Chapter Five

215 5 3
                                    

CHAPTER FIVE

DAIG pa ni Sunday ang binugbog matapos painumin ng Bangkok pills. Hindi siya nakatulog at masakit ang buong katawan niya dahil ubod nang tigas ang kanyang higaan. Ang dami pang lamok sa loob ng silid! Hilo siya nang bumangon. Paglabas niya ng pinto ay nasalubong niya si Lagring. Nagri-­ring ang intercom at nagmamadali nitong sinagot iyon.

“Opo, Sir. Ngayon din po. Opo,” anito.

Hindi iyon pinansin ni Sunday. She was looking for the bathroom.

“Hoy, Ingga, dalhan mo raw ng almusal si Sir sa kuwarto niya. Bilisan mo!” utos sa kanya ng matabang babae.

Tumango lang siya bago pumasok sa banyo. Habang nakaupo sa toilet bowl ay bumabagsak ang ulo niya dahil sa sobrang antok. Nagtagal marahil siya dahil kinakatok na siya ni Lagring. Gusto pa niyang mag-­shower at magpalit ng damit, but that could wait. Pumasok siyang katulong, kailangan niyang pag-­isipan. Binuksan niya ang gripo sa lababo, naghilamos at nagmumog. Even brushing her teeth must wait.

“Nasaan ang almusal ni Sir?” tanong niya.

“Ayan, bilisan mo. Palibhasa, puro kalandian ang alam,” bulong ni Lagring.

Tahimik niyang iniakyat ang tray ng pagkain. Kamuntik pa siyang mahulog dahil sa pagkagroge.

“SAAN ko ilalagay ‘to?” tanong niya pagpasok sa silid. Naka-­bathrobe lang ang lalaki, mukhang bagong labas mula sa shower dahil tumutulo pa ang buhok nito.

“Ipatong mo diyan,” anito.

Ipinatong niya ang tray sa nakitang mesita. Lalabas na siya nang tawagin siyang muli ni Aris.

“Maupo ka muna, Ingga.”

Nasa sulok ang armchair kaya sa kama na lang siya naupo. Malambot na malambot iyon, nag-­aanyaya. Isinandal niya ang kalahati ng likod sa headboard. Dinampot ni Aris ang kape at nagsalin sa tasa.

Hindi man lang siya inalok. “Ilang taon ka na?” he asked.

“Twenty-­three po.”

He could see her eyes were half-­closed.

“Hindi ka ba nakatulog?” tanong ni Aris. Hindi namamalayan na gumanda ang mood dahil lang nakita ang kanyang maid.

“Hindi po,” tugon ni Sunday. Hindi na niya alam kung gising siya o tulog na.

“If you would kiss me, I’ll let you sleep the day off, in this room,” wika nito.

Walang salitang tumindig si Sunday at lumapit sa amo. Kinuha ang tasa sa kamay nito at ipinatong sa mesita. Then she wrapped her arms around his neck and kissed him. It wasn’t her first kiss and she knew the mechanics. She parted his mouth with her little tongue, and that pink, little tongue explored his moist mouth na amoy mouthwash pa. Sorry na lang kung hindi pa ako nagtu-­toothbrush, her mind screamed. Nakadilat ang mga mata ni Aris. Hindi malaman kung paano magre-­react. His maid was giving him a perfect French kiss! He was gasping for breath and couldn’t withdraw his tongue!

Then his maid released him. “Puwede na ‘kong matulog?” she asked.

“Sure,” hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Aris.

Mabilis namang sumampa sa kama si Sunday, sabay hila sa comforter at ibinaon ang ulo sa unan. The bed felt great at naamoy pa niya roon ang amoy ni Aris, which made the bed more comforting. “Ingga,” tawag ni Aris. Ngunit tulog na ang katulong. He found himself tracing his lips. Where did she learn to kiss like that? Nagbihis si Aris at hinayaang matulog sa kama nito si Sunday. Paglabas nito ng silid ay nasalubong nito si Lagring, na kunot na kunot ang noo.

My Girl Sunday by Rose TanWhere stories live. Discover now