CHAPTER FOUR

11K 218 6
                                    


LUMUWAS ng Maynila ang mga magulang ni Jaeden mula sa Baguio upang i-celebrate ang sixty-ninth birthday ng kanilang ama. Present sa nasabing okasyon ang lahat ng miyembro ng kanyang pamilya. Kabilang din doon ang mga asawa at mga anak ng ilan sa mga kapatid niya na may sariling pamilya na. Isa sa mga ate niya ang nagpakulo ng ideyang iyon na sa bahay niya sila mag-party. It was sort of a house warming party too para sa newly purchased dream house niya. Wala namang problema iyon sa kanya dahil matagal na rin siyang hindi nakakadalaw sa mga magulang niya.

Naupo siya sa tabi ng kanyang ama. "Happy birthday, tatay." Bati niya rito.

"Salamat anak." Masayang sabi naman ng kanyang ama. "Kuu, ikaw na bata ka, minsan ka na lang dumalaw sa amin sa Baguio mula nang makapagtayo ka ng sarili mong negosyo."

Inabutan siya ng baso na may lamang whiskey ng kanyang bayaw na si Patrick. "Hindi ko naman kayo nakakalimutan nila nanay. Medyo busy lang talaga ako sa bar." Sabi naman niya. Ang huling akyat niya sa Baguio ay lagpas isang taon na ang nakararaan.

"O, siya, siya. Naniniwala na ako sa iyo. Pero maiba tayo. Kailan ka ba mag-aasawa, Jeje? Aba! Hindi na ako bumabata. Ibig kong bago man lang ako magpaalam sa mundo ay makita man lang ang apo ko sa'yo." anito. "Jeje" ang petname ng pamilya niya sa kanya noong bata pa siya. At kahit ngayong binata na siya, paminsan-minsan ay iyon pa rin ang tinatawag ng mga ito sa kanya.

Muntik na siyang masamid sa sinabi ng ama. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Well, he was only twenty-seven. Marriage is still far from happening to him. At ang apong hinahanap nito sa kanya? May isang pangyayari sa buhay niya na muntik na siyang maging ama... na akala niya ay magiging tatay na siya. Naipilig niya ang ulo. Sa tuwing naaalala niya ang bagay na iyon ay ganoon na lang ang pagsisisi niya sa mga naging aksiyon niya noon.

"'Tay, darating din tayo diyan. Si Ate Andrea nga, hindi pa ikinakasal." Sabi na lang niya sa kanyang ama.

"At ako na naman ang pinagtsi-tsimisan n'yo, Jaeden?" pumalatak ang bagong dating na si Andrea.

"Paano ay sinasabi ko rito sa kapatid mong mag-asawa na. Noong nasa edad ako nitong si Jeje, aba! Naka-apat na anak na ako!" sagot ng tatay niya sa bagong dating na kapatid. "Kailangang may magmana ng apelyido natin, anak." Sabi naman nito sa kanya.

Napainom na lang ulit siya ng whiskey at hindi na nagkomento.

"Hinahanapan n'yo ng asawa ang kolokoy na 'yan?" tukoy ni Andrea sa kanya. Tumaas ang isang kilay nito. "Parang hindi n'yo kilala ang bunso n'yo, 'tay. Paanong makakapag-asawa 'yan, eh, ginagawa lang niyang laruan ang mga babae." Pambubuska ng kapatid niya sa kanya.

"Ate Andrea!" angal niya sa kapatid.

"Umaangal ka? Totoo naman 'yon, eh!" pang-aasar pa nito sa kanya.

Pinanlisikan niya ng mga mata ang kapatid. Tinawanan lang siya nito.

Mayamaya ay nagtatakbo palapit sa kanya ang five year old niece niya na si Chloe. Bitbit nito ang iPad niya na hiniram nito sa kanya kanina. Agad na kumandong ito sa kanya. "Is she your girlfriend, Uncle Jaeden? She's so pretty!" turo nito sa babaeng nasa screen ng iPad.

Nabitin sa ere ang kamay niya sa sana ay pagsasalin ng whiskey sa baso niya nang mapatingin siya sa iPad. Nakangiti ang babaeng nasa larawanthe love of his life. And she looked so beautiful. Isa iyon sa mga paboritong niyang picture ni Louise.

"That's Louise!" bulalas ni Andrea. Kinuha nito sa pamangkin ang iPad at tinitigan ang picture sa screen. "Sabi ko na! Kaya pamilyar na pamilyar siya sa akin!" napapitik pa ito sa ere.

"You know her?" inilapag niya sa mesa ang bote ng whiskey.

"Si Louise ang bagong tenant sa isa sa units ko." Sagot nito.

Once And For Always (COMPLETE- Published 2013 under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon