Chapter Two

295 5 1
                                    

CHAPTER TWO

HUMUGOT muna si Sunday ng malalim na hininga upang palakasin ang loob. Pagkatapos ng dalawang araw, ngayon lang ulit siya magtatangkang kausapin ang kanyang papa.

Binuksan niya ang pinto sa silid nito. Agad na naalerto si Fidel Sarto pagkakita sa kanya. Ibubukas na lamang nito ang bibig nang magsalita siya. “G-­gusto kong humingi ng tawad, Papa. I’ve been bad, very bad,” umpisa niya.

Hindi kumilos ang matandang lalaki, nanatili lamang nakatitig sa kanya. Naroroon pa rin sa mga mata ang galit.

Lumapit siya sa upuan at hinila iyon palapit sa kama. “Papa, I’m sorry for all the pains I’ve caused you,” aniya. She touched his hand. Hindi gumalaw iyon. “I know you hated me for not marrying Phil.” Si Phil ay anak ng kaibigan nito na ipinagkasundo sa kanya upang pakasalan. She waged battle over it, ngunit nanaig ang awtoridad ng ama. Naihanda pa rin ang lahat. Yari na ang kanyang wedding gown, excited ang mga imbitado.

Suwerte lang na naisipan niyang kausapin si Phil bago ang araw ng kasal. She caught him copulating with their best man! Hindi siya sumipot sa kasal. Ngunit kahit sinabi pa niya ang totoong dahilan ng pag-­urong niya ay hindi siya pinaniwalaan ng kanyang papa. Ang nakita lamang nito ay ang kahihiyang idinulot niya sa pamilya ni Phil at ang pagtatapos ng pakikipagkaibigan nito sa ama ng lalaki.

Patuloy siya sa paghingi ng tawad. “I’m sorry, too, that I got myself all over the papers—” aniya.

Two years ago, nagkaroon ng scandal na may kinalaman sa trabaho ng kanyang ama. Pati siya ay hindi tinantanan ng mga tabloid reporters. And one time, a tabloid photographer took a picture of her butt while she was diving in the pool. Gusto nitong ipakita sa mga tao kung gaano ka-­priviledged ang buhay ng kaisa-­isang anak ni Fidel Sarto; pribilehiyong nakamit niya dahil daw may ill-­gotten wealth ang ama. Isa raw Marcos crony si Fidel Sarto at may bank account sa Switzerland. Galit na galit naman sa kanya ang kanyang papa. She reasoned with all her might na hindi naman niya kasalanan na mailathala sa tabloid ang kanyang butt. Ang ikinagalit nito nang husto ay ang suot niyang swimsuit. It was a thong!

“Papa, I’ll do anything, patawarin mo lang ako. Gusto kong bawiin ang mga pagkukulang ko sa iyo. And I’m thinking—” For a brief moment, she saw her father’s eyes light up. There was hope, aniya sa sarili. “I’ve read your journal, Papa,” wika pa niya.

Bigla na namang tumalim ang tingin nito sa kanya.

“I’m sorry, but I had to. I-­I hardly know you. You’ve been like a stranger to me. And by reading your diary, I was able to learn some things about you. I learned that you wanted that Luna painting so badly, that it frustrated you so much when you couldn’t have it. Patatawarin mo ba ako kung maibibigay ko iyon sa iyo? We’ll start again. Alam ko ang obsesyon mong maangkin ang painting. I promise to give it to you...”

Umiling ang matandang lalaki. “You won’t find it, Sunday,” anito. There was almost no hatred in his voice.

“I can.” Ngayon pang nabuhayan na siya ng loob. “M-­may kaibigan akong painter and I know she can help me. Marami siyang kakilalang mga art collectors, gallery owners, she can help...”

“The painting’s not for sale,” wika pa ni Fidel Sarto.

Natigilan siya. “Alam mo ba, Papa, kung nasaan ang Reclining Nude?” tanong niya.

Muling umiling ang kanyang papa, and in doing so, winced in pain. Nasabi na ni Tita Siony na laging masakit ang katawan ng kanyang papa. His bones were also affected by the virus. Hindi na mabilang ang komplikasyong idinulot niyon.

“Private collection. Hindi ko kilala ang collector, but as I’ve said, it‘s not for sale. So you can forget about it. I gave up hoping a long time ago.”

My Girl Sunday by Rose TanWhere stories live. Discover now