FINAL CHAPTER

18.2K 456 53
                                    

"PARANG may kakaiba sa'yo," puna ni Max kay Louise. Umupo ito sa tapat niya at inilapag ang tray ng mga order nila.

"Matagal rin tayong hindi nagkita," Sabi niya. Nasa Yuan's Coffee sila. Wala sana siyang balak na pumunta roon kaya lang ay doon siya niyaya ni Max nang makasulubong niya ito sa bookstore na malapit lang sa area ng coffee shop. Ilang araw na siyang hindi pumapasok sa trabaho. Pinagiisipan na rin niya ang pagre-resign. It was all because of Jaeden.

"Well, I got busy," nagkibit-balikat ito. Humigop ito ng Latte.

"How's your business?" tanong niya. She sipped her strawberry milkshake. Dahil buntis siya, bawal sa kanya ang may caffeine.

"Doing great," Nakangiting sabi nito. "You look lovelier than ever, Louise." titig na titig ito sa kanya.

Napangiti siya sa papuri nito. "Thanks." inipit niya ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tainga niya. Ang sabi nila ay mas gumaganda raw ang babae kapag buntis ito lalo na kung babae ang ipinagbubuntis nito. Ngunit hindi pa naman alam ang gender ng anak niya dahil dalawang buwan palang naman ito.

"Buntis ka na sa anak ko and yet nakuha mo pang makipag-date sa ibang lalaki?"

Napaangat ang tingin niya sa nagsalita sa gilid nila ni Max. It was Jaeden. Hindi maipinta ang mukha nito.

"What are you doing here?" Ayaw na niyang makita pa ito ngunit ang puso niya ay patuloy na nangungulila rito. She must be crazy.

"Ako ang dapat na magtanong niyan sa'yo. What exactly are you doing here? Magkakaanak na tayo't lahat heto kang nakikipagngitian sa lalaking ito!" he spat. Gigil na itinuro pa nito si Max. Tila nang mga oras na iyon ay handa itong makipag-hamunan ng suntukan.

"You're pregnant?" naguguluhang tanong ni Max sa kanya.

"Yes, she's pregnant with my child! So if I were you, I'd back off!" he yelled all over the place before she could even open her mouth.

"God, you're really such an asshole!" Tumayo siya, isinukbit ang kanyang bag. "Sorry, Max but I have to go. Next time na lang." Tumalikod na siya. Naiwang nakanganga si Max.

"Sumama ka sa'kin!" Mahigpit na hinawakan ni Jaeden ang braso niya at halos kaladkarin siya nito palabas ng Yuan's Coffee.

"Ano ba! Saan mo ba ako dadalhin?" inaalis niya ang kamay nito sa kanyang braso ngunit lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakakapit nito sa kanya.

Tumawid sila sa kabilang kalsada patungo sa restaurant nito. Nang makapasok sila roon ay lahat ng mga mata ng mga customers at tauhan nito ay namamanghang nakatingin sa kanila. Binale-wala nitong lahat iyon at dire-diretsong dinala siya ni Jaeden sa loob ng opisina nito. Ini-lock nito ang pinto nang makapasok sila roon.

He was pacing around the room. Nakamasid lang siya rito. Walang nagsasalita sa kanila.

"Ano'ng problema mo?" nakapamaywang na tanong niya rito nang hindi siya makatiis na nakatunganga lang dito. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil tila matutunaw ang lahat ng galit niya dito habang nakamasid siya rito. Bakit kasi napakaguwapo nito? Kahit mukhang aburido ay sadyang napakaguwapo pa rin nito.

Huminto ito at humarap sa kanya. Humugot ito ng malalim na hininga bago nagsalita. "Hindi lang ako ang may problema. Tayong dalawa. At aayusin natin ito. Hindi ka lalabas ng kuwartong ito hangga't hindi natin naayos ang problema natin." Mahinahon na ang tinig nito. Hindi gaya kanina na nanggigigil sa galit.

"Napagusapan na natin ito. We're over."

"Hindi ako makakapayag diyan. We'll be over when I say we're over. At malabong mangyari iyon dahil wala akong balak na makipaghiwalay sa'yo kahit kailan," mariing sabi nito.

Once And For Always (COMPLETE- Published 2013 under PHR)Where stories live. Discover now