Kab 3

9 4 0
                                    

"Good morning, Ms. Estrella! I will be sending you the list of the students who have applied for learning the Filipino language later this afternoon. The administrator will conduct a meeting soon, and I hope you will be able to attend. It's very important. " ani ni Ms. Roch. Isa sa mga US-based professor nag-aasikaso ng online course student application.

" Thank you for the heads up, Ms. Roch. I will do so. " pagpapakita ko ng pasasalamat.

The zoom call ended pleasantly.

Chineckan ko sa to-do list ko yung pagtawag ni Ms. Roch. Kailangan ko naman magfocus sa research ko para sa masteral. Mag-title defense pa lang kami sa sabado kaya dapat prepared na ang chapters 1 to 3 nung research. Evaluation type ang ginawa ko since language naman ang forte ko. I graduated with a foreign studies degree tapos nag undergo din ng teacher's program para maging guro. Naghahanap na ako ng mga pwedeng gawing references para sa RRL nang may kumatok sa pinto ko.

Sinilip ko kung sino, at si Dani pala. May dala-dala siyang paper bag na malaki. At aba nakabihis talaga ang babae. Pinapasok ko na siya pagka-confirm ko ng identity niya.

"Aia! I miss you!" niyakap niya ako pagkapasok niya. Ako? Nawindang sa kinilos niya. Akala mo hindi nagkita ng ilang yaon, e magmeet up pa lang kami magkaibigan sa isang coffee shop 2 weeks ago.

Umupo siya sa may kusina deretsong sala na rin kasi iyon. At binaba niya ang paper bag na dala niya. Uminom ng tubig sa baso at tumingin-tingin sa paligid.

"Ganito ka pa rin pala, Aia. Malinis at wala masyadong arte sa gamit. You gotta enjoy life while you're young!" saad niya. Kumpara naman sa akin, model at endorser ang trabaho ni Dani.

Kahit parehas kaming foreign studies student, she's pursuing her childhood dreams. She wants to be an artist kaya siya pumasok sa modelling. Me? I really want to be a world traveler pero may stable job na mapagkukunan ng panggastos. But I can't go outside the country for now. Mahal magpa-ibang bansa sa kalagayan ko ngayon. Pilipinas pa lang ang nalilibot ko. Still, gusto ko makaabot ng Europe at iba pang mga bansa.

"So, anong plano nila sa reunion? " Umupo ulit ako sa lamesa ko sa office ng bahay ko. Nakabukas lang ang pinto para makita ko si Dani. Nagscro-scroll ako ng links sa Google scholar para sa references.

"Ayun, sa school daw ang meet up pero sa venue na tayo dederetso. Tapos gusto nung mayayaman sa Crimson Hotel ganapin yung event. Yung iba, nagsasabi sa farm na lang ng family ni Enzo kasi may function hall naman, and it's a great place." kuwento niya.

Base sa tono ng kaibigan ko na 'to, gusto niya sa farm na lang ng former classmate namin. Totoo naman na maganda dun kasi nakapunta na kami dati doon.

" –odification of speech language approach to... " binabasa ko yung introduction ng isang paper sa net.

Rinig ko ang pagtayo ni Dani na naglalakad papunta sa office ko. She's surprisingly curious sa ginagawa ko. Tinanggal niya yung progressive eye glasses ko.

"What now?" tiningnan ko siya ng masama.

"You're the prettiest one sa batch natin. Don't ignore yourself, friend. Huwag puro trabaho. Enjoy life."  Payo niya sa akin. It's true na ako yung laging muse noon, but being pretty won't feed me food. Hindi lang ako masyado nag-aayos unless kailangan talaga.

"Ba't hindi mo kaya i-try mag-modelling? " she blurted out non-sense.

"Not my cup of tea." It's not my thing.

"- believe you're going to be amazing." She's murmuring something at my back pretending to whisper.

Wala akong magagawa sa bagay na 'yan. If it fits me, so be it. Pero gusto ko ng stable ng trabaho for stable income na rin. 'Pag dating kasi sa modelling, contracts are life. At kapag walang kumuha sayo for a show, o kaya shooting wala ka ring kita. Kung papasok ako sa field ni Dani, I'd rather be a staff behind. At least regular ang sahod at hindi ka maghahabol sa trabaho. But I would be lying if I said, I don't want to be the person I was before. I was just too busy making my own money to be stable. Stability ang pinakagusto ko sa buhay.

