Chapter Ten

379 12 6
                                    

CHAPTER TEN

“WHAT have you done, Sunday?” anang Tita Siony niya. Kagagaling lamang nito sa meeting ng women’s club at nalaman doon ang hinggil sa nawawalang Luna painting. Kaagad nitong inusisa ang pamangkin. Hindi naman tumanggi si Sunday.

“Ibabalik ko naman, Tita. Kaya lang, wala akong pagkakataon dahil ayokong iwan si Papa,” aniya.

Magtatatlong linggo na buhat nang nakawin niya ang Reclining Nude, at ngayon lang niya nalaman na natuklasan pala kaagad iyon ni Aris.

“Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip mo, Sunday. Akala mo ba ay matutuwa ang iyong papa kung nalaman niyang ninakaw mo lamang ang painting?” ani Tita Siony.

“But he got better because of that. I just want to please him, you told me that,” aniya.

Totoo ngang bumuti ang kondisyon ng kanyang papa, at nailabas nila ito mula sa hospital. Ayaw pumayag ng mga doktor, ngunit mapilit si Fidel Sarto.

“He got better, yes. Pero ganoon talaga ang sakit niya, pasumpung-­sumpong. I told you to make him happy, yes. But what I meant by that is for you to be with him. Pero ano ang ginawa mo? Iniwan mo ang papa mo at nagnakaw ka sa kung sino! Ikaw ang kailangan ng iyong papa, hindi ang painting na iyon. He felt better because he saw you. Hindi mo ba naiintindihan ‘yon?” Galit sa kanya ang tiyahin, ngunit alam niyang kahit paano ay nauunawaan siya nito.

“I’m sorry, Tita.” Naudlot ang pagsasalita niya nang makita ang private nurse. Parang tulala ito na nanlalaki ang mga mata.

“Oh, my God!” Tinakbo niya ang silid ng ama.

IBINABA ni Aris ang telepono at pinagdaop ang mga palad. Miyembro ng Rotary Club na kinaaniban din niya ang tumawag. Sinabing yumao na si Fidel Sarto, ang kanilang past president. Bilang miyembro ay obligasyon niyang dumalaw sa burol nito. Isa pa ay may utang-­na-­loob siya sa lalaki. Hindi siya nahihirapang mag-­loan sa bangko dahil dito. Kamakalawa raw ito binawian ng buhay at sinabi rin sa kanya ng tumawag kung saan ito nakaburol. Tinawagan niya ang kanyang sekretarya at inutusang magpadala ng wreath sa chapel na kinalalagakan ng labi ni Fidel Sarto.

Pagkatapos ay tumindig siya at dinampot ang jacket. Alam niyang pinag-­uusapan pa rin siya ng mga tauhan, kakilala at mga dating kaibigan, pero wala na siyang pakialam sa pagkakataong ito. Kung malalaman ng mga iyon ang totoong dahilan kung bakit nawala ang kanyang painting, malamang na lalo pa siyang pagtawanan. They could talk about Darcy all their lives. He didn’t care. Walang araw na hindi niya naiisip si Ingga. Minsan, he would be overwhelmed with hatred, ngunit dala lamang iyon ng labis na pagmamahal sa maid. Then his mood would come back, and would forgive her.

In the end, he would just sit in a corner, and would reminisce those times when they were together. Gusto pa rin niyang makita si Ingga, ngunit hindi niya alam kung saan mag-­uumpisang maghanap. Sa mga naiwan nitong gamit ay naghanap siya kahit ID, ngunit pawang mga damit lang ang naroroon. And he was amazed to find out that they were all signature clothings. Bagama’t luma ay may mga pangalan at orihinal, hindi imitation. Lalo na siyang nakumbinsi na pagnanakaw ang totoong propesyon ng babae. Dinaanan muna niya ang kanyang mama bago tumuloy sa burol.

WALANG patid ang luha ni Sunday. Hindi siya umaalis sa tabi ng ataul ng ama. Pakiramdam niya ay siya ang pinakawalang-­kuwentang anak sa mundo. Wala man lang siyang nagawa na puwedeng ipagmalaki ng kanyang papa. Naramdaman niyang may pumisil sa kanyang balikat. Si Dorotea.

“You’re still lucky, Sunday,” wika nito sa kanya at humila ng isang upuan upang maupo sa tabi niya.

“I failed him. Too many times, I failed him,” aniya. Namamaga na ang mga mata niya sa pag-­iyak. Sa loob lamang ng dalawang araw ay nahulog na ang katawan niya, lumubog ang pisngi at namutla.

“My father and I, we didn’t get along very well when he died. You’re luckier than I am, because you were able to tell him you love him. I didn’t and it hurts so bad. Your father understood and loved you whatever you came out to be. You made him happy in the end. ‘Yan ang ilagay mo sa isip mo, Sunday.”

Yumakap siya sa kaibigan at lalo pang naiyak. But on the back of her mind, alam niyang tama si Dorotea.

“I’ll miss him. Ang iksi naman ng panahon na ibinigay sa amin,Thea.”

“Ang mahalaga, you had the chance.”

Napalingon si Thea sa pinto ng kapilya. “Oh, my God, Sunday,” bulong nito.

Napatingin din siya sa pinto and froze. She was looking into the eyes of her master.

PAKIRAMDAM ni Aris ay mabubuwal siya sa kinatatayuan. He was looking at his maid! Pero ano ang ginagawa rito ng babae?

“Poor Sunday. She spent her life rebelling against her father, now look at her,” wika ng kanyang mama.

“Sunday?” anas ni Aris.

“Oh, don’t you know her? Come, let’s offer our condolences,” wika pa ng kanyang mama.

Parang tau-­tauhang sumunod si Aris. Sinalubong sila ng isang may-­edad ding babae. Ipinakilala ito sa kanya ng kanyang mama bilang kapatid ni Fidel Sarto.

“Ikaw pala si Aris. I guess my niece has some explaining to do,” ani Siony.

God! His mind screamed. Hindi niya mapaniwalaan na iisang mundo lang pala ang ginagalawan nila. That explained her grace, her wit, her clothes. Oh, my God! Hindi malaman ni Aris kung tatawa o hindi. Lumapit ang kanyang mama kay Sunday. Kinamayan ito. Hindi niya malaman kung lalapit din siya kay Ingga. Ninakaw pa rin nito ang painting niya. But somehow, he knew there was a reason behind it. Lumalapit pa lamang siya ay nanginginig na ang mga labi ni Sunday.

HINDI niya malaman kung ano ang gagawin, parang gusto niyang maglaho. She was crying this time, not because of her father, but because of this man who was going to shake her hand.

“I’m sorry,” aniya sa nanginginig na tinig. Aris took her hand. Pinisil iyon.

“Sunday,” anito.

“Can I talk to you, Mr. Latrona?” sabat ni Dorotea.

“Sure,” ani Aris. Mabilis itong hinila ni Thea palabas ng kapilya.

“It’s about the painting. I’m the one who did the fake,” wika kaagad ng painter pagkalabas.

“Tell me about it,” wika ni Aris.

PIGIL ni Aris ang pagtawa habang nagkukuwento si Dorotea dahil hindi naman magandang tingnan kung hahalakhak siya sa harap ng nagluluksang tao.

“Do you know that if she only asked for it, I’d be willing to give it to her?” anito kay Dorotea.

Nagkibit-­balikat ang painter. “Well, you’re not exactly Mr. Friendship when she met you.”

“Yeah, right,” ani Aris at muling pumasok sa chapel. Naupo ito sa inupuan kanina ni Dorotea. He placed an arm around his maid’s shoulders.

“You’re not mad?” Malat na ang tinig ni Sunday.

“Nope. But my insurance company will have a fit.” Nabayaran na ito ng mga iyon.

“Do you know that I-­I really love you and that I enjoyed being your maid?” wika pa ni Sunday.

“Your friend told me everything. And I’ll have to sponsor her next exhibit lest she continues to make a career out of painting horrible fake paintings,” he joked and squeezed her shoulder. “I love you, too. You drove me mad when you left, Sunday.”

She smiled. “It’s so unfortunate that I was not able to introduce you to my father,” aniya.

“We’ve met. He was a great guy.” He kissed her head. “Will you marry me, Sunday?”

“Your timing’s bad, but I accept. Yes, I’ll marry you, my master.”

•••WAKAS•••

My Girl Sunday by Rose TanWhere stories live. Discover now