CHAPTER TWO

14.3K 221 4
                                    

Six years ago...

"PARA KANG TANGA! Ngingiti-ngiti kang mag-isa diyan." Siniko si Louise ng kaibigan na si Miranda upang kunin ang pansin niya.

D-in-ead-ma lang niya ang kaibigan at pinanatili ang tingin sa isang magandang tanawin sa di kalayuan. Kulang na lang ay mag-hugis ang puso mga mata niya dahil lumingon at ngumiti sa kanya ang lalaking kanina pa pinagmamasdan.

"Pffft. That guy again. Don't tell me na iniilusyon mong ikaw ang nginitian niya?" nambubuskang tanong sa kanya ng kaibigan. "Asa ka pa talaga." Naiiling pang winika nito.

Again, deadma siyasa sinabi ng kaibigan. Wala siyang pakialam sa sasabihin nito. Ang importante sa kanya sa mga oras na iyon ay silayan ang kaguwapuhan at kakisigan ni Jaeden James Lagdameo o mas kilala bilang "Jaeden"-the love of her life. How long had she known him? Dalawang taon na. Una niyangnakitaitosa birthday party ng common friend nila. Iniligtas siya nito mula sa mga lalaking nang-harass sa kanya sa party. Like a real knight in shining armor, he was so handsome, so gorgeous, so nice she could cry. Nang gabing iyon ay hindi na ito nawala sa isip niya. She fell in love with him at first sight. Kaya naman mula nang gabing makilala niya ito ay lagi na niyang sinusundan-sundan ito. She would appear in every party, every function she knew he'd be there. Gaya na lang ngayon. Mabuti na lamang ay kaibigan niya si Lissy-kapatid nito ang birthday celebrant na si Yuan-na kabarkada ni Jaeden at ng stepbrother niyang si Micky. Pinilit niya si Lissy na i-invite sila nito sa birthday ng nakatatandang kapatid nito.

"Give it up already, Louise. He's not interested in you."

Napalingon siya kay Miranda na nakasimangot. "Of all people, Miranda, you're the last person I'd expect to say that to me."

Nagbuga ito ng hangin. "Well, it's a fact. If Jaeden likes you even for one bit, he would have asked you out already. Hindi naman siguro siya manhid para hindi mapansin na patay na patay ka sa kanya."

"I'm not giving him any hints!" kailaniya.

"Not giving any hints, eh ano ang ginagawa natin ditongayon? Hindi naman talaga tayo invited. Pinilit mo lang si Lissy na isama niya tayo rito. Saka 'yang pangiti-ngiti mo diyan at pagsilay-silay sa kanya na parang tanga, hindi ba pagpapa-cute 'yon?"

Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. Totoo naman kasi ang mga iyon. Well, iyon lang naman ang tanging magagawa niya. Ang magpa-cute kay Jaeden in a subtle way. She liked him so much ngunit wala siyang lakas ng loob namagtapat ng damdamin dito-or rather hindi niya alam kung paano. Ang nakakainis lang, ilang taon na siyang aaligid-aligid dito ngunit kahit simpleng pagpapakita ng interes na type siya nito ay wala siyang mahita.

Naniniwalasiyang maganda siya at may sex appeal naman. Sa katunayan marami na siyang pinaiyak na lalaki dahil binasted niya ang mga iyon. Isang lalaki lang ang gusto niyang maging boyfriend at si Jaeden iyon.

"Playboy 'yan 'diba?. Mabuti pa, tigilan mo na 'yang kahibangan mo kung ayaw mong lumuha ng dugo." Payo pa ni Miranda sa kanya.

"Sobra ka namang magsalita." Aware siyana papalit-palit ng girlfriend si Jaeden ngunit alam niyang darating ang araw na magtitino ito, oras nasiya ang maging girlfriend nito. If he would take a look at her and be with her, she would make sure that he wouldn't look at anyone else aside from her.

Na-flat ang isang tire ng kotse ni Louise sa daan sa kasagsagan ng malakas na ulan kanina. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkatagpo sila ni Jaeden sa isang convenience store- kung saan siya nagpapatila ng ulan kanina bago umuwi. Tinulungansiya nito. He called someone to tow her car. Nagprisinta rin itong ihatid siya pauwi. Naipit sila sa traffic sa daan dahil bumaha sa ilang parte ng Metro Manila. At nang marinig ni Jaeden ang pagkalam ng kanyang sikmura at matukoy nitong gutom nasiya ay niyaya siya nitong tumuloy muna sa bahay na inuupahan nito dahil mas malapit iyon kaysa sa village nila. Napansin niya na kahit simple lang ang pamamahay nito ay napakalinis niyon. Bibihira ang lalaking malinis sa bahay na gaya nito.

Once And For Always (COMPLETE- Published 2013 under PHR)Where stories live. Discover now