Isa pa, kuntento na ako sa kung ano ako ngayon. Pero minsan napapaisip din ako na what if iba ang tinahak kong daan? Would I be more successful? Hindi ko pinapabayaan yung mga ganitong thoughts sa utak ko magtagal. Lagi ko na lang iniisip na this is what I've chosen kaya dapat ipagpatuloy ko at i-explore na lang ng maigi, at hanapin ang saya sa pakikipag-usap sa ibang mga tao.

" Basta after mo matapos 'yang ginagawa mo... Sasama ka sa'kin. " mukhang nag-uutos ang prinsesa. Much more on nangungonsensya.

I'm saying no kasi hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ang hilig kaya ng kainigan ko na 'to manghila at kung saan-saan na lang mapapadpad.

"No." Taray, ang firm ng sagot.

" Hindi naman tayo magsho-shopping. Ano lang, uhm... ano... yung mga sponsored clothes galing sa clothing line na pinag-modelan ko darating. I'll just take 5 out of it. I'll give the rest of it to you." pangungumbinse niya. Marami na raw kasi siyang damit. Eh sa ilang taon ba naman niyang trabaho ang pagmo-model may nakukuha siyang complementary gifts.

"Puno na wardrobe mo, 'no?" Pabiro kong tanong.

She nodded.

I gave her my wifi password kasi feeling ko mabo-boring na siya sa paghihintay na matapos ko yung ginagawa ko. Anyway, review of related lit na lang naman ang inaatuoag ko. May rough draft na akong naisulat for chapter 3. Kumbaga ire-revise na lang. Nakapag-desisyon ako na tatapusin ko lang muna hanngang RRS tapos aalis na kami ni Dani.

Tinuon ko muna ang pansin sa laptop. Nakabukas kasi yung pdf file na tungkol sa speech development. Binasa ko ito habang nagte-takedown notes ng mga key points ng dokumento. At ang pinagdiskitahan naman ng kanigan ko yung lalagyan ko ng damit. Dinig ko ang paggalaw ng mga hanger sa sinasampayan. Yung metal na kumikiskis na masakit sa tainga.

"You never wear your clothing style. Nakatamabak dito o. " Ani ni Dani. Sa totoo lang, tama naman siya hindi talaga ako nagbibihis ng style ko kapag ordinaryong mga araw. Yes, I always miss wearing my clothes. Pero gaya ng sitwasyon ko ngayon, na always at home ang trabaho syempre sa bahay lang ako lagi. Alangan naman na naka-postura ako eh sa bahay lang 'no. Sayang din ang gagastusin sa paglaba.

"I do. 'Pag nakikipagkita kay Tita Joyi." pangdepensa ko sa aking sarili.

"Kung susuotin mo 'to, baka makatuluyan mo talaga yung Castillo guy." Eh? Paano niya malaman yung pangalan nung nirereto ni Tita.

" It's my sister, right? The one who told you. Alis na lang tayo." Sabay sa pag-pindot ng shutdown sa laptop. Inaantay ko na lang mawala yung mga ilaw para masarado ko na yung device. Mas updated pa sa buhay ko ang babae.

I started to fix my hair. Sinuklay ko ito at tinali ng simple. Habang tumitingin pa si Dani ng mga damit ko, kumuha ako ng isang cocktail dress sa sampayan na tinitignan niya. I intentionally smirked in front of her just to annoy her. Ha...

Pumunta ako sa banyo para magpalit ng damit. Naghilamos ako ng mukha, at naglagay ng sunscreen and moisturizer. Sasabak sa initan kaya, it's a must. I sprayed my vanilla lace perfume around my wrist. Sunod sa may leeg at sa may paa. Since, summer dress yung suot ko, pinartner ko yung white na sandals. At sa paglabas ko kinuha ko yung dadalhin ko na shoulder bag. Puti rin ang kulay at may hawakan na plastic chain.

"Gora!" saad ni Dani.

Sa sobrang excited namin lumabas kami agad sa apartment ko.

Alive By Said Words [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon