CHAPTER NINE

9.9K 179 6
                                    

"WHAT THE HELL?"

Matalim ang mga matang pinukol ni Louise kay Jaeden nang basta na lamang pumasok ito sa loob ng kitchen niya. Lumabas ang assistant niya. "Ano'ng 'what the hell' ka diyan?"

"Umalis ka sa bahay mo nang hindi sinasabi sa akin?" salubong ang mga kilay ni Jaeden. She could sense that he was mad.

"Kailangan bang sabihin ko ang lahat sa'yo?"

"Natural! Boyfriend mo ako kailangang alam ko ang lahat ng nangyayari sa'yo."

"Puwes mag-break na tayo!"

"Ano?!" ang lakas ng boses nito.

"You heard me. Break na tayo. Wala na tayo. Tapos na tayo." Pinagpag niya ang mga kamay. Hindi siya makapag-concentrate sa ginagawa niya.

"You're breaking up with me?"

"Yes! Dahil pagod na akong makipaglaro sa iyo." Pinigil niya ang mapaluha.

"Anong laro ang sinasabi mo?" naguguluhang tanong nito.

Hindi ka lang pang-FAMAS, pang-Oscars ka pa! Kunwari hindi mo alam! "'Wag na tayong maglokohan!" sigaw niya. Hindi niya mapigilan ang pag-ahon ng galit niya.

"Hindi naman ako nakikipaglokohan." Seryosong sabi nito.

"Oh, come on!" she rolled her eyes.

"Galit ka pa rin sa akin? I've already shaved my armpit hair. See?" Itinaas nito ang shirt na suot nito upang ipakita sa kanya ang hairless na magkabilang kilikili nito.

Nag-iwas siya ng tingin dito upang hindi matawa. Talagang inahit nito ang buhok sa magkabilang kilikili nito para sa kanya. Pero hindi siya madadala sa gano'n. Pinilit niyang magmukhang seryoso nang tingan niya ulit ito. "I mean it when I say I'm breaking up with you."

"You can't be serious. We love each other, right? I love you."

"Ano ba ang hindi mo maintindihan? Sawa na ako! Hindi na 'ko magpapauto sa'yo!" May pa-i love you-i love you ka pa ngayon! Ulol!

"Ano naman ang ginawa ko?" Hinawakan nito ang kamay niya.

Ipiniksi niya ang mga kamay. "Ilang beses mo ba ako kailangang saktan, Jaeden?"

Lumalim ang gatla sa noo nito. Tila hindi nauunawaan ang ibig niyang ipahiwatig. "Ano'ng sinasabi mo?"

"Hindi mo na ako maloloko!" Nagmamaang-maangan ka pa!

"Hindi ko maunawaan ang sinasabi mo! Hindi ako manghuhula! Kung hindi mo sasabihin sa akin ng diretso talagang hindi ko maiintindihan!" Tila uminit na rin ang ulo nito kaya marahil hindi na rin nito napigilan ang sarili kaya napataas na rin ang tinig nito.

"Umalis ka sa harap ko! I don't want to see you ever again!" she yelled. She had never been so mad until that moment. May dahilan siya upang magalit ng husto rito. Iba ang sitwasyon nila ngayon sa huling beses na inaway niya ito nang nagdaang araw. Napahawak siya sa tiyan niya. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito na magkaka-baby na sila. Wala siyang balak itago iyon dito. Hindi pa lang niya alam kung paano titiyempo. And the last thing that she wanted to feel right now was to be upset. Napatingin si Jaeden sa tiyan niya ngunit wala itong sinabi.

His shoulders sagged. "Ang hirap mo talagang i-spelling-in. But I understand. I understand." Pagkasabi niyon ay lumabas na ito.

Tuluyang nalalag ang luha niya nang mawala na ito sa paningin niya.

FRUSTRATED na napabuga ng hangin si Jaeden matapos uminom ng scotch. Nasa Jae's Story siya at naglalasing. Hindi na niya alam ang gagawin. Ilang beses na niyang pinuntahan si Louise sa bahay ng mga magulang nito ngunit hindi ito nakikipagharap sa kanya. Ang masaklap pa sa lahat, pina-ban na siya sa village ng bahay nito. Ilang araw na rin itong hindi pumapasok sa trabaho nito.

"Ano na naman ang problema, pare?" tanong ni Yuan sa kanya.

"Hindi 'ano'. Sino."

"Sino?" tugon naman nito.

"Sino pa, e di si Louise." nagsalin siya ng scotch sa kanyang baso. Ang akala niyang simpleng pagtatalo nila ay malala pala. Hindi lang dahil sa may mood swings ito. She didn't want him anymore. Galit ito sa kanya sa kadahilanang hindi niya alam. He tried to decipher all the things she had told him the last time they talked... or fought. Pero wala siyang makuhang sagot. Hindi niya alam kung anong "laro" ang sinasabi nito.

"My pastry chef?" naglagay ito ng ice cubes sa baso nito, saka nagsalin ng scotch.

"'My pastry chef' ka diyan! Tadyakan kita diyan, makita mo." Asar na wika niya. Walang sinuman ang puwedeng magmay-ari kay Louise kung hindi siya lang.

"Okay. Ikaw na ang possessive," natatawang sabi nito. "So, ano'ng problema mo sa kanya?"

"She hates me. She doesn't want to see me."

"What else is new?" sarcastic na sabi ni Yuan. "'Oy, gago ka. Pag siya tuluyang nag-resign sa Yuan's sisinglin kita ng malaki. Malulugi ang negosyo ko dahil sa'yo. Kung hindi dahil kay Louise, hindi dadami ang customers ko," Sabi nito kapagkuwan.

Hindi niya pinansin ang huling mga sinabi ni Yuan. "Sabi niya, sawa na raw siyang makipaglaro sa akin." Dinala niya sa bibig ang kanyang baso.

"Pinaglalaruan mo lang siya? Siraulo ka talaga." Pumalatak ito.

Matalim ang mga matang sinulyapan niya si Yuan. "Hindi ko siya pinaglalaruan!" angil niya.

"O, eh, ano ngayon ang problema?"

Napabuntong-hininga siya. "Iyon nga, hindi ko maintindihan bakit ayaw na niya sa akin." He swore he didn't fuck up this time.

"Kausapin mo."

"Ayaw ngang makipagusap sa 'kin. Pinagtataguan ako." how he hated that it's like a replay of what happened in the past. Itinataboy na naman siya nitong muli palayo sa buhay nito.

"You once fucked up in your life. Huwag mo na uling ulitin iyon. Huwag mong bigyan uli ng dahilan na magalit sa'yo ang pamilya niya. May record ka na sa kanila. Once that happen again, it's over. You can never have her again," Seryosong payo sa kanya ni Yuan. Hindi lingid dito ang istorya ng buhay niya.

Yuan was right. Mahal na mahal niya si Louise. She's the center of his world. He's not going to give up on her. Not ever.

"She's pregnant," Nangingiti nang sabi niya. Natupad na ang hiling ng kanyang ama sa kanya. Magkakaapo na ito sa kanya.

"Seryoso?"

Tumangu-tango siya. Nang araw na bumalik siya ng Maynila pagkatapos ng food festival na dinaluhan niya sa Baguio ay may nakausap siyang OB-Gyn, si Dra. Danica Calderon. Biglang sumagi sa isip niya na maaaring buntis ang kanyang nobya nang maabutan niya sa bahay ng kayang mga magulang ang isa sa mga kapatid niya na si Ate Marissa nang bumisita siya roon. Anim na buwan nang buntis ito at may moodswings din ito gaya ni Louise. Dahil nais niyang makasiguro mula sa mga hinala niya na maaring buntis ang kanyang nobya ay kinontak niya ang nasabing doktora na ini-refer ng kapatid niya. Lahat ng hinala niya ay sinabi niya sa doktora. Ang dami rin niyang itinanong. Ang naging konklusyon ng doktora ay maaaring ngang buntis na ang nobya niya. Pinayuhan siya nitong dalhin sa clinic nito si Louise para mas makasiguro siya.

Mas naging positibo ang hinala niya na nagdadalang-tao si Louise nang humawak ito sa tiyan nito nang huling magtalo sila. Nang mapansin niya iyon ay nanahimik na lang siya. Ayaw niyang mapasama ito at ang magiging anak nila. Kaya umalis na lang siya.

"What's the next step?" hamon ni Yuan sa kanya.

"Chase her." Determinadong saad niya. Kahit ilang beses na habul-habulin niya ito ay walang problema sa kanya. What's important is that they're going to be together in the end.


Once And For Always (COMPLETE- Published 2013 under PHR)Where stories live. Discover now