CHAPTER FIVE

10.8K 211 4
                                    


"Halos kalilipat ko lang rito, sira na agad ang gripo?" himutok ni Louise habang mina-mop ang sahig dahil umaabot na sa kusina niya ang tubig na nanggagaling sa banyo niya. Noong isang araw pa niya napansin na parang na-loose thread ang gripo sa banyo niya pero hindi niya masyadong pinansin iyon. Ngunit kaninang binalak niyang maligo ay tuluyan nang nasira iyon nang pihitin niya ang gripo. Umagos ang tubig mula roon. Wala naman siyang alam sa pagkukumpuni ng sirang gripo kaya tinawagan na niya si Ate Andrea upang humingi ng tulong dito. Ang sabi nito ay may ipadadala itong tao na tutulong sa kanya para ayusin ang nasirang gripo niya.

Ang "housemate" naman niyang si Jiji ay nakasalampak ng higa sa isang sulok at mukhang bored na bored sa pagmamasid sa kanya at tila sinasabi sa kanyang: Kawawa ka naman pero sorry na lang wala akong maitutulong sa'yo. Sinimangutan niya ang kanyang pusa.

May narinig siyang kumakatok sa pinto. Malamang na iyon na ang tuberong tinawagan ni Ate Andrea. Iniwan niya ang mop sa tabi ng timba, naghugas siya ng mga kamay saka siya naglakad patungo sa pintuan. Inayos lang niya ang pagkakapusod ng kanyang buhok bago niya binuksan ang pinto. "Get away from the door, Jiji." Utos niya sa alaga na sumunod pala sa kanya. Tumalima naman ito.

"Jaeden?!" hindi makapaniwalang bulalas niya. Napaatras siya nang mabungaran ang guwapong lalaki na nakatayo sa tapat ng kanyang pinto nang buksan niya iyon. What the hell is he doing here in front of my door? And why the hell does he look so damn good in the morning? Fresh na fresh itong tingnan. Mukhang kaliligo lang nito dahil mamasa-masa pa ang buhok nito. He smelled so good too. Kahit noon pa man ay lagi nang mabango ito. Kay sarap yakapin at amuy-amuyin nito. Pinagnanasahan mo pa rin siya? Umayos ka nga Louise! Ipinilig niya ang kanyang ulo.

Lumapit si Jiji sa lalaki. Idinikit ang katawan nito sa binti ni Jaeden. Nag-squat si Jaeden at binuhat ang kanyang alagang pusa. "How are you Jiji? You've grown so big, my boy!" pagkausap nito kay Jiji while lovingly patting its head.

Nag-"meow" ang pusa bilang tugon. Halatang masayang-masaya ito na muling makita ang "tatay" nito.

Bigla siyang nainis. Matagal na panahon na hindi nagkita ang dalawa ngunit tila close na close pa rin ang mga ito isa't-isa. Traidor kang Jiji ka! Matagal na nating itinakwil ang tatay mong iyan, remember? Tumikhim siya upang pukawin ang pansin ng binata.

Napaangat ang tingin sa kanya ni Jaeden. "Good morning, Louise! Ang sabi ni Ate Andrea may sira daw ang gripo sa C.R. mo?" tanong nito sa kanya nang makatayo ito matapos makipaglandian kay Jiji. Pinagpag nito ang suot nitong itim na T-shirt upang alisin ang dumikit na mga balahibo sa damit nito.

"Oo. Pero tubero ang kailangan ko hindi isang hudas na 'tulad mo!" singhal niya. "Ano'ng ginagawa mo rito?" pinamaywangan niya ito. Of all the surprises she could get that Sunday morning, bakit si Jaeden pa iyon? At bakit lagi na lang itong- nagpa-pop out kung saan naroon siya?

"Relax ka lang. 'Ke aga-aga ang init na agad ng ulo mo." Itinaas nito ang kamay nitong may hawak na tool box. "Since we live in the same apartment complex, ako ang tinawagan ng kapatid ko para tulungan ka sa sirang gripo mo. And since I'm a good neighbor, hindi na ako nagdalawang-isip pa." nakangiting saad nito.

Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. "Kapatid mo si Ate Andrea?" iyon ang nagsink-in sa utak niya sa lahat ng mga sinabi nito.

"Yup. She's my seventh sister."

"Seventh sister?" ulit niya. Kapatid ni Ate Andrea si Jaeden? Hindi siya makapaniwala sa nalaman. Alam niyang maraming kapatid si Jaeden pero no'ng panahon na sila pa ay tanging ang pangwalo sa mga kapatid nitong babae na si Samantha ang na-meet niya—ayon dito ay pinaka-close nito sa lahat ng kapatid nito dahil hindi nagkakalayo ang edad ng mga ito. Well, patunay lang din iyon na hindi talaga seryoso ang lalaki sa kanya dahil hindi man lang siya nito naipakilala sa buong pamilya nito noon.

Once And For Always (COMPLETE- Published 2013 under PHR)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz