Kab 8

3 2 0
                                    

Nagulat siya sa mga sinabi ko. Nabulunan 'e.

"You're...serious?"

Ba't parang ayaw niya? Ay hindi. Hindi ako seryoso, "oo nga po."

"I can just pretend that nothing happened, right?"

Ikuwento mo muna kung ano ang nangyari sa mahaba at malamig na gabi. Para malaman ko kung ano ang next move ko. Nagkatitigan kami tapos bumuhos na yung tawa niya. I hate this. Nagtitimpi na ako tapos ikaw ano ginagawang biro lang. Grabe.

"No. As a responsible person. Sige, tatanggapin ko na yung kasal. Yung gusto ng mga pamilya natin." Kapag ako, nagbago nang isip. Hindi ko na alam ang gagawin. Mukhang delikado na ang pagpa-Japan ko nito. Bahala na si batman.

"Don't say anything nonsense. Kumain ka na. Hang over lang 'yan." Pinaglagyan niya pa ko ng oats sa mangkok na gamit ko.

Siya lang ang naaaliw at kalmado sa mga nangyayari.

Okay. Fine. Kakain muna ako. Bubusugin ko muna ang tiyan ko baka magkalaman pa utak ko. At makapag-isip pa ng ibang paraan. Kaso nilantad ko na yung offer na kasal.

"Ikuwento mo nga kung ano yung nangyari para alam ko rin. Para alam ko rin yung gagawin ko." I pleaded.

"Okay."

Medyo wala daw ako sa sarili. So papasok na sana daw kami sa pinto. Nang tumigil siya para ayusin yung bag ko na sukbit niya sa balikat. Inamoy-amoy ko daw siya sa leeg. Oh my gosh... Anak ng p*t*. Hindi na talaga ako iinom. Never again. Ang tanda ko lang is may mabango akong naamoy kagabi. Siya pala 'yon. Magpapakain na ako sa lupa. It's so embarrassing.

I-push ko na ba yung kasal? O bawi-bawi?

Tinatawanan lang niya ako habang ako nakapulupot na yung katawan sa upuan. Nakatakip na yung mukha sa unan. Nababalot ang aking body ng kahihiyan.

"Seryoso ka ba? Kasi parang joke lang sayo." Ehem... Pasensiya naiinis na ako. Medyo kumukunot na ulo ko at tumataas ang kilay ko sa kanan.

"Totoo 'yon. Why would I make things up?" depensa niya.

Kung sabagay, may point nga naman. Bakit siya magsisinungaling e' hindi naman kailangan.

Pinagpatuloy niya yung istorya. Mahirapan lang daw siya sa pagpapainom sa akin ng gamot kasi ang likot ko daw habang pinapainom. Lagi daw ako nakahawak sa ulo ko na nahihilo. Tapos ayun nag-stay na lang daw siya sa bahay kasi wala daw ako sa kapakanan na kaya kong protektahan ang sarili ko. Echos... Binantayan niya lang daw ako. I need to repay him somehow.

Nang matapos na kami kumain... Natagalan kasi nag-usap agad. Nagpalit ako ng damit sa kabilang kuwarto. Iniligpit niya naman yung mga pinggan at hinugasan ito. Nagsuot ako ng pambahay na tee shirt at pajamas. Binitbit ko na rin yung first aid kit ko para kunin yung cold compress pack. Nilagyan ko ito ng yelo sa loob at ibinigay kay Denver. Para ma-agapan yung pasa niya sa pisngi.

Nakaupo pa rin siya sa may upuan. Lumuhod ako para sakto lang yung height ng ulo niya sa akin. Nakakapagod naman kung yuyuko ako 'no. Masakit yun sa bewang 'pag tumayo ako. I can feel his breathing dahil sobrang lapit namin sa isa't-isa. Kabado bente si ako sa mga nangyayari. Jusko.

"Saan pala galing 'to?"

"Wala. Tumama lang kagabi while picking you up." pagdadahilan niya.

Hindi ako naniniwala. May nakaaway 'to. Ayaw niya lang sabihin na natalo siya. Kung sabagay, nakakailang naman kung sasabihin mo na natalo ka sa away sa isang babae 'no.

"Diinan mo na unti. Ilapit mo sa pasa. Hindi 'yan mawawala sa ginagawa mo." Saad ko.

Kinuha ko sa kaniya yung cold compress at diniin doon sa pisngi. Pansin ko kasi na inilagay niya ito malapit sa may jaw part niya. Hindi niya itinutok yung cold compress sa pisngi niya mismo. Nasaktan yata kasi paglipat ko nung compress ng puwesto nag-react yung face niya. Ngumisi siya ng maraan.

"Don't move. Dapat sa may mismong pasa." Hawak ko pa rin yung cold compress. Wala ito sa plano.

"You're making another mistake by choosing marriage for something trivial." Ani niya.

"Masyado kang seryoso. Para sa ikakatahimik ng isip mo. Let me clear that the punishment or repayment thing is a joke. Hindi ko gagawin yun sayo. " Dugtong niya pa.

Eh?ano?

Ramdam ko yung pagtaas ng dugo ko. Like, problemado na ako tas sasabihin niya joke lang lahat. Nadiinan ko yung pack sa pisngi dahil sa kulo ng dugo ko. Binitawan ko na rin matapos at pumasok sa kuwarto ko.

Nahiga ako sa kama ko. Huminga ako ng malalim at nag-isip. Loko rin 'tong lalaking 'to. Matapos kong ibagsak yung kasal na offer sasabihin niya na biro. Wait... pumapayag na ako? Bakit parang sa mga kadahilanan ko sa isip bakit parang gusto ko? Nakakapanindig balahibo. Sabay sa pangingilabot ko ang panginig ng katawan ko. Mas mabuti 'diba kung hindi. Iyon ang gusto mo, ang hindi maitali sa isang tao. Nakakasakal yun. Oo nga, tama. Let's just be grateful na hindi na matutuloy ang kasal.

Labas na ako. Bubuksan ko na ang pinto pagpihit ng door knob ng nauntog si Denver sa pinto. Pansin ko ito dahil parang na out of balance siya sa pagbukas. Bakit kasi diyan sa nakatayo? Mabuti nga 'yan at ng mahimasmasan sa mga giangawa niya. Kaso may pasa siya.

"Don't worry. Kakatok lang sana ako at magpapaalam bago umuwi. And uhm- sorry." Matino niyang sambit. Base sa tono ng boses niya ay may nahalata akong hint of sadness.

Hindi ako sigurado.

"Ah. Okay! Pinapatawad na kita." Kailangan ko sumagot sa usapan.

"Quits na tayo." Bakas sa mukha niya ang pagkawala ng pangangamba. Lumapit pa rin siya sa akin at, "Sorry again. Hehe." hinalikan niya ako sa noo. At tulyan na siyang umalis.

Napalunok ako ng hangin sa lalamunan ko sa ginawa niya.

"Bago ko makalimutan. Please take care of yourself."

Nag-init ang aking mga pisngi. Oh my, Aia, hindi mo siya gusto. Pangungumbinse ko sa aking sarili. Ito ay habang hinaplos ko ang aking noo. Hindi ko siya gusto. We only know each other for what like a week. So why my heart is beating so fast? Hindi ako sanay sa mga ganitong ganap sa buhay. Hindi naman ako siguro aatakihin ng hika 'no? Ang hirap kasi huminga kapag mabilis ang pagtibok ng puso. Kung makikita ito ni Dani masasabihan ako nitong marupok.

I puff my inhaler into my mouth para pakalmahin ang sarili. At huminga ako ng malalim.

Alive By Said Words [ON-GOING]Where stories live. Discover now