CHAPTER SEVEN

10.6K 226 4
                                    


Pagkatapos ng shift ni Louise sa Yuan's Coffee ay sinundo siya ni Jaeden upang ihatid pauwi sa apartment niya gaya ng madalas nang ginagawa nito. Sa gabing iyon ay niyaya siya nito sa unit nito.

"Let's start our movie date." Nakangiting sabi ni Jaeden sa kanya pagkagaling nito sa kusina. Inilapag nito sa mesa ang bowl ng popcorn at ang bote ng Pepsi Max. Binuksan nito ang malaking LED TV nito at nagsalang ng DVD sa player.

"Movie date?" salubong ang mga kilay na tanong niya. Inakala niyang may paguusapan sila gaya ng sinabi nito sa kanya kanina kaya siya nito dinala sa bahay nito. Umupo ito sa tabi niya. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang bumaling siya sa TV at nagsimula ang pelikula. "'Love Actually'!" she exclaimed. "Love Actually" was her favorite romantic-comedy movie of all time. Maraming beses na pinanood nila ang pelikulang iyon nang magkasama. Sa katunayan ay pinipilit lang niya ito noon na panoorin ang pelikulang iyon. JJ wasn't into romantic movies. At hindi na niya muling pinanood ang pelikulang iyon nang mag-break sila. Naalala lang kasi niya ito.

"Our favorite movie." Pagtatama nito. Sumandal ito sa backrest ng couch saka sumubo ng popcorn.

Lumipad ang tingin niya rito. "Paanong naging favorite mo na rin ang movie na'yan? As far as I can remember, lagi mong tinutulugan 'yan pag isinasalang ko sa DVD player." Dati ay asar na asar siya dito sapagkat sa tuwing natatapos na ang pelikulang iyon ay makikita na lang niya na nakatulog na ito sa tabi niya.

"Paborito mo, eh, di paborito ko na rin." Ngumisi ito. "Alam mong hindi ako mahilig sa chick flicks pero more than fifty times ko na inulit-ulit panoorin'yan no'ng panahon na hindi tayo magkasama. And everytime I do, I'd always imagine you're sitting beside me."

"Eh, di, para kang tanga?"

"Ganoon na nga." Pag-amin nito.

"Maniwala naman ako sa'yo na ginagawa mo iyon." Hindi niya lubos-maisip na ginawa nga nito iyon. Pero natutuwa siyang malaman iyon.

"Totoo iyon." Giit nito.

"Kunwari naniniwala na 'ko sa'yo. Tumahimik ka na, ikakasal na si Keira Knightley." Ibinalik niya ang tingin sa malaking LED screen at nag-concentrate na sa panonood.

"Basta, totoo iyon. Pero sige na nga, manood na nga lang tayo." Itinaas nito ang isang braso nito at ipinalibot sa balikat niya.

It was their usual position whenever they watch a movie while sitting on the couch together. Hindi niya inaasahan ang gesture nitong iyon kaya ganoon na lang ang gulat niya sa paggapang ng masarap na kilabot sa katawan niya sa pagkakadikit nilang iyon. Inihilig pa nito ang ulo niya sa balikat nito. Magpo-protesta sana siya sa ginawa nito ngunit sa kaibuturan ng puso niya ay gustong-gusto niya ang posisyon nilang iyon. How she missed that feeling. Being in his arms like this. Unti-unti siyang nag-relax sa tabi nito.

Nasa kalagitnaan sila ng panonood ng pelikula nang magsimula siyang makaramdam ng pagkailang. Paano ay may mainit na eksena na naka-flash sa malaking LED TV. Naghahalikan ang dalawa sa mga bida at nasa puntong malapit nang gumawa ng milagro ang dalawa. At habang may maiinit na tagpo sa pagitan ng mga bida ay nararamdaman niya ang paggapang ng kamay ni Jaeden sa braso niya. Nagsimulang maglaro ang malikot na daliri nito sa balat niya. He was caressing her sensually. Iyong tipong may pagnanasa.

"Ano ba?" angil niya nang hindi na makatiis sa ginagawa nito. Kakalas sana siya mula kay Jaeden subalit hindi siya nito pinahintulutang makawala sa bisig nito.

"Bakit lumalayo ka? Ang ganda ng posisyon natin."

"Ano'ng maganda sa posisyon natin? Dinala mo ba ako dito sa bahay mo para manyakin at akitin?" akusa niya rito.

Once And For Always (COMPLETE- Published 2013 under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon