na nga ako sa sarili kong mundo sa table. Nakiupo pa. I think he's holding a glass of alcohol. Hindi ko lang alam kung ano ang nakalagay dito.

"No. I'm just enjoying these before I'm tied with a lifetime commitment."

"You know that's a problem." Medyo blurry na paningin ko dito kaya hindi ko mawari kung sino ba itong kausap ko. Dinadaan pa ako sa inglesan. Humigop siya sa kaniyang inuman.

Let's just ignore him, Aia. Tumingin ako sa mga nagkukumpulang tao sa may bungalow para umiwas sa tingin niya. Masakit na ulo ko ng mga oras na ito kaya I can't just spare a second dealing with someone na nangingialam.

"Gan'on ka pa rin pala. You still hate me."

Ha?

"Aia? Aia?" The same man was calling me by my name.

Nablablangko na ako.

"-san kayo?"

May nakaalalay sa akin sa bewang at nakagabay ang kamay niya sa kabialng balikat ko para mapanatili akong nakatayo.

"Aalalayan ko lang siya papunta sa CR." Again, the same male voice was talking.

Pansin ko na totoo siya sa mga sinabi niya kasi naglalakad kami patungo sa CR for females use only. Hanggang sa pintuan niya lang ako sinamahan. I came inside the cubicle.

Naghilamos ako ng mukha to wake myself up.

Shocks. Nakakahiya ka Aia.

Sino kaya 'yung gumabay sa akin punta dito? At least makikita ko na kung sino. Piangsasampal ko yung mukha ko para gisingin ang sarili.

"You're finished." Ika nung lalaki na nakatitig sa lupa bago ibaling ang titig sa akin. Nakasandal siya sa may poste habang hawak ang isang cup at ang bag ko sa tagiliran niya.

It's...it's Denver?!

Napahawak na lamang ako sa bibig nang masilayan ko ang kaniyang mukha. Anoa ng giangawa niya rito? Hindi ko siya kaklase at hindi ko siya ka-batchmate. At kahit na medyo lasing ako ngayon, I know that's he's not from our school.

Alive By Said Words [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon